"Nathan?" Ngumiti siya at itinukod ang dalawang kamay sa likod. "Bakit ka–" "Bakit ka nagso-solo na meron naman ako?" Hmmmp! Sana lang ay 'di siya napilitan sa pagsabi ng ganyan. Dahil tanggala! Kinikilig ako. "Akala ko ay umuwi ka na?" nakangusong tanong ko. "Bakit ako uuwi, eh 'andito ka pa? Baka magtanong sina Marco. At iniwan kita rito." I rolled my eyeballs secretly. I get it. Ayaw lang niyang may masabi sina Kuya Marco at Ate Ava kaya niya ako binalikan. "Naku, okay lang. Sa susunod 'pag wala kang gagawin, mamasyal tayo rito," tugon ko. "Na! Hindi naman importante 'yong interview. Nakikiusyoso lang naman ang mga iyon sa buhay ko." Nagkibit-balikat ako. Pinapagaan niya lang ang loob ko. He's just gentleman that he can't even say that I don't love you, Belle. At ako na t

