"Kahit maiiwan mo si Carmilla? Papayag ka ba na sa iba siya makasal hindi sa'yo? Kung mawala ka sa mundo?!" Natigilan naman ito. He glared at me before he looked away. "I just want to drink. Hayaan mo ako. I had a lot of problems lately." "Hindi naman halata sa inyo, sir Kelvis na marami kayong problema. Bukod sa masakit kayong magsalita. Mukhang wala sa itsura niyo ang isipin ang ibang tao bukod sa sarili niyo." "I don't want to hear your opinion. Will you shut the f**k up. You're annoying." Napanguso na lang ako nang tingnan niya ako na para bang gusto niya akong maglaho sa kanyang tabi. Muli kong inikot ang mata sa pagiging suplado nito sa akin. "Ano ba kasi ang pag-uusapan natin? Bakit niyo ako pinapunta sa bahay niyo. Alam niyo namang gabi na...Gusto niyo bang pag-usapan an

