Chapter Four

1813 Words
NAGPAALAM na si Kuya Tristan sa akin matapos ang pag-uusap namin dahil naghihintay umano ang asawa niya sa isang hotel. Aside from checking up on me here personally, they also have a long vacation here in Italy with his wife. Natigil din ang panggugulo ni Mom at nakalimutan na nga namin siya. Marahil ay napagod na rin kaya kusa ng umalis at magliwaliw. Maayos naman ang pag-uusap naming dalawa. He encouraged me to go back to Philippines and get my part. Karapatan ko rin daw iyon at pagkakataon na maipakita sa aking mga kapatid ang kakayahan ko. Ang malaking tanong, may kakayahan ba ako? “Mayroon! Hindi ko lang nadi-discover!” Nag-unat muna ako ng mga braso bago pumasok sa loob ng bahay. Biglang tumahimik ang loob. Wala na si Mom na nangungulit sa akin at sa totoo lang, ganitong katahimik ang paligid, bigla ko na lang nami-miss si Mommy. “Mommy?” tawag ko ngunit walang sumagot. Baka natutulog o umalis, sabi ko sa sarili. I went upstairs to go to my room. Maglalaro na lang ako ng PS4 o matutulog o maglalaro ng iba…. bahala na! Sa loob ng silid na lang ako magde-desisyon kung ano ang gagawin ko para mawala ang pagkaburyo ko ngayon. Nasa labas pa lang ako ng silid nang may naririnig akong nagsasalita. At sigurado ako, sa loob iyon ng aking silid, at si Mommy ang nagsasalitang mag-isa! Nawawala na rin ba ng bait ang mommy dahil sa hindi ko pinayagang makinig sa usapan namin? Masyado ba akong naging malupit sa kanya? Hinay-hinay kong itinulak ang pinto at sinilip ang ina. Nakaupo siya sa kama kaharap ng isang malaking maleta at mga damit. "Hmmm... mainit siguro sa Pinas ngayon. Ito... mga shorts, sando, t-shirt, padalhan ko na lang siya ng kaunting jackets para magamit niya if lalamigin siya." Diosmiyo Dolores! Inang habagin ng Nazareno! Masasambit mo talaga ang lahat ng santo sa ginagawa ng nanay ko. She was packing my things in a big bag! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon ngunit nagi-impake na siya ng mga gamit para sa akin. "Mom? What are you doing?" tanong ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng silid. "Oh, hi! Hindi ka na nauuhaw ng dugo?" sarkastikong tugon niya sabay ismid sa akin. Naiiling akong umupo sa gilid ng kama at pinagmasdan lang siya habang nagtutupi ng aking mga damit. "Inaayos ko lang ang mga gamit mo, dahil parang mainit sa Pinas, anak. Bili ka na lang ng mga t-shirt do'n. Iyong h'wag pucho-pucho, ha. Mga branded dapat baka mangati iyang skin mo. Mahirap na. Ayaw kong isipin ng mga kapatid na gusgusin ka. Dios ko! At baka may masabi pa ang nanay nilang mahadera patungkol sa iyo. Magsumbong ka sa akin kung aapihin ka ng mga unggoy na iyon dahil susugod agad ako." Nasapo ko ang ulo dahil sa dami ng kanyang sinasabi. At isa pa, pinapalayas niya na ba ako? "Mom, hindi ako aalis." Saglit siyang natigilan at pinaningkitan ako ng mga mata. Muli siyang nagbalik sa pagtutupi at iiling-iling. "Aalis ka sa ayaw mo at sa gusto ko! Teka… heto, more towels dahil mahilig kang maligo. Burara ka pa naman! Kung ayaw nilang palabhan ang damit mo, punta ka sa yaya mo or palaba ka. Huwag kang maglalaba, Jonathan, never kitang pinalaba, capisci (do you understand)?" Napaka walang-puso naman ng inang 'to. Ang iba iiyak pa at sasabihan kang huwag na lang umalis dahil mami-miss ka, pero siya, inimpakehan pa talaga ako, ang dami pang habilin na tila ba, ayaw na ayaw na akong pababalikin dito sa Italya. "Nathan!" "Po?" naiirita kong sagot. Mula sa kanyang pagiging manager ko, biglang naging maamo ang hitsura ni Mom at isinandal ang ulo sa aking dibdib. "I will miss you, Son." Sus! Fine. She's a bit sweet. Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata at nang nakitang seryoso siya dahil lihim niyang pinahid ang mga luha ay kumbinsido na akong seryoso siya. Malalim lang akong bumuntong-hininga at niyakap siya. "Me, too." Kahit nakakainis si Mom sa pagiging makulit ay love ko pa naman ito. Kahit maingay ‘to, nami-miss ko pa rin naman ito, lalong-lalo na ang mga habilin niyang ‘di ko alam saan niya nakuha. I hate her for being so manipulative, pero lingid sa kaalaman ng lahat, my Mommy is the best, the best there ever was. I TYPED a message but decided to delete it. Hindi na siguro mahalaga if magpapaalam ako. Para saan pa? She already asked for a cool off. At alam ko ang ending nito, hiwalayan din naman. Positive scripting lang ang ginagamit nitong si Fiona para ‘di masyadong masakit. "I'm sorry, Nathan. I need more... space." She turned back and crossed her arms to her chest. Napatitig lang ako sa kanyang likuran habang iniisip kung saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? May mali ba sa akin bilang kasintahan niya? "Why, Fiona? Masyado na ba akong mahigpit? I can loosen it. Masyado ba akong maluwang? I will adjust for you… or masyado akong sweet, kaya kong tamaan ang timpla ko, just tell me, what’s the problem." "No! Ako ang may problema.” Ito na naman ang linyahan nilang, ‘it’s not you, it’s me!’ “Nalilito na ako. Mahal kita pero... I don't feel any spark." I chuckled and shook my head in disbelief. "Spark? What spark? Two years na tayo, Fiona? Sasabihin mong walang spark? Ano’ng gusto mo? Magpaputok tayo para may spark kang makita?" Naiinis na ako sa napaka-sabaw na rason niya. I could not accept it! Very not acceptable. I can not believe this! "Sorry, but I need a cool off. I need space. Sana respetuhin mo ang desisyon ko." "Hanggang kailan, Fiona? Hanggang kailan ang cool off na 'yan?" Malungkot siyang tumingin sa akin. "Until I will miss you." . . . Okay. Start to miss me now, Fiona. At sisiguraduhin kong papakipot talaga ako katulad ng pagpapakipot mo noon. Pumasok na ako sa loob ng eroplano at tumungo sa seat para sa akin. Kuya Tristan booked me a first class seat. At bago ako umalis ay nag-celebrate muna ako ng twenty-second birthday ko last February 28 kasama si Mom. Nang mahanap ko ang pwesto ay umupo ako. Komportable naman ako, idagdag pa na ang gaganda ng mga crews dito. Makaka-move on ako nang mabilis. A flight attendandant entertained me immediately. "If you need anything, Sir, feel free to call me," nakangiti niyang sabi. Wow! Bebot! Hindi ako mahilig sa foreigner pero kakaiba ang isang 'to. Maganda. Her pointed nose and rosy cheek were more prominent to her. Hindi rin blonde ang buhok niya pero may blue spanish eyes. "No, can I... call you, later?" I said with a wink. Masyadong mabilis pero para saan pa kung babagalan ko. Ako si Jonathan Montefalco at pagong lang ang mabagal! Nagkagat-labi siya sa sinabi ko at sigurado akong type niya ako. She turned back and not just a minute she came back, she buckled my seatbelt sabay pisil sa binti ko. "Ready to fly, Sir?" Sabay lapag ng maliit na papel sa ibabaw ng aking hita. Oh! Great. May nakasulat pa na numero. Long distance nga lang pero laban na. "Thanks," I said with my most favorite beam– a flirtatious smile. IBINABA ko ang Montblanc collectors sunglasses at kinamayan si Kuya Tristan. Sinalubong niya ako at kinuha ang isang maleta sa kabilang kamay ko nang nalapitan. "How's the flight?" tanong niya. "Great, man! Ang ganda ng first class na kinuha mo, sexy stewardees with chubby butt cheeks, woah!" "Oh! Stop it, Jonathan," saway ni Kuya sa 'kin at iiling-iling na naglakad. Sinundan ko siya sa paglalakad at pinantayan. "You shouldn't say anything like that, lalong-lalo na kung nasa harapan ni Marco at baka masipa ka pabalik sa Italya," iiling-iling na sabi ni Kuya Tristan. Napanguso ako at nagkibit-balikat. "Posso dire quel che mi va," I replied in italian which means, I can say whatever I want. Malamang, hindi naintindihan ni Kuya Tristan kaya wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Living in different countries wasn't easy. Estados Unidos, Pransya and finally, we settled in Italy. Ikaw ba naman magkaroon ng nanay na may mga paa ni Dora? She wanted to explore the world kuno, enjoying the money of Montefalco. Crazy but I hate her for being a user, pushing me to get what she wants annoyed me so much. Ang gusto kong gawin ay umakyat sa bundok, tumalon sa tuktok ng bulkan, and show to the world who really Jonathan. Hindi iyong patago-tago sa pera ng mga kapatid ko. I don't want their money. I don’t want their wealth. I want their acceptance and attention. All my life, ninanais ko na makasama sila, makipag-inuman, going to gym together. How cool! Pero hanggang scroll na lamang ako sa mga social media profiles nila. They will never accept a bastard like me. Tch! Kasalanan ko ba na pumatol ang marupok kong ama sa malandi kong nanay? Yeah, I think so. Marco will not hate me that much if hindi. Mas lalong nangati si Mom nang nalaman ang last will ng daddy ko. She was kicking my butt off here and wanted me to fight for my rights. And now, cargo de concencia ko pa ang pag-aaway nina Kuya Tristan at Marco. She asked a bequest letter sa lahat ng karapatan ko. At wala akong alam dito. Idiot! Sa tingin niya, gagawin ko lahat ang gusto niya? I've been her follower for a long period of time at pagod na ako. Hindi siya si Quibiloy na may taga sunod, at hindi ako iyon! "I heard the bad news about you and big bro. I owed you a lot, Kuya." Tinapik ko ang balikat ni Kuya Tristan at malungkot siyang tiningnan. Tipid lang siyang ngumiti at tinampal ang aking braso. "Just do your best, Nathan. If our break up is the way to get close to your siblings, I am happy for it," he replied. Darn! He didn't deserve this. Mabait si Kuya Tristan. Habang nasa Italya ako at iniwan ng ina't nakikipaglandian sa mga ragazzo (boys), siya ang tumulong sa akin. He even helped me with my architectural course. Hindi ko iyon pangarap pero mas malapit ito na pagkakataon para makatrabaho ko ang isang Marco Montefalco. "I promise this, once I work and get a position in Montefalco's, ako mismo ang kukuha sa 'yo," ani ko. He chuckled and said, "Rule number one, do not oppose to any of Marco's decisions." Napangiwi ako. Tama nga pala! Then, fine. "Now, in bocca al lupo," he suddenly said. Bigla akong namagha dahil ang ganda ng accent niya ng pagkakasabi Gumagaling na, ah. It's an italian idiom means, good luck. "Grazie (Thank you), Kuya." How I wish I can help him. Ngunit hanggang wish na lamang tayo, hindi ko nga maayos-ayos ang relasyon ko sa mga kapatid, sa iba pa kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD