Chapter 24: The Lover Before Her

2496 Words

Sigfried's POV Pinaghain ko na ng scrambled egg at sawsawan si Mandy pagkatapos kong magbihis. Dumulog na kaming dalawa sa hapag at parehong nanahimik. Napansin ko na kanina pa siya balisa at hindi umiimik nang bumaba siya galing sa kwarto niya. Nakalugay lang ang basa niyang buhok at nakasuot ng kulay gray na pajama terno na may design ng Bugs Bunny. Nakatuon lang siya sa mesa at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Ano kayang problema ng babaeng 'to? Galit kaya 'to sa akin? Pagkaraan ay hinawakan na niya ang kutsara at nagsimula nang magsandok ng pagkain. Dire-diretso ang pagkain niya ng kanin at ulam nang hindi ako nililingon. Para siyang tao na hindi nakakain nang isang linggo. Sunod-sunod ang subo niya. Napatawa tuloy ako nang walang tunog. Kahit pala candid ang hitsura niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD