Muli namang tumingin si Jester sa mga nakahilerang claw machine. Isa-isa niya itong sinuri. Gusto niyang makakuha ng premyo, hindi para sa kanya kundi kay Christian. Nais niya ring matuloy ang kanilang paglabas sa susunod na linggo. Kahit na maikli pa lang ang panahon na nagkasama nil ani Christian ay nasisiyahan naman siya sa bawat sandalling magkasama sila. Nasa isipan niya ang keychain na nagustuhan ni Christian kanina; napagtanto niyang mahilig si Christian sa mga cute na bagay. Hindi naman nagtagal ay nakapamili na nga si Christian ng claw machine na kanyang susubukang panalunin. Nagsimula naman siyang maghulog ng token sa makina. Nagsimula naman itong magpatugtog at umilaw kasabay ng pag-andar ng timer. Pumesto naman si Jester at sinimulang pagalawin ang handle. Pinanood ni Christai

