Chapter Twenty

1642 Words
Sumang-ayon siya sa iang bagay na hindi napakaliwanag na walang katotoohanan. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya nakikita kung anong mga bagay ang may kahintulad sila. Umaasa siya na sa ibanag bagay ay makabawi sila sa isa’t-isa. Ipinagpatuloy naman nila ang pagkain ng crepes habang nag-uusap. Napatingin naman si Christian sa paligid. Pinagmasdan niya ang mga taong nasa paligid niya. Naalala naman niya si Justin at ang dahilan ng kanyang pagbisa mula sa hinaharap. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Jester na napangiti habang nagkuwekuwento tungkol sa isang palabas na kanyang napanood. Ngumiti naman pabalik si Christian; napapatango paminsan-minsan. Pinakinggan niya lamang ang pagkukuwento ni Jester. Nang matapos silang kumain ay yinaya naman ni Jester si Christian na maglakad-lakad muna sila. Pumayag naman si Christian dahil hindi naman sila nagmamadali. Magkasabay namang naglakad. Inisa-isa nilang puntahan ang mga shop na na noroon at tinignana nag mga sari-saring produktong ibinebenta. Tulad nga ng nasa isipan ni Justin, isang simpleng tao lamang si Christian kaya naman wala siyang masyadong interes sa mga binibenta sa mall, bukod sa mga mahal ang bilihin doon ay kadalasanan naman ay hindi niya kailangan. Madalas din siyang paaalalahanan ng kanyang in ana huwag magpasilaw sa mga material na bagay, isang bagay na natutunna naman niya. Taliwas naman ito sa nakaugalian ni Jester, palibhasa ay nanggaling sa may kayang pamilya. “Hindi ba mauubos ang pera mo niyan?’ ang tanong naman ni Christian kay Jester nang bumili ito ng ilang bagay mula sa mga store na dinaanan nila. “Ha?” ang reaksyon naman ni Jester. “Iilang bagay lang naman ito. Huwag kang mag-alala.” Ngunit dahil hindi naman sanay si Christian na makakita ng ganoongh paggastos ay hindi pa rin siya mabahala. “Kung sa bagay, hindi ko naman pera ang ginagastos niya,” ang wika naman ni Christian sa kanyang sarili. Ngumiti na lamang siya at tumango. Kaya naman niyang hindii pansinin ang mga maliliit na bagay. Sinabihan na siya ni Jester na huwag siyang mag-alala dahil si Jester naman daw ang gagastos sa paglabas nila ngayon pero ayaw niyang isipin ni Jester na sa mga ganitong dahilan lang kaya nais makipagkaibigan ni Christian. Inalok niya pa si Jester na mag-ambag din siya na kaagad namang tinanggihan ni Jester. Sunod naman silang nagtungo sa department store. Naglalakd sila nang matigilan si Christian at napatingin sa stationary section ng lugar na ‘yun. Kagad namang napansin ni Jester. “Gusto mo bang magtingin diyan sa stationary section?” ang tanong ni Jester sa kanya. Kaagad namang tumango si Christian. “Magtitingin lang naman,” ang saad naman ni Christian. “Hidni naman niyon ibig sabihin na bibili agad.” Nagtungo nga sila sa Stationary Section. Kaagad namang nilapitan ni Christian ang mga botelya ng poster paints na naka-display. Isa-isa niya iting tinitigan, paminsan-minsan pa nga ay kukuha ito at babasahin ang pangalan ng mga kulay. Naaaliw siya sa tuwing gagawin niya ito kaya naman palagi rin siyang bumibisita sabook store. “Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga art material,” komento ni Jester habang pinagmaasdan ang ginagawa niya. Ibinalik naman ni Christian ang hawak niyang botelya ngkulay asul na poster paint at tumingin kay Jester. “Oo,” ang pagkumpirma naman niya. “Kapag may libre akong oras ay nagpipinta ako o kaya naman ay nagi-sketch ako. Sorry… boring ang hobby ko.” “Huy, hindi kaya boring ang ginagawa mo,” ang komento naman ni Jester. “ang totoo nga niyan ay nakakainggit dahil wala akong alam sa arts. Ang tangi ko lang nagagawa ay mga stick people. Makapag-drawing nga ng perpektong bilog ay hindi ko magawa.” “Sa mga panahon naman ngayon ay may mga paraan para magawa ‘yan,” ang komento ni Christian. “Tulad ng?” “Pagkuha ng mangkok o pinggan tapos i-trace mo lang ‘yun. O kaya naman… itali mo ang lapis tapos paikutin mo sa papel.” Natawa naman si Jester sa paliwanag ni Christian. “May tama ka naman.” “Ala mo, may mga bagay na hindi lang talaga nadadaan sa talent,” ang paliwanag ni Christian. “Minsan, kailangan mo talagang paghirapan ang isang bagay kung talagang gustso mong gawin.” Ngumiti naman si Jester at tumango. “Sa susunod, baka naman puwede mo akong iguhit,” ang pakiusap ni Jester. “Oo naman,” ang pagsang-ayon ni Christian. “Kung kapwa tayo may oras.” “Mukhang magagawan naman natin ng paraan,” ang komento ni Jester. Ipinagpatuloy naman nila ang paglalakad. May mga keychain naman silang nakita kaya kapwa sila natigilan. “Ang cute naman!” ang saad ni Christian sabay dampot sa isang key chain na korteng kuneho. “Ang mahal!” ang bulalas niiya nang makita ang price tag. Kaagad naman niya itong ibinalik. “Hindi ako gagastos ng ganyang halaga para lang sa isang keychain.” Kaagad namang iniwan ni Christian ang mga key chain dahil baka hindi sya makapagpigil at mapagastos siya. Sunod naman niyang tinignan ang mga paint yourself tote bags na naka-display. “Jester, tara na—” ang saad ni Christian bago tumingin sa paligid ngunit hindi niya makita si Jester. “Nasaan na kaya ‘yun?” Muli niyang inikot ang stationary section at hianhanap si Jester. Nahanap naman niya ang kanyang kaibigan na nagbabayad ng kung ano mang bagay na kinuha niya sa cashier. SInalubong naman niya ito anng matapos. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na magbabayad ka,” ang reklamo kaagad ni Christian nang makalapit siya rito. “Pasensya na,” ang paghingi naman ni Jester ng paumanhin. “Gusto kasi kitang surpresahin,” paliwanag nito. “Surpresahin?” ang nagtatakang pag-uulit ni Christian. “Ng ano?” “Heto,” ang saad niya bago iabot kay Christian ang isang munting paper bag.  Napatitig naman si Christian dito. “A-ano ito?” ang sunod namang tanong ni Christian. “Puwede mong tignan,” ang suhestyon ni Jester. Napatango naman si Christian at sinilip nga ang lam nito. Nanlaki ang mga mata ni Christian nang makita kung ano ang laman nito, ang key chain na hugis kuneho na nakita niya kanina. Kaagad naman siyang napatingin kay Jester na inaasahan na ang magiging reaksyon niya. “Regalo ko ‘yan bilang tanda ng isang maganda nating pagsisimula,” ang paliwanag ni Jester sabay ngiti. “Kaya naman hindi ako makakapayaga na tanggihan mo ang regalo kong ‘yan.” “Kung gayon ay tatanggapin ko ito,” ang pagpayag ni Christian. Maraming salamat, Jester.” “Walang anuman,” ang tugon ni Jester. “Tara na sa arcade.” “Sige.” Nagsimula naman silang maglakad patungo sa escalator. Nagtungo sila sa pinakamataas na palapag ng mall na ‘yun kung saan makikita ang arcade. Nakahinga naman nang maluwag si Christian annag makitang walang masyadong tao sa arcade. Pumila naman si Jester sa coin machine at kumuha ng tokens. Kaagad din naman siyang bumalik kay Christian. “Halika na. Anong gusto mong una nating laruin?” ang tanong ni Jester kay Christian. Hindi naman kaagad nakatugon si Christian; bagkus ay inikot niya ang kanyang mga mata at tinignan kung anu-anong mga laro ang naroon. Napatingin naman siya kay Jester at napakunot ng noo. “Hindi ko sigurado,” sa wakas ay ang tugon ni Christian. Napangiti naman si Jester at napatango. “Ikaw na muna ang mamili.” “Doon muna tayo sa racing games,” ang suhestyon naman ni Jester bago nagsimulang maglakad. Kaagad namang sumunod si Christian. “Ayun, may Mario Kart.” Sabay silang naupo. Nang makapaghulog si Jester ng tokens ay nagsimula na nga ang kanya-kanya nilang karera. Noong una ay hindi maintindihan ni Christian ang laro ngunit matapos ng ilan pang laro ay nangunguna na siya sa karera. “Sa wakas!” ang masaya niyang wika nang mag-first place. “Tama ka nga,” ang komento ni Jester s akanyang upuan. “May mga bagay na kailangan mong paghirapan bago mo makamit ang tagumpay. Congratulations!” “Salamat, Jester.” “Tara sa ibang laro,” ang paanyaya ni Jester. Magkasunod naman silang bumaba ng upuan at dumeretso sa basketball toss. Si Jester na lamang ang naglaro dahil hindi magaaing si Christian sa ganoon; sa Sports.Tuwing University Sports Festival ay sumasali si Jester sa basketball games at rineriprersenta ang kanilang koleyo samantalang si Christian ay nananatili lang isang tagapanood ng mga laro. Isa sa pinakaayaw ni Christian ang Sports Festival; labis siyang nababagot dahil wala naman siyang ibang puwedeng gawin kundi ang manood. Required din ang attendance nila sa mga ganoong kaganapan. Madali namang natapos si Jester sa kanyang paglalaro kaya naman sinaluhan niya si Christian. “Sabihan mo lang ako kapag nababagot ka na,” ang bilin ni Jester kay Christian. “Hindi naman, na-eenjoy ko nga, eh.” Totoong hindi madalas magtungo si Christian sa ganitong lugar ngunit hindi niya maitatanaggi sa kanyang sarili na nakkaramdam din siya ng pagkasabik sa ganitong mga bagay. “Mabuti naman kung ganoon,” ang wika ni Jester. “Subukan natin ‘yun,” ang wika ni Jester sabay turo sa mga claw machine. Kapwa naman nila nilapitan ang mga ‘yun at tinignan ang mga papremyong laman ng mga claw machine. “Mamili ka at susubiukan nating kunin,” ang bilin ni Jester kay Christian. Umiling naman si Christian. “Subukan mong kunin, kahit ano,” ang tugon ni Christian. “Sige, kung makakakuha ako ay kailangan mo ulit lumabas kasama ako sa susunod na linggo,” ang wika ni Jester. “Payag ka ba?” Napaisip naman si Christian. “Paano naman kung hindi?” ang tanong ni Christian. “Gagawin ko kahit, ano,” ang sagot naman ni Jester. Ilang minuto naman silang natahimik. “Sige,” sa wakas ay ang pagbasag ni Christian sakatahimikan. Napangiti naman si Jester at tumango.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD