Sigfried's POV "Bakit ba Number 16 ang tawag mo sa 'kin? Mark ang pangalan ko," sabi ng isang boses na naulinigan ko. "Wala lang. Tatak mo 'yun sa jersey sa basketball, e. 'Di ba?" sabi naman ng isa. Napalingon ako at nakita kung sino ang naglalakad sa di-kalayuan. Binilog ko ang kamao ko at tiim-bagang na lumapit sa kanilang dalawa. "Ang labo naman no'n!" Napakamot si Mark sa ulo. "Pero mukhang okay na rin ang Number 16." Napatawa siya habang sinasabi iyon. "Mandy!" sigaw ko. Nakita ko ang pareho nilang gulat na ekspresyon nang lingunin nila ako. Parang namutla si Mandy sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka hinatak siya palayo sa kutong-lupa na kasama niya. "Aray! Ano ba?!" angil niya. "Bakit mo kasama ang lalaking 'yan?!" tanong ko sa kanya. Tila wa

