Habang sinusulyapan ko si Kelvis at iyong babaeng katabi niya. Parang nagbabaga ang damdamin ko. Hindi ako mapakali. Gusto kong mainis pero alam kong wala akong karapatan. I'm just nothing to him, and he's nothing to me too. So why I felt like this? Marami-rami na rin ang na inom ko, ramdam ko ang labis na pagkahilo pero hindi ko mapagtanto kung bakit sarap na sarap ako sa iniinom ko. Animo'y gusto kong magpakalunod sa alak ngayong araw. "Ma'am Devina, ang lakas niyo pa lang uminom?" bulong ni Edmund sa akin. "Nakaubos na kayo ng limang bote ng beer. Dinaig niyo pa kami. Kaya niyo pa ba?" Ramdam ko ang mainit na hininga ng katabi ko sa aking bandang leeg. Mahalata sa mga titig ni Edmund na natutuwa siya habang pinagmasdan ako na halos ayaw nang tumigil. "Kaya ko pa naman uminom." I l

