Hindi ko na talaga narinig na magsalita si Mr. Rivero pagkatapos ko siyang lokohin na may asawa't anak na ako. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero dahil hindi na talaga maipinta ang mukha niya. Hindi na ako nag-atubling magpaliwanag. Baka mas lalo itong magalit kapag sinabi ko sa kanya na nagsisinungaling ako. Alam kong malalaman din naman niya ang totoo na kapatid ko lang iyong kayakap ko kanina at pamangkin ko lang iyong bata. For now, I wanna keep it a secret. Hindi ko rin kargado na magpaliwanag sa kanya. He doesn't want me to know his personal life, then I don't want him to know about my personal things then. Para quits kaming dalawa. After checking his vitals. So far, okay naman ang kinalabasan ng kanyang operation. Kailangan lang talaga niyang magpahinga ng dalawang araw

