Tahimik lang akong nakikinig sa pamilyang Rivero habang pinag-uusapan ang plano nila sa kasal. Hindi na ako halos umiimik sa aking upuan. Maski tingnan si Kelvis sa harapan ko. Hindi ko na ginawa. Nasa hapag kainan ang atensyon ko at kunwaring busy sa pagkain at pag-inom ng drinks. Suddenly I felt uncomfortable during our lunch. "What about you, iha... Kumusta ang pag-aalaga mo sa anak ko? Does he follow everything that you told him?" Napatuwid ako ng upo sa aking upuan nang malipat sa akin ang usapan. Tiningnan ko nang diretso si Mrs.Rivero. "Okay naman po, Ma'am. So far, naalagaan ko ng maayos ang anak niyo. Wala pong problema." Pinakita ko ang masigla kong ngiti. "I see... Good to hear that. I heard your good records in our hospital. Magaling ka raw na doctor. But the truth is. I

