Sino ba ang mag-akala na ang lalaking matagal ko ng crush ay siya ring pinsan ng lalaking inaalagaan ko ngayon. I am really frustrated. Buong araw hindi ako makapag-focus sa trabaho sa Hospital. Lumilipad ang isipan ko sa pag-alala. Baka malaman ni Marc na may nangyari sa amin ni Kelvis. I hope, it won't happen. Baka lamunin ako ng kahihiyan sa maling nagawa ko. Kung pwede lang maibalik ang nangyari noon. Mas pipiliin ko na lang na hindi dumalo sa intern year end party nang sa ganoon hindi ko makilala si Kelvis at nang walang mangyari sa amin. "Doc, Devina... Maraming salamat po dahil gumaling na po ang mata ko. Ang galing niyo pong doctor. Hindi ako nagkamali na sa inyo ko ipinagkatiwala ang operasyon." One of my patients said that to me. I just smiled at her and checks her vitals. "

