Busy ang lahat sa preparations sa gaganapin na birthday celebration ni Daddy Martin. Lahat ng kapatid ko tumutulong sa pag-aayos sa labas ng bahay dahil doon gaganapin ang simpleng salu-salo. Matagal na rin mula noong naka-attend ako nang ganito. Isang simpleng kainan kasama ang mga trabahador ni Daddy at Mommy. May mga ibang dayo na galing sa lungsod ang pupunta rito. Mostly our visitors are the farmers and workers in our plantation. Hindi ko na rin halos pinagtuonan ng pansin si Kelvis dahil na rin tumutulong ako sa pagpapalabas ng mga upuan upang gamitin ng mga bisita mamayang hapon. I also pack the food and arrange it on the big table. Ramdam ko na ang pawisan kong leeg saka likod habang binuhat ko ang upuan. Ang sabi ni Mommy at Daddy huwag na raw akong magalaw. Stay put lang daw

