Chapter Eight

2810 Words
“Justin, gusto mo bang manood ng movie?” “Anong movie naman?” ang tanong naman ni Justin pabalik. “Gusto ko ng horror!” ang excited namang wika ni Christian. “Horror?!” ang bulalas naman ni Justin sa narinig niyang suhestyon. “Hindi ka ba natatakot?” “Bakit naman ako matatakot?” ang tanong naman pabalik ni Christian. “Hindi naman totoo ang mga multo. Sandali lang… huwag mong sabihin sa akin na takot kang manood ng horror movies,” tukso naman ni Christian sa kanya. “Ano na lang ang naituro ko sa’yo kung magiging anak kita. Panigurado namang pinurga kita sa mga horror movies.” “Ayokong makisali,” ang tugon naman ni Justin. “Puwes ngayon, hamak na narito ka ay enjoy-in mo ang horror movie session with me,” ang nakatawang wika ni Christian sabay lapit kay Justin. “Huwag kang matakot, kasam mo naman ako.” “”H-hindi ko alam kung magandang ideya ‘yan,” ang pasimple namang pagtanggi ni Justin. Hindi niya talaga gusto ang mga pelikulang ganoon. “Hay naku,” saad naman ni Christian. “Huwag kang killjoy.” Tumayo naman siya at linapitan si Justin at inakbayan. “Relax ka lang.” Napatango na lamang si Justin. Kilala niya si Christian, hindi ito titigil sa kakakulit sa’yo na gawin ang isang bagay hanggang sa pumayag ka. Dahil matagal na rin namang nakasama ni Justin ang hinaharap na katauhan ni Christian bilang kanyang magulang ay lama niya na kung paano niya kikitain ang kagustuhan ni Christian. “S-sige,” sa wakas ay pagpayag ni Justin. “Pero huwag nating patayin ang ilaw, ha?” ang tanong niya. Tumawa naman si Christian. “Sige na nga,” ang pagpayag naman ni Christian. Inayos niya ang kanyang laptop at naghanap ng pelikulang sabay nilang mapapanood. Hindi nga nagtagal ay nagsimula silang manood habang kinakain ang mga pagkain na dal ani Justin mula sa hinaharap. “Ang sarap talaga nito,” ang nakangiting wika ni Christian sa kanyang sarili habang nakatitig sa potato chips. Napatingin naman sa kanya si Justin at napangiti. “Kukuhanan ulit kita ng ganyan kapag nagbalik ako sa hinaharap.” Natigilan naman si Christian at napatingin sa kanya. “Hindi mo na kailangan,” ang pagtanggi naman niya. “Hindi ba sinabi ko naman sa iyo na maraming ganito sa panahon ngayon.” “Eh, ‘di kukuhanan na lang kita ng mga bagong pagkain mula sa hinaharap.” “Ikaw ang bahala,” ang saad naman ni Christian bago muling ibinaling ang kanyang mga mata sa kanilang pinapanood na pelikula. “Nakakabagot naman pala itong horror movie na ito,” ang saad ni Christian pagkatapos ng isang oras ng kanilang pinapanood. “Nakakadismaya naman itong rinekomenda ni Mark. Ang sabi pa niya, ito na raw ang pinakanakakatakot na horror movie ngayong taon.” ‘Hindi ko masabi,” ang tugon naman ni Justin. “Huwag mong sabihin sa akin na natatakot ka na sa palabas na ‘yan?” ang reaksyon naman ni Christian nang mapansin ang panginginig ng mga labi nito. “M-medyo,” ang pag-amin naman ni Justin sa bay kamot ng ulo. “Alam mo, hindi mo dapat kinakatakutan ang mga mulo,” ang komento ni Christian. “ang mga multo, hindi naman sila magpaparamdam kung wala silang kailamngan at kung pinakikita mo na takot ko. Mas matakot ka sa mga buhay na atao dahil kahit na wala akang ginagawang masama, sasaktan ka pa rin ng iba. Ito ang bilin sa akin palagi ni Mama kaya naman hindi na rin ako natatakot.” “Sa bagay, may tama ka,” ang wika ni Justin bago ngumiti at tumanago. Batid niyang ito ang sasabihin ni Christian. Tila ba mula pagkabata hanggang sa pagtanda nito ay hindi siya nagbago kaya naman basang-basa na siya ni Justin. Ipinagpatuloy naamn ng dalawa ang kanilang panonood ng pelikula. Dahil sa sobrang kabagutan ni Christian sa kanilang pinapanood ay hindi niya naiwasang makatulog. Napatingin si Justin nang magsimula itong humilik. “Sobra ka sigurong napagod ngayong araw,” ang pabulong na komento ni Justin habang nakamasid sa kanyang mukha. “Christian,” ang pagtawag niya rito ngunit malalim na ang paghimbing ng isa. ‘Christian,” ang muli niyang pagtawag sa kanya. Sa pagkakataong ito ay sinimulan naman niya itong alugin. Dahan-dahan namang minulat ni Christian ang kanyang mga mata. “Lumipat ka na sa kama moat magpahinga. Ako an ang bahalang mag-ayos dito.” Wala sa sarili namang tumayo si Christian at nahiga sa kanyang kama. Hindi alam ni Justin kung maaawa ba siya o matatawa sa ipinakita ni Christian. Pinatay nga niya ang naka-on na laptop at inayos ang nga bagay na nakalapag sa kanyang mesa. Ilang minuto pa ang kanyang ginugol habang pinagmamasdana ng buong kabnuuan ng silid ni Christian. Batid niyang hidni man ito ang huli niyang beses na pupunta rito  ay ramdam naman niya na malapit-lapit na rin ang pagkakataong kailanagan niyang bumalik ng hinaharap at hindi na muling babalik pa. Ibinaling naman niya ang kanyang tingin kay Christian na mahimbing namang natutulog. Kinuha naman niya ang kumot at dahan-dahang ipinatong kay Christian. “I’ll see you soon,” ang pabulong niyang wika bago naghanap ng papel at panulat. Nag-iwan siya ng maikling liham.Pinatay niya ang liham ngunit hinayan niya lang nakabukas ang mini nightlamp na nakasaksak. Batid niyang kahit na madalas na sinasabi ni Christian na huwag matakot ay takot ito sa buong kadaliman. Muli namang minulat ni Christian ang kanyang mga mata. Madilim na ngunit tanaw niya pa ang isang pigurang nakatayo at nakaharap sa kanya. Dala ng pagod at antok ay nawala sa kanyang isipan kung sino ito. Napatingin naman ito sa kanyang pulso bago naglaho. Muli niyang pinikit ang kanyang mga mata at tuluyan nan gang nagpasakop sa kanyang kaantukan.   KINABUKASAN, nagising si Christian. Kaagad naman niyang naalala na pinatulog nga niya si Justin sa kanyang silid. Kaagad naman itong napaupo at napatingin sa paligid. Natagpuan naman niya si Justin na nakaupo sa upuan at nakangiting nakatingin sa kanya. “K-kanina ka pa ba diyan?” ang tanong naman ni Christian. “Hindi naman,” ang sagot ni Justin habang may hawak na maliit na papel. “Ano ‘yang hawak mo?” ang pagpansin ni Justin sa papel. Napatingn naman si Justin sa hawak niya abngo muling ibinaling ang kanyang tingin kay Christian. “Wala lang ito,” ang nakangiti naamn niyang tugon bago ito linukot at tinapon sa basurahan. “Nakatulog ka ba nang mahimbing?” ang sunod namang tanong ni Christian sa kanyang busita. “Nakatulog naman ako ng mahimbing,” tugon ni Justin. “Bumalik kasi ako sa hinaharap at doon na nagpahinga. Kababalik ko lang din.” “Ha? Bakit ka naman bumalik?” “Paanong hindi?” ang tanong naman pabalik sa kanya ni Justin. “Sinakop mo ang buong kama. Ang lakas mo ring humilik at nagsasalita ka pa sa pagtulog. Tinatawag mo si Jester.” “H-ha?!” ang bulalas naman ni Christian. “Hindi nga?” Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Justin. “Ang alam niya ay hindi siya malikot kapag natulog, humihilik at nagsasaliata kapag tulog. “Baka naman sobra lang akong napagod kahapon,” ang wika niya sa kanyang isipan. Ito kasi ang unang beses niyang narinig ‘yun. Napakunot naman ang kanyang noo nang magsimulang tumawa si Justin. “A-anong nakakatawa?” Nahinto naman si Justin sa pagtawa. “Hindi ka malikot matulog, hindi ka rin humihilik, at hindi ka rin nagsasalita kapag tulog,” ang saad naman ni Justin. “Nagbalik lang ako sa hinaharap dahil marami akong kailangang gawin.” “Tulad ng?” ang tanong naman ni Christian pabalik. “Uhm,” ang tanging nasabi ni Justin at napaisip. “Mga sarili kong projects. Hindi ko yata nasabi sa iyo na isa akong estudyante sa hinaharap.” “Saan ka nag-aaral?” ang tanong naman ni Christian. “Mayroon pa ba ang mga universities ngayon sa hinaharap?” “Mayroon pa,” amg tugon naman ni Justin. “At sa Saint Louis University ako nag-aaral ng engineering.” “Mabuti naman kung ganoon.” Nakahinga naman nang maluwag si Chrtistian sa kanyang narinig. Kapwa naman sila natigilan nang may kumatok sa pinto. “Christian,” ang pagtawag ni Maritez. “Nakahanda na ang almusal kung gising na kayong dalawa.” “Susunod na po,” ang tugon naman ni Christian sa kanyang ina. Ibinaling naman niya ang kanyang tingin kay Justin. “Nagugutom ko na ba?” “Kung gusto mo nang mag-almusal, sasamahan kita,” ang nakangiti naman nitong tugon. Bumaba naman ng kama si Christian. “Halika na,” ang pagtawag ni Christian. Magkasunod naman silang lumabas ng silid at dumeretso sa kusina. “Good morning po,” ang pagbati ni Justin kay Marites. “Good morning din, Justin,” ang tugon naman ni Marites na kasulukuyang kumakain ng tinapay. ‘Maupo na kayo at mag-almusal. Umiinom ka ba ng barakong kape?” “Opo,” ang nakangiting saad ni Justin. “Sa pana— bahay po namin. Plaagi akong umiinom ng barakong kape.” “Tamang-tama may kape diyan, puwede kang magtimpla.” “Salamat po.” Naghanda naman si Justin ng kape gamit ang coffee presser na pinaheram ni Marites sa kanya. Tulad ng naging hapunan nila ay dinaldalan na naman siya ni Marites. Muli siyang inulan ng mga katanungan ng ina ni Christian. Walang pagod namang sumagot si Justin. Sa hinaharap ay nakasanayan n ani Justin ang pagkamadaldal ng kanyang lola noong mga panahong buhay pa siya. Mas lalo nga lang ang pagkamadaldal niya ngayong kabataan ni Marites. “Natapos niyo ba ang proyektong ginagawa niyo kagabi?” ang tanong naman ni Marites sa dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawa. “Natapos po namin,” ang tugon naman ni Christian sabay hikab. “Mabuti naman kung ganoon. Bakit hindi kayo lumabas ngayong dalawa? Mamasyal?” “Ha?” ang nagtataka namang reaksyon ni Christian bago napatingin kay Justin. “Oo nga pala. Baka hinahanap ka na sa inyo,” ang saad naman ni Marites sabay tingin kay Justin. “Gusto mo bang tawagan ko ang mga magulang mo ipagpaalam kita?” “A-ah, hindi na po kailangan,” ang pagtanggi naman ni Justin. “Nasabihan ko na po sila.” “Sige. Kung ganoon naman ay walang problema. Christian, minsan ay lumabas-labas ka rin. Wala ka nanag ginawa kundi eskuwela-bahay lang.” “Mas gusto kong matulog,” ang komento naman ni Christian na nagpakunot ng noo ni Christian samantalang natawa naman si Justin. “Hay naku,” ang reaksyon ni Marites. “Kaya ka walang masyadong kaibigan dahil ayaw mong makihalobilo sa ibang tao. Kahit nga mga kasing edad mo rito sa barangay, hindi mo masyadong kakilala. Gayun din naman sila sa’yo.” “Hindi ko maintindihan kung bakit kailan kong maging kaibigan ang lahat ng tao sa paligid ko,” komento naman ni Christian. “Eh, hindi naman ako tatakbo na Barangay Kagawad o Barangay Captain.” Mas lalo namang natawa si Justin samantalang hindi na natutuwa si Marites sa pagiging pailap ng kanyang anak. Napasapo pa nga ito ng kanyang ulo. Ibinaling naman niya ang tingin niya kay Justin. “Justin, iho, ikaw na nag bahala sa anak ko.” Mukhang wala nmang magagawa si Justin kaya tumango ito at ngumiti. “Christian, tara.” “Sige na nga,” ang nakasimangot naman nitong pagsuko sa kagustuhan ng ina. Kaagad namang nawala ang simangot sa mukha ni Marites at napalitan ito ng isang malawak na ngiti. Pagkatapos nga ng almusal ay bumalik si Christian at Justin sa silid. “Justin, bakit ka pumayag?” kaagad namang tanong ni Christian sa kanya. Napakamot lang naman ng ulo ang isa bago sumagot. “Mukhang wala naman kasi akong ibang pagpipilian,” ang tugon naman ni Justin. “Pagbigyan mo na ang Mama mo. Paniguradong nag-aalala lang naman ‘yon sa kalagyan mo.” Napabuntong-hininga si Christian. “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” reklamo naman niya.   PAGKATAPOS naman nilang makapaghanda at makapagbihis ay nagpaalam na sila kay Marites na masaya pang inihatid sila palabas. “Napakabaittalaga ni Lola,” ang komento ni Justin habang naglalakad sila sa isang pasilyo patungo sa sakayan ng Jeep sa kanilang lugar. “Ganoon rin ba si Mama sa kasalukuyan?” ang tanong naman ni Christian. “Oo,” ang pagkumpirma ni Justin. “Waloang pinagbago kahit ang kadaldalan niya.” Natawa naman si Christian sa kanyang narinig. “Mahilig pa rin ba siya sa kakanin?” ang sunod namang tanong ni Justin. “Oo, mahilig pa rin siya sa mga ganoong pagkain.” “Nakakatuwa namang isispin na kahit s apagtanda ni Mama ay hindi pa rin siya nagbago.” Ngumiti naman si Justin at tumango. “Saan nga pala tayo pupunta?” ang tanong niya habang nakamasid sa mga bahay na nadadaanan nila. “Seryoso ka?” ang tanong naman ni Christian pabalik. “Ako talaga ang tinatanong mo? Alam mo naman…. At narinig mo galing kay Mama na hindi ako masyadong naglalalabas. Kaya hindi ako ang tamang tao para pagtanungan mo.” “Pero anong klase ng mga lugar ang gusto mong puntahan?” ang sunod namang tanong ni Justin. “Tahimik,” ang simple namang tugon ni Christian. “Tapos?” “T-tapos?” ang nagtatakang tanong ni Christian. Hindi niya inasahan na may follow up question pa pala si Justin. “Hmm.” Napaisip na naman siya. “Walang masyadong tao.” “Mukhang mahirap makahanap ng mga lugar na ganyan,” ang komento naman ni Justin. “Unless gusto mong mamasyal sa sementeryo.” Napangiwi naamn si Christian sa suhestyon ni Justin. “Anak ko ba talaga ito sa hinaharap?” ang tanong niya sa kanyang isipan. “Gusto ko ng horror movies pero malayo pa sa aking pangarap ang mamasyal sa mga ganoong lugar.” “Napakaseryoso naman ng nanay ko,” ang pang-aalaska a kanya ni Justin. “Kaya pala hanggang pagtanda ay ang sungit-sungit.” Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Christian. “Ah, talaga ba?” ang tanong nito. “Kaya naman siguro ako nagsusungit bilang nanay mo dahil nakakainis ‘yang pag-uugali mo.” Tumawa naman si Justin. “Ma, I’m just joking.” “I’m just joking,” ang inis namang panggagaya ni Christian. “Puwes, ‘di ako natutuwa.” “Sa tingin ko ay mas makakabuti kung mag-ikot na lang tayo,” ang sihestyon ni Christian. “Hindi rin kasi ako masyadong pamilyar sa mga lugar sa nakaraan. May mga lugar kasing nawala, may nanatili, at may mga nagbago.” Tumango naman si Christian. “ano yung mga lugar na mayroon pa rin sa hinaharap?” Napaisip naman si Justin. “Una, ‘yung paborito mong book store. Pangalawa, ang mga pangunahing Pamantasan dito sa Baguio at sa La Trinidad. Pangatlo, ang malaking mall sa puso ng Baguio. Pang-apat…. Ano pa ba? Ah, ang Burnham Park! Mas maganda nga lang ito sa hinaharap.” “Ibig sabihin ay nakapunta ka na sa mga lugar na ‘yun?” ang tanong naman ni Christian. “Oo,” ang pagkumpirma naman ni Justin. “Kung may pagkakataon ay binibisita ko ang ibang lugar dito.” Tumango naman si Christian. Naiintindihan niya na ang rason ni Justin. Lahit siguro siya ay kung may pagkakataong maglakabay sa ibang panahon ay pupuntahan niya ang mga lugar na hidni siya pamilyar. “Nasubukan mo na bang maglakabay sa iba pang panahon?” ang tanong naman ni Christian sa kanya. “Ang ibig kong sabihin ay… tulad ng Panahon ng mga Hapon. O kaya naman early civilizations.” “Hindi pa,” ang tugon naman ni Justin “At tsaka, hindi anman ganoon kadali ang paglalakabay sa ibang panahon. Pinapayagan lang kaming magpunta sa ibang panahon kung talagang kailangan. Ayaw din kasi naming makaapekto ito sa hinaharap. Kaya nga lang ako pinayagan na maglakbay sa nakaraan dahil sa’yo at sa magiging buhay mo sa hinaharap.” “Ngayon pa lang ay nagpapasalamat ako sa kabutihan ng loob mo, Justin,” ang wika ni Christian. “Maiba man ang hinaharap ko at ang aking makakatuluyan ay pangakong hahanapin kita para maalagaan. Puwede mo bang ibigay sa akin ang address impormasyon kung saan kita puwedeng mahanap?” Napailing naman si Justin. “Hindi ko puwedeng sabihin sa’yo.” “Bakit naman?” ang nagtatakang tanong ni Christian. Muling napailing si Justin. “Kung itatakda ng panahon,” ang saad naman ni Justin. “Magkikita tayo. Pero Ma… may gusto akong hilingin sa’yo.” “Ano naman ‘yun?” ang tanong ni Christian. Kapwa naman sila natigilan kasunod ng pag-ihip ng hangin. “Na huwag mo akong hanapin sa hinaharap,” ang saad naman ni Justin. Nanlaki naman ang mga mata ni Christian. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD