Napangiti ako sa cute na asong kaharap ko. At least, may makakausap na ako kahit ngayon lang. At least, mababawasan ang pangungulila ko kay Sool dahil may isang asong nandito para makipaglaro sa akin. Kinamot-kamot ko ang ilalim ng bibig niya katulad ng ginagawa ko kay Sool noon. Tuwing naaalala ko ay naiisip ko ang dating Nathan na naaalala ako. Hindi ang Nathan na iwas na iwas sa akin at napipilitan lang akong makasama. Ilang minuto akong nakipaglaro kay Dagsa hanggang sa pinauwi ko na ito. Baka may maghanap. Alam kong may amo siya dahil may kuwintas pa ito. As I opened the gate, the feeling of letting him go saddened me. Sana akin na lang siya. Sana hindi na lang siya umalis dahil alam kong malulungkot ako lalo na't mag-isa ko na naman. "Sige na, Dagsa. Balik ka bukas, ha?" anan

