Sigfried's POV Napasuntok ako sa kwadradong poste pagkaalis na pagkaalis ni Mandy sa harapan ko. Nanginginig ako sa sobrang galit. Galit ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. "Tangina mo, Sigfried! Bakit ang tanga-tanga mo?!" asik ko sa sarili ko. Napakapit pa ako sa poste at niyakap iyon. Hingal na hingal ako sa sobrang galit. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ipapakita ko kay Mandy. Nang makita ko ang luha niya sa mga mata, doon ako natauhan. Napatanong ako sa sarili ko... kailan pa ako naging makasarili? Or was it because I was too frustrated that I couldn't have her for myself? Dahil sa mga tanong na ito sa isipan ko, na-realize ko kung gaano ako naging gago. Napakagago ko at nakuha ko panh maging selfish sa harapan niya. She took it the wrong w

