Nanginginig ako sa lamig. Basang-basa pa ako nang mahatid ko si Kelvis sa kanyang kuwarto. Tahimik lang kami sa elevator kanina. Hindi na rin ako umimik. Maski magpaalam sa kanya na magbihis muna ako sa kuwarto ko sa pagkat galing pa ako sa swimming pool, hindi ko na magawang sabihin sa kanya. Tiniis ko na lang ang sobrang lamig. "Magbibihis na muna ako tapos babalik ako rito para gamutin ka," sabi ko pa. Nang makarating na kami sa loob ng kanyang kuwarto. I could not hold anymore the coldness in my skin lalo na't nanuot sa aking balat ang malamig na singaw ng Aircon. "Sir... Babalik ako," paalam ko ulit nang hindi ko siya narinig na magsalita. Tanging likuran lang nito ang napagmasdan ko. Binitawan ko ang kanyang wheelchair. Iiwan ko na sana siya sa tabi ng kama ngunit natigil ako

