Chapter 5: Boyfriend ko - Zoey Tashimaza

1230 Words
Pag uwi ni Daisuke galing sa mansyon ni Kate, ay nakaabang na sa labas ng apartment si Zoey naka sandal si Zoey sa pintuan nya. habang ginagamit ang cp nya "Pasensya na kung ngayon lang ako" salubong ni Daisuke "Ayos lang, Pwede ba tayong mag usap tungkol sa sinabi ko kanina?" Tanong ni Zoey sabay nilagay sa bulsa nya ang Cp nya Lumapit si Daisuke at sinabi "Bago muna yun. Pwedeng ikwento mo sakin, bakit ka ginugulo ng ex mo? Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ni Daisuke "Dalawang buwan na rin ng nakipag break ako sa kanya, high school palang kami ng maging kami, 4 na taon naging kami, dahil mag isa na lang ako sa buhay, sya ang naging silbing lakas ko. subalit nalaman kong may iba pala sya. Kaya nakipagbreak ako sa kanya, ngayon kinukulit nya ako, hiniwalayan na nya yung babae, at gusto nyang makipagbalikan sakin"Sagot ni Zoey Nakita ni Daisuke na nasasaktan si Zoey habang kinukwento nya ang tungkol sa ex nya. Ngunit bakas din kay Diasuke ang lungkot dahil nakikita nyang mukhang mahal pa ni Zoey ang ex nya "Bakit hindi ka makipagbalikan sa kanya? Dahil sa nakikita ko mukhang mahal mo pa sya" sabi ni Daisuke "Ang gusto ko ay tigilan na nya ako. Ayoko na, niloko nya ako. Kaya Daisuke, bukas kung papayag ka, birthday ng isa sa kaibigan namin.. Magpapanggap kang boyfriend ko, para maisip ng Ex ko na wala na talaga syang babalikan" sagot ni Zoey "Anong oras?" tanong ni Daisuke subalit bakas ang lungkot ni Daisuke "4pm ng hapon" sagot ni Zoey Doon naisip ni Daisuke na wala talaga syang pag asa kay Zoey lalo na ng malaman nya at kitang kita nya na mahal pa ni Zoey ang 4 na taong naging boyfriend nya 8pm ng gabi, nakaharap si Daisuke sa loptop nya habang nakaupo sa tulugan nya, nakapatong ang loptop sa isang maliit na lamesa "Hindi ako makapaniwala na ang isang magandang tulad nya ay lolokohin lang. Siguro yung lalaking yun, hindi basta basta" tanong ni Daisuke sa kanyang sarili Binuksan nya ang sss nya sa loptop nya. mayroong 1 friend request, pagpindot nya ay si Kate "Si Kate nga pala, nagpapanggap din kami sa mga magulang nya. WAAHHHHHH! ano bang nangyayari bakit ko pinasok ang ganitong bagay, Pero silang dalawa ang kauna unahang babae na hindi nairita sakin. Masasabi kong silang dalawa ang una kong mga babaeng kaibigan. Si Zoey, special sya saakin. Sya ang kauna unahang babaeng pumansin sa akin. Akala ko may pag asa ako sa kanya" malungkot na mukha na nasabi ni Daisuke sa kanyang sarili sabay pinindot nya ang ACCEPT FRIEND REQUEST ni Kate Binuksan nya ang friendlist nya nasa 170 friends lang, Ang mga post nya ay 5 to 10 likes lang kitang kita na hindi sya matunog sa social media Dumaan sa HOME PAGE nya ang bagong post ni Kenji, ang kaisa isang kaibigan nya ang like ng post ni Kenji ay nasa 1K ) Likes at maraming babaeng taga University ang nag comment "Talagang sikat talaga sya. Since high school palang talagang habulin na sya ng mga babae" bulong ni Daisuke sa kanyang sarili habang binabasa ang mga comments sa post ni Kenji Pagkatapos nyang gamitin ang loptop nya ay humiga na sya sa tulugan nya. subalit hindi sya makatulog dahil sa kakaibang nangyari ngayong sa buhay nya Kinabukasan sa Hokkaido University pumasok ng maaga si Daisuke habang naglalakad sya papunta sa palapag ng mga 1st year ay nakasalubong nya ang kaibigan nyang si Kenji "Daisuke mamayang 4pm sasama kaba sakin? birthday ng isa sa kaibigan ko" yaya ni Kenji "Hindi pwede, busy ako mamaya may pupuntahan akong importante" sagot ni Daisuke "Paano ka makakahanap ng magiging #1 girlfriend mo nyan? Sayang may ipapakilala pa nman ako sayo" sagot ni Kenji "Alam mo Kenji, ilang babae naba ang ipinakilala mo sakin? sa dami hindi kona mabilang, lahat sila makita lang ako ay naiirita na sila. sorry hindi ako pwede. may mahalaga akong lakad mamaya" sagot ni Daisuke "Mukhang importante nga yan. okey sa susunod na lang" sagot ni Kenji at sabay silang pumunta sa kani kanilang room 3:30pm ng hapon, Dahil 4pm ang usapan nila ni Zoey ay nagbihis ng maayos at pumorma si Daisuke Habang sinusulat nya ang kanyang buhok "Makakaharap ko ang ex nya, kaya dapat galingan ko, dapat mapaniwala ko sya na ako ang boyfriend ni Zoey" sabi ni Daisuke sa kanyang sarili Pagkatapos nyang mag mag ayos ng kanyang sarili, papalabas na sya, saktong lumabas narin si Zoey Paglingon ni Daisuke sa kanya, nanlaki ang mata nya dahil sa taglay na ganda ngayon ni Zoey lumapit si Zoey na tuluyan ng natulala si Daisuke "Huh? Daisuke?" Nagtatakang si Zoey "Ahhhh? Ahhhhh wala haha" palusot ngunit taranta na si Daisuke "Ang ganda nya. Ang mukha nya Napakaperpekto, Ang katawan nya na ubod ng ganda. talagang Napakaperpekto nyang babae" sabi ni Daisuke sa kanyang sarili "Bakit ganyang ka makatingin? Pangit ba ang suot ko?" Tanong ni Zoey "Ahhh hindi, ang totoo nga nyan, ang ganda mo Zoey" sagot ni Daisuke "Wag mona nga akong bulahin. tara na" sagot ni Zoey "Sige" sagot ni Daisuke Habang naglalakad sila. Hindi mapigilan ni Daisuke mapalingon ang mata nya kay Zoey "Para kaming mag dadate" namumulang sabi ni Daisuke sa kanyang sarili "Daisuke, Tandaan mo. May tiwala ako sayo, kaya sigurado akong pagkatapos ng pagpapanggap natin. titigilan na ako ng ex ko. ayoko ng guluhin pa nya ako" sabi ni Zoey "Gagawin ko ang lahat para tigilan ka na nya" sagot ni Daisuk Pagdating nila sa highway ay nag hintay sila ng Taxi, Pinagtitinginan sila ng mga taong nakasalubong nila "Wow, Ang swerte naman ng lalaki" sabi ng isang nakasalubong nila "Perfect para syang artista" papuri nman na sabi ng isang nakasalubong nila kay Zoey At kung ano ano pa narinig nila, Nang biglang hinawakan ni Zoey ang kamay ni Daisuke "Siguro ito na ang oras para maging pansamantalang girlfriend mo ako, at para narin makapag practice" ngiting sabi ni Zoey Namula na lang at nanigas ang katawan ni Daisuke sa subrang nerbyos na nararamdaman nya Ramdam na ramdam ni Daisuke ang malambot na kamay ni Zoey na talaga. ngayon lang nya nahawakan ang kamay ng dalawa Habang magkahawak ng kamay ay may dumaan na taxi, Doon lang bumitaw si Zoey sa pag hawak at pumasok sila ng taxi 4pm ng hapon sa hotel na pagmamay ari ng kanyang kaibigan kung saan ay isasagawa ang birthday party naabutan ni Zoey ang ilang kaibigan, subalit nagulat sila na may kasamang lalaki si Zoey at magkahawak pa sila ng kamay "Boyfriend ko, si Daisuke" papakilala ni Zoey kay Daisuke Sa subrang nerbyos ni Daisuke nauutal pa syang magsalita "AKTING AKTING AKTING" sabi ni Daisuke sa kanyang sarili "Kinagagalak ko kayong makilala, Ako si Daisuke Sato ang boyfriend ni Zoey" Pagpapakilala ni Daisuke sa mga kaibigan ni Zoey, na subrang nerbyos sa kaloob looban ng katawan nya Nang biglang lumabas si Kenji ang bestfriend ni Daisuke "Daisuke?" gulat na si Kenji "KRRRKK" napangiwing si Daisuke Nakita ni Kenji na magkahawak si Daisuke at Zoey "Wa-wag mong sabihin na" gulat na si Kenji "Ah hahhahaha tol. nandyan ka pala haha" sabay kamot sa ulo si Daisuke "Zoey, Wag mong sabihin kayo ng kaibigan ko?" tanong ni Kenji "Tama ka Kenji, Boyfriend ko si Daisuke" sagot ni Zoey "AHHHHHHHHHH?" napasigaw sa gulat na hindi makapaniwala na si Kenji
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD