Habang tinitigan ko ang sarili sa harapang salamin. Hindi ko maiwasang maiyak. Akala ko talaga aangkinin ako ni Kelvis kagabi. Mabuti na lang may awa pa siyang natira sa akin. He never touched me but he put marks on my skin. Kita ang kulay pula at ang iba naman, nagiging violet na ang kulay. Who would expect that he will gonna do this to me. Napasinghap na lang ako sa kawalan. "Doc Devina!" Napitlag ako nang makarinig ng katok sa labas ng office ko. Mabilis kong binababa ang suot kong damit, tinakpan muli ang marka saka sinuot ang white lab coat. Pumunta ako sa pintuan para silipin ang tumawag sa akin. "Yes, nurse Jaya?" nakangiti kong tanong. "In five minutes po, magsisimula na ang operasyon natin." "Alright... Maghahanda lang ako." "By the way, Ma'am. May naghahanap sa inyo. Nas

