Hindi ko akalain na pagkatapos kong sabihin sa kanya ang hindi makatotohanan accusations na binintang niya sa akin. Ang lakas ng loob kong pangaralan siya ngayon sa tamang gawin. Well, I'm just telling him what is right. Nasa kanya na lang kung susundin niya ang gusto ko. "Hindi mo rin iniisip ang naramdaman ko, Devina. Noong araw na iniwan mo ako sa Hotel. You make me feel stupid and you're hurting my ego!" Bigla akong natuod nang marinig iyon. Napakunot noo ako, tulala siyang pinagmasdan. Hindi siya sa akin nakatingin kundi nasa kalayuan. Muli niyang nilagok ang beer. Sunod-sunod ang kanyang paghinga nang malalim. "A-ano'ng ibig mong sabihin?" Bigla akong nanlamig sa mga panahon na iyon. Kasabay ng pagdaan ng simoy ng hangin sa aking balat dahilan para tumindig ang balahibo ko.

