“Imposible po ang sinasabi niyo,” ang komento ni Christian. “Buong araw ko po siyang kasama. Baka naman po kahawig lang ng tinutukoy niyo ang kaibigan ko,” dagdag pa niya.
“Ah, baka nga namalik-mata lang ako,” ang saad naman ng nagbabantay sa mga bangka. “Aling bangka nga pala ang gusto niyong rentahan?”
“Ayun pong de pedal,” ang turo naman ni Justin sa bangkang anyong sisne. Kaagad namang pumayag ang bantay at dinala sila munting kahoy na daungan. Naunang sumakay si Justin. “Mag-iingat ka, Christian.” Inalok naman niya ang kanyang kamay. Kinuha naman ‘yun ni Christian at maingat na tumapak sa loob ng bangkang sisne. Magkasunod naman silang naupo. “Ready?”
Tumango naman si Christian. Sabay naman nilang sinimulan ang pagpepedal; hind inga nagtagal ay nagsimula namang gumalaw ang bangka.
“Justin,” pagtawag naman ni Christian. Napatingin si Justin sa kanya. “Pagkatapos ba ng dalawang dekada ay mayroon pa rin ba ang Burnham Park at Burnham Lake?” ang tanong niya.
“Oo, mayroon pa rin,” ang tugon naman ni Justin. “Nabago ng kaunti pero naroon pa rin ang lawing ito. Hinda ba’t naging landmark naa ito ng Baguio? Dito na rin nakilala ng lahat ang siyudad natin kaya naman sa tingin ko naman ay hindi na lang basta-basta mawawala sa mapa ng Baguio ang lugar na ito.”
“Sa bagay,” ang bulong naman ni Christian habang pinapanood ang ilang dahon na nahuhulog sa tubig. “Justin, salamat.”
“Dahil malaki na ang pagkakataong magkakilala pa kayo ni Jester nang lubusan at makatuluyan siya?” ang tanong naman ni Justin.
“Hindi,” ang pagtatama naman ni Christian. “Dahil inaalala mo ang aking kalagayan. Napakabuti mong tao.”
Napangiti naman si Justin sa kanyang narinig. “Alam mo, para kang matanda kung magsalita,” komento naman ni Justin.
“Huh?” ang reaksyon ni Christian. “Paano mo naman nasabi?” ang gulat na tanong ni Christian.
“Sa tingin ko kasi mas mauunang dahilan ng pagsasaya ng iba ang malaman nilang may malaki na silang pagkakataong mapalapit sa kanilang gusto,” paliwanag ni Justin. Napabuntong-hininga naman si Christian. “Oh, anong problema?”
Napailing lang naman si Christian. “Masaya naman ako pero kinakabahan din.”
“Huwag kang mag-alala,” saad ni Justin. “Lahat ay nakaplano na. Ang tangi mong magagawa sa ngayon ay ang pagkatiwalaan ako.” Pilit namang ngumiti si Christian at tumango. “Kailanagn mong isipin na sa ikabubuti mo rin naman ito.”
Halos isang oras silang nanatili sa bangka. Paikot-ikot lang naman sila sa malawak na lawa. Tirik ang araw ngunit umiihip ang hangin kaya naman hindi gaanong mainit ang temperatura. Muli silang naglakad nang bumalik sila sa daungan ng mga bangka at makapagbayad. Kaagad namang bumalik sa ala-ala ni Christian ang naging usapan nila at ng tagabantay. Nakakapagtaka. “Pero baka kulang lang sa tulog si Manong,” saad ni Christian sa kanyang isipan habang tinatahak nila ang daan. Maraming tao ngayon sa parke; hindi na ito nakakagulat dahil Sabado at walang pasok ang karamihan. May mga magpapamilyang masayang nagpi-picnic sa damuhan; paminsan-minan pa nga ay iniiwasan ng dalawa ang mga batang nagtatakbuhan. “Ano na ang gusto mong sunod nating gawin dito?” tanong naman ni Christian sa kanyang kasama.”
“Ano pa nga ba?” ang reaksyon naman ni Justin. “Kumain muna tayo bago magpunta sa bicycle area.”
“Sige,” ang kagad namang pagpayag ni Christian. “Ginutom din ako sa ginawa natin kanina.”
“Maghanap muna tayo ng makakainan sa paligid,” ang suhestyon ni Justin.
“Sa pagkakaalala ko ay may mga stand ng pagkain malapit sa Children’s Park,” ang tugon naman ni Christian.
“Sakto. Patungo naman doon ang direksyon natin,” ang tugon ni Justin. Wala naman silang sinayang na minuto, dumeretso sila sa parte ng Burnham Park kung saan may mga nagbebenta ng merienda. “Anong gusto mong kainin?”
“Yun,” ang wika ni Christian sabay turo sa isang stand na nagbebenta ng Korean Sandwiches. Kaagad namang tumango si Justin bago sila lumapit. Madali naman silang binati ng tindera. Ang mga pangalan ng tinapay roon ay nasa lenggwaheng Korean ngunit mabuti na lamang ay may English Translations ang mga ito kaakibat na rin ang mga sangkap na gamit sa bawat sandwich na nasa menu.
“Alin sa mga ‘yan ang gusto mo?” ang tanong ni Justin. Mabilis namang tinignan ni Christian ang pagpipilian. “Yung Dwaeji Pork Sandwich.” Nagsimula namang um-order si Justin. “Justin, walang bakanteng mesa,” saad nito habang nakamasid sa mga nakapuwestong plastic dining set sa tapat ng trailer.
“Doon na lang tayo sa damuhan sa malapit,” ang tugon ni Justin. “O kaya naman sa picnic area?”
“Sa damuhan na lang,” ang tugon ni Christian; tumango naman ang isa. Pagkalaipas ng ilang minuto ay handa na ang kanilang mga in-order na egg sandwiches. Nagtungo nga sila sa damuhan at magkatabing naupo. Tahimnik nilang sinimulan ang pagkain habang nakatitig sa paligid. Muli namang umihip ang hangin kaya naman napangiti si Christian. Matagal-tagal na nga noong huling beses na lumabas si Christian at nagpunta sa parkeng ito. Naalala niya ang kanyang ama. Bago maghiwalay ang kanyang mga magulang ay dinala siya ng kanyang ama sa lugar na ito wala siyang kamalay-malay na ‘yun na ang huling beses na makikita niyang buo ang kanyang pamilya. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha. Napansin naman ito ni Justin.
“A-anong problema?” ang gulat naman niyang reaksyon nang makita ang luha sa pisngi ni Christian.
“W-wala,” ang saad naman ni Christian sabay punas sa kanyang luha. “May naalala lang ako, si Papa. Siya ang rason kung bakit iniiwasan kong magpunta rito. Mayron kasi akong hindi magandang alaala dito.”
“Gusto mo na bang umalis?” tanong naman ni Justin.
“Ano ka ba?” ang reaksyon naman ni Christian. “Ayos lang. Hindi naman na ako masyadong apektado. Naiintindihan ko rin naman ang nangyari. ‘Yun nga lang, naghihinayang ako sa nangyari.”
“Minsan talaga kailangan nating magsakripisyo para sa ikabubuti at ikasasaya ng mga taong mahalaga sa atin,” ang seryosong saad ni Justin, rinig ang kalaungkutan sa kanyang tinig. Kaagad namang naintindihan ni Christian ang tinutukoy ng kanyang kausap. Natahimik naman silang dalawa. “Tama an nga itong drama,” ang saad ni Justin. “Ikaw talaga, kahit sa hinaharap ay napaka-overdramatic mo pa rin.”
Natawa naman si Christian sa naging komento ni Justin. “Ako? Overdramatic? Napaka-judgemental mo naman!”
“Hindi po ako nagpapka-judgemental,” ang tugon ni Justin. “Kasama mo po ako sa loopb ng bahay kaya naman kilala kita.”
“Ah, sa bagay,” ang reaksyon ni Christian sabay kamot ng kanyang ulo.
“Tara na sa bicycle area,” ang saad naman ni Justin.
“Sandali lang,” ang pagpigil naman ni Christian kaya naman napahinto si Justin. “Talaga abng sa bicycle area tayo pupunta?”
“Oo,” ang nagtataka namang sagot ni Justin. “Bakit?”
“Yung may side car naman ang kukunin natin, hindi ba?” ang tanong ni Christian. “Di ba?”
“Ah, hindi,” ang tugon ni Justin.
“Ha? Hindi ako marunong magbisekleta,” ang paliwanag ni Christian.
“Alam ko.” Ngumiti naman si Justin. “Pero dahil mahaba-hba ang oras natin ngayong araw ay tuturuan kitang sumakay ng bisekleta. So, payag ka na?”
“Mukhang hindi naman ako puwedeng makatanggi.”
“Hindi talaga dahil… bonding moment natin ito.”
Pumayag naman sa wakas si Christian. Tumayo naman si Christian at sumabay kay Justin patungo sa bicycle area ng parkeng ‘yun. Kumuha sila ng isang bisekleta.
“Sakay,” ang utos ni Justin kay Christian. Napatitig naman si Christian sa bisikleta at napalunok. Kaagad naman siyang nakaramdam ng kaba at takot, natatkot siyang baka matumba ang bisekleta at masaktan siya. Nakita naman ni Justin ang kanyang reaksyon. “Huwag kang mag-alala, narito lang ako. Hahawakan akon ang bisekleta para sa’yo.”
“S-sige,” ang nag-aalangan pa ring pagpayag ni Christian bago sumakay sa bisekleta.
“Hawakan mo ng mahigpit ang handle,” ang bilin ni Justin na ginawa naman ni Christian. Inilagay naman niya ang kanyang mga paaa sa pedal.
“Justin, huwag mong bibitawan,” pakiusap ni Christian.
“Hindi ko bibitawan. Huwag kang mag-alala,” ang tugon naman ni Justin. “Magsimula ka na”
Dahan-dahan namang umandar ang bisekleta. Hawak-hawak ni Justin ‘yun hbang tinuturuan si Christian kung anong gagawin. Sa isang pagkakataon ay binitawan ni Justin ang bisekleta. Napalingon naman si Christian at nagulat nang makitang binitawan nga ni Justin ang bisikleta. Dahil sa gulat ay muntikan na itong mawalan ng balensa at matumba. Mabuti na lamang ay kaagad siyang hinawakan ni Justin. “Justin!” ang mangiyak-ngiyak na reklamo ni Christian. “Nangako ka na hindi mo ako bibitawan.”
“Kaya mo naman palang maglakbay nang mag-isa,” ang nakangiting wika ni Justin. “Makakaya mong magpatuloy na wala ako sa iyong tabi,” saad nito sa kanyang isipan. Itinatago pa rin ng kanyang ngiti ang kalungkutang nararamdaman. Ngunit kailangan niya itong gawin para sa taong pinakamahalaga sa kanyang buhay, si Christian. “Kaunting practice pa at makakya mo na. At least, kahit paano may naituro pa rin ako sa’yo.”
“Kailangan ba nating magpatuloy?” ang reklamo ni Christian.
“OO naman!” ang nautuwang saad ni Justin. “Makakaya mo anng mag-isa pagkatapos ng ilan pang subok. Isa pa, nagbayad ayo ng isang buong oras para rito.”
“Magpahinga muna tayo,” ang suhestyon ni Christian. “Ikaw muna ang sumakay.”
“Sige,” ang tugon naman ni Justin. Bumaba si Christian at nagtungo sa gilid upang magpahinga samantalang si Justin naman ay sumakay sa bisekleta. Kaagad namang namangha si Christian annag mabilis na pinatakbo nito ni Justin. Sa amikling oras ng kanilang pagsasamay ay magaan na kaagad ang kanyang pakiramdam sa kanya.