"Use kape in a sentence?" Narinig kong boses ng isang lalaki. "Ano?" Si Belle. "Hay! Ka-kape-la ko pa lang, sarado na." Damn! Ano'ng kakornihan sa katawan ang ginagawa nila? Seryoso ba? Na-shock ako bigla sa joke na iyon, ah! Narinig ko ang halakhak ni Belle. Alam kong kay Belle iyon at sigurado ako. I followed it at nakita ko sila sa may likuran ng bahay kaharap ang isang puting aso. Hinihimas-himas ni Belle ang katawan nito habang ang lalaki ay nakaupo kaharap. "Grabe, Dagsa ang korni ng master mo!" anang ni Belle na kinamot ang ulo ng aso. Lumikot ang buntot nito, tila gustong-gusto ang narinig. Tama ang korni at ang baduy, 'di halata sa mukhang bouncer na katawan. "Korni raw ako, Belle? Huh?" ani rin ng lalaki na niyakap ang aso. Ang aso ba ang tinutukoy niya? Mukha nga

