Sa mga sumunod na araw. Naka-discharge na si Kelvis sa Hospital. Babalik na siya sa bahay niya kasama ako. I felt like it was suffocating. Knowing that we were gonna end up together in his house. Kailangan ko na namang tiisin ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Kailangan ko ring magpanggap na okay ang lahat. Kahit sa totoo lang. Halos isang linggo pa lang ang pagkakilala ko sa kanya. Sobra na akong nahihirapan. Ang hirap niyang pakisamahan. Dahil sa ugali niya. How much more kung sa bahay niya mismo kami magkasama at palaging magkikita. Baka mas lalo akong ma-stress kung paano ko dalhin ang ugali nito. Mabuti na lang may weekends akong pahinga. Dalawang araw din iyon na hindi kami magkikita. Those are the days where I can breathe and unwind.

