Sigfried's POV Nag-enjoy ako sa star gazing namin ni Mandy. Kahit pinag-awayan namin ang totoong bilang ng nakalatag na mga bituin sa langit, nakakatuwa pa rin isiping may tinatagong pagka-isip-bata ang kasama ko. Naalala ko tuloy ang kalaro ko dati sa bahay ampunan... Palagi si Papa sa Angel of Light Foundation. Kada buwan, lagi niyang binibisita ang bahay-ampunan. Ang totoo niyan, naging ulila siya noon bata pa siya. Pinalaki siya ng mga madre sa mismong bahay-ampunan na iyon. Kaya noong nagkaroon siya ng magandang trabaho sa gobyerno, ipinanata na niya ang sarili na tutulong sa ampunan kahit na may sarili na siyang pamilya. Bata pa lang pero buo na ang grupo naming LOVERS noon. Kami ang group of child stars noong kapanahunan namin. Niyayaya ko rin ang lima na pumunta rito para makipa

