Kabanata Five

1922 Words
AS expected, hindi maganda ang templa ni Marco sa akin. Kung gaano ko niliksihan ang pagsalubong niya sa akin ganoon din kapait ang kanyang pag-welcome. I felt welcome!  Hindi ako pinapansin o tinitingnan man lang. Kahit man lang sa pagpasok ko sa loob ay walang imik. Para bang napilitan lang siya na salubungin ako.  My other brother, Rhemuel, has always this positive vibes, respeto na lang siguro sa akin. Ganito rin naman siya, ngiti-ngiti lang.  Isa lang naman ang paraan para mabalingan ako ng atensyon ng aking mga kapatid–being bastard, at ica-career ko na talaga ito. Isasali ko na lang sa mga pangarap ko. Kaya nga iniinis ko sila, at effective. Natutuonan nga ako ng atensyon. Galit nga lang.  Dahil nasa Montefalco Portal na ako, which my dad's will stated once I reached twenty-one, kabilang na ako sa mga magmamana ng kayamanan ng mga Montefalco.  Magbubunyi si Mommy nito! But as I said, I do not need their wealth. Six months were enough to prove that I belong to their clan. At patutunayan ko iyon. Patutunayan kong may dugo akong Montefalco! Patutunayan kong kabilang ako sa kanilang pamilya. Amen, Nathan! Amen!  Nang dumating ako ng hapon na iyon ay nakakulong lang ako sa kuwarto. Tinatawag lang ako kung tapos ng kumain sa Marco at si Rhemuel lang at ang asawa niya ang nakakasabay ko. Hindi ko nga nakita ang anak ng panganay namin at excited pa naman sana akong makilala si Lovanah.  Nagmadali akong bumaba ng hagdanan. And this is my day, wearing my very formal clothes. First day of work, eh, kaya dapat ay executive ako tingnan.  Saktong nasa ibaba ng hagdanan si Marco at seryoso akong tinitingnan pababa. Nakaka-intimidate talaga ang mga mata ng lokong ‘to. Titig niya pa lang ay nakakawala na sa sarili. Paano kaya naatim ni Ava na matiis ang kasungitan ng lalaking ‘to? Dahil kung ako na magandang babae, bata, katulad ni Gavaina, ay— itong si Marco, iiwan ko talaga!  “Good morning, my dear kuya!” masigla ko pang bati.  “Good morning, my dear sister in-law!” baling ko rin kay Ava na simple lang ngumiti, nahihiya pang batiin ako.  "Hindi ka muna papasok ngayon. Kailangan ko pang ayusin ang team at hahanapan ka ng bakanteng posisyon," agad na sabi ni Marco kaya sabay kaming napatingin ni Ava sa kanya.  “Marco…” Marco looked at her, tila binabalaan niya ang kasintahan.  “Marco, nakapag-ayos na ako!” “I don’t care, Jonathan.” Tch! I pouted my lips. Ang aga ko pang nagising tapos wala rin pala? What the hell, Marco? What the heck ka talaga! Aalma sana akong muli nang naalala ko ang sinabing rule ni Kuya Tristan.  Rule number one! Fvck! "Fine. But I really need to work," giit ko.  Malakas ang buntong-hininga na ibinuga ng aking kapatid at tila isang leon na nais na manglapa.  "I told you-" "Relax, big bro. What I mean is, I really need to work—-  out. Pagamit ng gym mo mamaya, ha?" nakangisi kong sabat sa kanya at itinaas-baba ang mga kilay ngunit mas lalo yatang nainis.  Hindi ko na siya hinayaang sumagot at agad tumalikod dahil parang nangangain ng buhay ang lalaking ‘to. Hindi ko pa matantya ang ugali ng kumag na ito dahil first time kong makasama siya at makaharap nang ganito ka katagal. Nasa hapag-kainan na ang lahat. Sana all, sabay-sabay kumain. Ako, parating mag-isa rati dahil nga explorer ang nanay ko. Once in a blue moon ko lang makasama.  Sinulypan ko si Ava na halos hindi makatingin sa akin. Paano ba naman, nakita ko silang naghahalikan ni Marco sa kusina, awkward din sa akin pero nagkunwari lang ako na cool. At saka kiss lang iyon, ang iba nga sa harapan ko na halos magsipin. Normal sight lang naman.   Tinabihan  ko ang isang batang, babae she's Lovie for sure, ang anak ni Marco. Ang cute lang ng batang ‘to. Ang sarap ipakagat ng pisngi sa aso.  Tumingin siya sa akin habang ngumunguya, tila nagtataka dahil nakatabi ng guwapong nilalang.  I know, Lovie, I know… "Lovanah, baby!" masigla kong bati sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.  Nagtataka pa siyang sumulyap sa tatay niya na diretso lang ang tingin sa akin. Bahala siya. Miss ko ang pamangkin, ano ngayon? Ayaw niyang pahalik, sa anak niya na lang.  Kumaway ang paslit at linunok ang pagkain.  "Hello, sino ka po?" inosenteng tanong niya.  Aw, ang cute ng husky voice niya. Sana hindi na lumaki si Lovie para baby parati.  "Oh, by the way, I'm your Uncle Nathan," tugon ko.  Tumango-tango ang bata ngunit hindi pa rin mawala ang amusement sa mukha niya.   "Friend ka po ni Daddy?" tanong ulit niya.  "Na ah-ah! I'm your father's brother. Magkadugo tayo, isn't it amazing? We have the same, royal blood!" Narinig ko kasing mahilig sa mga princess-princess ang batang ‘to kaya itatatak ko sa isip niya na ka-line up namin ang mga reyna.   Namamangha ang bata habang tumango-tango na para bang nadadala siya sa enthusiasm ko.  "Nice creation, huh?” baling ko sa mga nasa lamesa.  Hinarap ko si Maria na ngayon ay tila naiilang sa tensiyon na namamagitan sa amin at ni Marco– actually, si Marco lang ang init na init ang dugo sa akin.  “Kamukha mo si Lovie, Ate," dagdag ko.  "You really like your Mommy Maria–" "Stop!" biglang sigaw ni Marco kaya nagtataka ko siyang tiningnan.  Wait. Did I say something wrong? Ano’ng mali sa sinabi ko? Nagkatinginan sina Ate Maria at Kuya Rhemuel. Ava asked Marco to calm down. What is up? Anong masama roon?  "Patay na po mommy ko, si Tita-Mommy ay 'di po mommy ko," sagot ni Lovie kaya napaawang ang aking bibig.  Oh, that explained. Malay ko bang secret lang ito kay Lovie.  Tumayo si Marco at bigla na lang hinablot ang braso ko. He dragged me to the corner and pulled my collar. "Shut your damn mouth. Do not say anything... any thing about my family!" Pigil ang bulyaw ng aking kapatid kaya mas lalo akong nagtataka. Dios mio naman!  "Fine! Sorry!" Inayos ko ang nagusot na damit dahil sa pagkakahawak niya. Highblood naman nito. Malay ko ba na nililihim nila ang patungkol sa mag-ina. So ironic, ang ayaw mapagsinungalingan, nagsisinungaling sa anak. Weird. Napaka-weird talaga! Hindi na ako umimik habang nasa hapag kasi maling tinig, isang masamang tingin agad ni Marco.  Kaya naman, imbis na mag-gym ay napasyahan kong mag-swimming na lang. Na-stress ako sa pagsugod ni Marco sa akin kaya ilalabas ko ang singaw ng aking katawan sa pool. Hinubad ko ang roba at tanging trunk lang ang suot. Sinipat ko pa ang sarili at napagtantong, wala akong abs, ngunit mabukol naman. Lamang pa rin.  Aakmang tatalon na sana ako nang may umalingawngaw na tili ng isang babae sa gilid ko. At nang tingnan ko ay may hawak siya na hose, tila nagdidilig.  Putek! 'Di ko siya napansin, ah! Para namang kabute ang babaeng ‘to! "Hoy! Ang ingay mo!" sigaw ko at pinameywangan siya.  "Bakit ka naghuhubad sa harap ko? Sino ka?" tili niya.  Sinimangutan ko siya dahil nasa level 100 ang O.A-ness niya! "Ang O.A. mo! Half unclad only…” Hindi ko alam ano ang nasa utak ko at  mas lumapit ako sa kanya. I put my two hands on my waist. "Or you want me to take off this..." dagdag ko at ibinalandara ang hump ng aking katawan. Maipagmamalaki naman kasi malaki naman talaga! Nanlaki rin ang mga mata ng dalaga at napasinghap. I didn't expect that she will point the hose on my face. Puta! Sapol sa ilong ko ang tubig.  "Damn it! Damn it! Ano ba ang problema mo!"  angil ko at pinipigilan siya sa pagdidilig sa aking mukha. Nasa dulo ako ng swimming pool kaya mahuhulog ako. I held the hose at tuluyan na akong nahulog. Ang hindi ko alam, napasama pala ang babae sa pagkakahulog ko sa tubig.  She was drowning! Kaya agad kong hinawakan ang bewang niya at inangat. She was coughing when she landed on the floor. “Are you okay?” tanong ko sa kanya dahil mukhang nakainom pa siya ng tubig.   Dahil sa komusyon, sabay na nagsilabasan ang dalawa kong kapatid, kasunod sina Ava at Maria.  "Belle? Ano’ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Ava.  Pinameywangan ako ni Marco at pinanliitan ng mga mata.  “What did you do, Jonathan?” singhal ng kapatid ko kaya umiiling ako.  "Hell! It's not my fault!" depensa ko.  "Belle is Ava's cousin, Nathan!" sigaw niya ulit, halatang nanggagalaiti sa akin. "So? Wala naman akong ginawa riyan, ah!"  Binigyan ni Ate Maria ng towel si Belle at pinatayo.  Naiiyak pa akong tiningnan ng dalaga kaya pinandilatan ko siya ng mga mata.  Ang arte-arte akala mo kung na-ano itong si Belle.  "Once you mess up again and again... my door is open, Nathan," makahulugang sabi ng aking kapatid at naglakad silang lahat papasok sa loob ng bahay.  "Cazzo! " I cursed. Hinampas ko pa ang tubig dahil sa inis. Hindi man lang ako pinakinggan. I'm always be a bastard. It will never change. At ang sama ng paningin nila sa akin. Nakakainis lang! Umahon ako sa tubig at nagbihis na rin ako. Nawalan na ng ganang maligo. Nang nakapag-ayos ay wala na raw sina Marco at Ava. Si Rhem naman ay hinatid si Lovie sa school. "Nathan, patutulugin ko lang si Zio," paalam sa akin ni Maria bitbit ang anak na lalaki.  Tumango ako at tipid siyang nginitian. I sat on the couch and leaned my head on the backrest.  Hay! Ang pangit ng unang araw ko rito. Sabog na ako kay Marco. Inihiga ko na lang ang ulo sa couch nang naramdamang may dumaan sa aking likuran. Nang lingunin ko naman ay isang babaeng payat na nakasuot ng malaking t-shirt, basa pa ang buhok niya. She was wearing cotton shorts at papunta yata sa garden.  Sinundan ko siya. Siya si Belle, if I am not mistaken. Ang babaeng masyadong over mag-react.  Pinagmasdan ko siya sa may bintana at nakitang patungo sa mga bulaklak.   She took the hose and sprayed the water on the plants. Ang babaeng parang biik! Ang lakas maka-igik.  I don't prefer a woman like her. Kauting kita ng katawan naming mga lalaki, akala mo'y ni-rape na.  Hello? Hindi ako mag-aaksaya ng pawis sa mga babaeng ayaw ng mala-diyos na katulad ko.  Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod. Kanina rin ay hindi ko siya masyadong natuunan dahil ang ingay niya, sobra! Mas namumuo ang inis ko sa kanya at nakalimutan ang hitsura.  Bigla siyang humarap sa gawi ko kaya agad din akong nagtago.  I bit my bottom lip and shook my head in disbelief.  What am I doing? Why am I hiding because of a girl?  Putragis!  Aabalahin ko na lang ang sarili sa ibang bagay kaysa sa kanya.  I am not interested! I went upstairs and there, I saw a row of photo frames.  Si Lovie at daddy niya, ang mga solo shots ng mga kapatid ko at family picture kasama si Dad. My eyes stucked at a photo. Sina Rhem at Marco na nakahubad ang pang-itaas. They were both soak and looked so happy together. Magka-akbay pa. They had a wonderful body. Six packs abs, wew! China oil talaga!  Napangiti ako. Kailan kaya ako magkakaroon ng katulad sa kanila. Kailan kaya ako magkakaroon ng mga kapatid na ngingitian ako at pupurihin. Napahawak ako sa aking tiyan at malungkot na yumuko at tingnan ito.  "Kailan kaya ako magkaka-abs?" usal ko sa sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD