BTLY |02

2106 Words
"EAT more vegetables. Mahanginan ka lang ng konti baka liparin ka na" Boo said. I humorlessly laugh at him at nilantakan ang sinigang na luto niya for our breakfast. He's so husband material, to the point gustong-gusto ko na siyang ipagdamot sa mundo "Sa kahanginan mo ba naman, sinong hindi liliparin." I rebutted habang puno pa ang bunganga His laughter filled the entire dinning room of his condo. "What's your plan for our prom? May nagyaya na ba sayo?" He asked out of the blue. I forgot na may upcoming prom kami before graduation. I focus on my upcoming birthday. I shrugs my shoulder because I don't have plan on attending kung hindi rin naman si boo ang ka date ko. Hmp! "'wag ka na mahiya ayain ako boo" I insisted with full of hope. I received laughter again from him. Napapansin ko na talaga na happy pill niya ako or what if mukha pala talaga akong clown "Love, You're always my date on every event sa school, I was thinking of inviting agatha. What do you think?" " So, nagsasawa ka na ako lagi ang niyaya mo, ha?" " No, I was thinking to explore something new." "May pa what do you think-what do you think ka pa diyan. Che! Ulol!" Inirapan ko siya at walang ganang niligpit ang hapag kainan since tapos na rin naman na ako habang kanina pa tapos ang lalaki at pinapanood lang ako sa pag lamon "Ako na mag huhugas" Sabi ko nang akma niyang aagawin sa akin ang platong hawak ko. "Love, come on" Para siyang batang gustong gumala pero ayaw payagan ng nanay. Yuck! Ayaw ko nga maging nanay niya. Nanay ng magiging mga anak niya pwedeng-pwede pa mwehe. Still, I felt sting at my chest when he says he wants to invite agatha instead of me. Is he for real? Want to explore new things? With Agatha? Eh kung ipatapon ko kaya sila sa Bermuda triangle, explore pala ha. Mapanaket si lolo niyo. "Huwag mo akong ma love-love." Tinuon ko ang buong atensyon sa paghuhugas habang siya naman ang nagtutuyo ng mga pinaghugasan ko. "Hanapan kita ng date?" He suggested dahilan para wisikan ko siya ng tubig na ikinamura niya. "Damn, What was that for?" "Kunyare holy water 'yon, mukha yatang sinasapian ka." He's so insensitive! Napakamanhid! He cupped my face at pilit hinuhuli ang mga mata ko "Naghuhugas ako, Boo." I hissed but he pinched both of my cheeks saka ako kiniliti sa bewang kaya wala sa sariling binasa ko siya. Malakas ang kiliti ko do'n! He didn't bother whether he's already wet at walang pakealam na hinubad ang nabasang t-shirt. As usual he's really insensitive, alam niyang isa akong babaeng marupok at madaling matukso pero heto siya at basta na lang inihahain ang hubad na katawan. Wala sa sariling nagpaypay ako ng sarili, ever since bata pa kami gawain niya naman na yan pero the time I acknowledge my feelings for him hindi nako sanay. My heart was like having an illegal racing competition, it is beating so wildly inside my ribcage. He always shines in my eyes, he will never be incomparable. And I know even he can't love me back, I'm sure that loving him was never been a mistake. "Laway mo, love." I was snap back to reality and he's right, I'm drooling. I turned my back on him at malutong na minura ang sarili dahil sa kahihiyan. "Heh! You can't seduce me Boo. Hah! I won't attend that prom kung hindi din naman ikaw ang ka date ko" I stubbornly said while nakacross arms "Why would I seduce you? In every angle, kahit sino maaakit talaga sakin" He grinned from ear to ear. Masyado siyang presko but still he's my Boo kahit pa mag transform siya bilang bagyo o ipo-ipo, tanggap ko parin siya with both of my arms wide open as well with a sweet welcoming smile. "Boo, pakihinaan mo nga yung AC" I exclaimed na ikinasimangot niya. "Asus, tulo nga laway mo eh. Anyway, I won't give up. Hahanapan parin kita ng ka date mo and that's final" " Presko ka na nga, paladesisyon ka pa pero sige..." hindi na lang ako pupunta.... Napabuntong hininga na lang ako. Alangan naman pilitin ko kung hindi naman ako yung gustong makadate... Charot, siempre pipilitin ko parin, hindi pwedeng hindi! Palaban dapat tayo. AS USUAL sabay parin kami sa pag pasok ni Boo pero pag dating sa classroom animong lumalaki ang space gap namin ni Boo. All the girls surrounded him and ask him to become their date. Kita ang hesitation sa mukha niya but he still manage to smile na ikinairit ng mga tumbong ng mga haliparot. As his savior alangan naman hayaan ko si Boo na mag suffer sa kamay ng mga bruhildang 'to. I intertwined my hands with him na ikinagulat niya and I just gave him a wink he nodded at me and mouthed 'thank you' "May date na siya" Pinanlakihan ko pa ng mata ang isa na gusto pa sana siyang hawakan "Hindi na siya available kaya shooo" Pagtataboy ka with hand gestures. May napapadyak pa at busangot na sinamaan ako nang mukha kaya sinamaan ko rin siya pabalik. "Tsk feeling girlfriend" Haliparot one said "Lakas mambakod" Haliparot with short curly hair exclaimed while rolling her eyes. Sarap dukutin. As a high class b***h, I won't stoop low to their level kaya hindi ko na pinatulan pa. I managed to receive death glares at my back, kung literal pa lang na nakakamatay ito ay baka pinaglalamayan nako. "Oh, you owe me this one. Kaya ako dapat ang date mo" Sabi ko pagkaalis ng mga bruhilda. But my Boo only laugh sabay ginulo ang buhok ko na halos isang oras ko pa na inayos. "watdapak! Guluhin mo na buhay, 'wag na 'wag lang ang buhok ko Boo!" Binigyan ko siya ng suntok sa sikmura na dahilan kung ba't siya inubo. Napapadyak na rin ako sa inis sa kanya pero siya ay tawang-tawa parin habang hawak ang nasaktan na tiyan. "Amazona ka kaya walang nagtatangka manligaw sayo" He pointed out. "Nachu-chope ka lang kaya hindi mo ko maligawan, blehhh! " I teases him. Alam ko naman kung ano ang lugar at papel ko sa buhay niya. "Nagpapantasya ka na naman, Love" inakbayan niya pa ako kaya naman amoy ko ang gamit niyang shampoo at mamahalin niyang pabango. We were interrupted when our teacher arrives at nagstart ang discussion. He successfully dodge my request na maging date ako, save by the professor. Hindi pa rin ako susuko sa pag pursuade sa kanya. Pansin ko din na absent ang bruhang si Agatha. Recently, tuwing magkasama kaming tatlo maayos naman ang pakikitungo niya sa akin pero pag kami na lang dalawa ang magkasama ay parang nagiging ibang tao siya. She became indifferent with me at wala akong alam na iba pang rason kung bakit siya nagkakaganon, aside sa fact na may gusto din siya kay Boo. "May the best woman win. Best ka rin na man, best friend nga lang" She said. When we accidentally meet each other at the department store sa South Center. May the best woman win? Eh halata naman na panalo na siya. Is she blind? She even tried to stomp my pride using the 'best friend' word and slap it into my face buti na lang naka ilag ako since I already knew that fact, like what the actual f**k! Hindi naman masakit..... ಥ‿ಥ THE BELL rang indicating that the class is already dismissed. I packed my things kunyare may natutunan sa buong araw na pag aaral but the truth is nakatitig lang ako buong klase kay Boo. I was busy imagining our future, me being his wife and him as my husband including our 7 kids playing with their pets at the backyard. I giggled with the thought. I looked at the man I was just fantasizing a moment ago and he looks like he wants to s**t. Nagmamadali siyang magligpit at maya't maya ang pagsulyap sa telepono. Nakarecieve ba siya ng blackmail? Or may paparating ba siyang parcels? "Mauna ka na Love and don't forget to text me kung nakauwi kana. Ingat ka. " He said giving me a peck in the forehead then hurriedly ran out of the classroom. I didn't have the chance to ask him where he's going. I thought sabay kami today. Pinagmumura ko na lang si Boo ng malutong sa isip at mabigat ang mga hakbang na lumabas sa classroom may sumigaw pa nga ng pangalan ko pero I didn't mind them. Alam kong isa ako sa mga cleaners pero kunyare wala akong narinig. Napuno ang utak ko nang nag aalalang mukha kanina ni Boo. I am worried kung anong nangyare sa kanya. "Maria!" Sigaw ko pagka kita sa kaklase namin ni Boo last year. She's Maria Theresa Dimaculangan. She's a gangster wannabe despite of her name. "Mathy nga! Ilang beses ka ba iniri ng nanay mo ha!?" Bungad niya nang maabutan ko siya at sinabayan sa paglalakad. She really hate being called Maria, tunog old school daw at hindi bagay sa personality niya. "Maria ang mas bagay sayo. Tunog hindi makabasag pinggan" tukso ko kaya nakatanggap ako nang batok pero mahina lang since we were just kidding around but if when we don't actually known each other baka bugbog sarado na nga ako Buti na lang she's on my side at hindi siya kalaban. "Mukha mo ang babasagin ko kapag hindi ka pa tumigil kakabagsak niyang pangalan ko. At bakit ako naman ang pinepeste mo? Asan na BooBoo mo?" She said while looking around. " You mean? Ang BooBoo-o ng buhay ko? Nagmamadali siya kaninang iwan ako, baka he is busy currently finding his love for me " Ngumiwi siya sa sinabi ko at nag act pa na kunyare ay na duduwal "I feel cringe on what you said. Ilusyunada." Mas matangkad siya sa akin at hanggang tenga lang ako kaya I interlock our arms as if we're best friends. "Alisin mo kamay mo, sabihin pa lang ng iba magjowa tayo. Hindi pa'ko handa maging tomboy uy" I laughed at her remarks at mas hinigpitan pa ang kapit sa kanya, hindi naman din niya inalis. She's a tsundere type of girl, her actions contradicts her words. "Maria-" "Mathy nga!" "Geez. mathy na kung mathy! Ang arthy!" She rolled her eyes at kumuha ng lollipop sa bulsa gamit ang isa niyang kamay, inabutan niya rin ako kaya naman nakangiti kong tinanggap. "Ano ba yung sasabihin mo?" She asked. Napadaan kami sa park kaya naisipan ko muna umupo sa swing. Sumunod din naman siya after mga ilang buntong hininga. "Boo has a mistress" Sinubsob ko ang mukha sa dalawa kong kamay at sinabayan ng isang malalim na buntong hininga "Laki ng problema ah! Asawa ka?" She said. Well, I wasn't expecting of comforting words from her. "Future asawa" I looked around paunti-unti na ang mga batang naglalaro sa park, the sun is already setting and no signs of Boo. Baka nakauwi na siya ngayon, dadaanan ko na lang mamaya. "Masyado pang maaga para managinip. Uso ang salitang move on kung 'di naman mahal" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. The heck!? Ako mag momove on kay Boo? Nahh, I can't find that word on my vocabulary "I don't want to join that trend. Masyado ka lang bitter. Palibhasa walang jowa." I murmured. Sinadya kong iparinig sa kanya "Kesa naman magfeeling jowa tapos ngayon ngawa" Bumelat pa siya at nauna nang tumayo "Ayaw kong abutan nang dilim sa daan. Kung ako sayo, titigilan ko na ang pagpapakatanga" dagdag niya pa. Napanguso na lamang ako at agad na sumunod sa kanya. She has a point, and for me it's pointless DUMAAN ako sa condo ni Boo at mukhang hindi pa siya nakakauwi mula pa kanina dahil wala man lang ka ilaw-ilaw pagpasok ko. I texted him na nasa condo niya ko, kanina pa rin ako patingin-tingin sa cellphone pero hindi parin siya nagrereply! Naghalungkat ako sa refrigerator niya at naisipan na ipagluto siya ng omelette rice. Dinesenyohan ko pa ng pa heart shape gamit ang ketchup. Lumipas na lang ang limang oras maski anino niya wala akong makita Tinadtad ko ng text at calls pero nakapatay yata ang cellphone ni gago, may pa 'text me kung naka uwi ka na' ka ek-ekan eh siya naman pala itong walang planong umuwi hmp! Before ako kainin nang antok sa sofa ng living room ay narinig ko pa ang pag bukas ng pinto. Tila lumulutang ako at naramdaman ko pa ang malambot na bagay na dumampi sa mga noo ko. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD