Ramdam ni Christian ang init ng bisig ni Jester. Hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon. Muli na namang Tumibok ang puso mniya nang kay bilis. Sinubukan niyang huminga ng malalim nguniot ang amoy ng pabango ni Jester ay tila ba mas nagbibigay ng mas malakas na epekto kay Christian. Napansin naman ni Jester si Christian. “Ayos ka lang?” “Ha? Ayos lang ako,” ang tugon naman ni Christian. “Hindi lang ako tuluyang makahinga dahil sa lakas ng usok mula sa baga. Alam mo naman, mahina kasi ang mga baga ko,” ang pagdadahilan naman niya. Hinila naman ni Jester palayo si Christian mula sa usak kaya anman sa wakas ay humiwalay na ito. “Diyan ka na lang muna,” ang saad naman ni Jester bago bumalik sa kanyang puwesto at hinbintayang kanilang biniling inihaw. Inabot naman ni Jeste

