Mandy's POV Walang gana na napadura ako sa plastic ng candy nang buksan ko ito. Isinubo ko iyon at napatingin sa relo ko. Alas siete na nang gabi at hindi pa rin dumarating ang inaasahan kong tao. Napapalatak ako. "Bwisit talaga! Hindi talaga maaasahan sa ganito si Terrence. Humanda talaga siya kapag nakita ko siya!" himutok ko habang nakabilog ang dalawang kamao. Akma na sana akong tatalikod para pumunta sa may exit nang may marinig akong isang pamilyar na boses. Nagmula ang boses na iyon sa may entablado. Napatigil ako sa paglalakad. "I would like to dedicate this song to someone very special for me..." sabi ng boses gamit ang microphone. "Kung nandito ka, just sit tight and listen to this song. I don't wanna end up being misunderstood, so I just felt the need to do this. Hindi mo a

