Mandy's POV Walang maingay sa mansyon. Walang nagtatawanang jologs sa ibaba. Wala ring malanding babae na humihigop ng lips at ila-live show sa mukha ko. Wala ring lecture na nagaganap. Nakatanga lang ako at nakatingin sa kisame. Hindi ko alam kung anong maganda sa kisame ng kwarto ko at ito ang napili kong tingnan. Tinatamad din akong buksan ang cellphone ko. Baka makita ko lang ang last message sa akin ni Dennis. Speaking of the devil... Nasa kabilang kwarto lang siya. Mas madaling sabihin na kami lang dalawa ang nasa mansyon sa mga oras na ito. Maluwag naman ang buong bahay pero hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng buong paligid. Napahawak ako sa tiyan ko. Nakakagutom naman. Pagkatapos ko kasing magbawas kanina, talagang ginutom ako. Nilibre na sana ako ng cheese

