"Ma, pupunta na muna kami sa kuwarto ko nang makapagbihis kami,” ang saad ni Christian bago hinila si Justin papasok sa isang silid malapit sa kanilang kinalalagyan.
“Maghahanda na rin muna akong hapunan natin,” ang pahabol pang wika ng kanyang ina. Kaagad namang inilapag ni Christian ang kanyang bag sa tabi ng kanyang side table. Napatingin naman sa paligid si Justin.
“Ganito pala ang itsura ng silid mo,” ang namamangha naman niyang komento. Napatingin naman siya sa paligid. Katamtaman ang laki ng silid ni Christian. Ang mga pader ay napinturahan ng kulay pastel pink samantalang ang mga poste ay napinturahan naman ng pastel blue. Kita ang nakaayos na kama ni Christian. May ilang unan na naayos ayon sa laki samantalang ang tiger printed na kumot ay maayos ding nakatiklop. Sa tabi ng kama niya ay ang mesang nagsisilbing study area niya. Pinagtuunan naman ng pansin ni Justin ang nasa mesa. May monitor ng desktop computer na naroon. Sa tabi nito ay naka-display nag lobo. Ang ibang parte ng globong ito ay may nabiliguan. “Ito ang mga bansang gusto mong puntahan,” ang komento niya habang nakatitig pa rin sag lobo. Natigilan naman si Christian upang tignan kung anong tinutukoy ni Justin. Namataan nga niya ang lobo.
“Tama ka,” ang nakangiti naman niyang pagkumpirma. “Pangarap kong mag all around the world tour. Justin, sa future ba ay nagawa kong puntahan ang mga bansang minarkahan ko diyan sa globong ‘yan?”
“Hmmm,” ang reaksyon naman ni Justin. “Ang unang lugar na napuntahan mo rito ay… Vietnam.”
“Ha?” ang nagtataka namang reaksyon ni Christian bago kinuha an globo mula sa kamay ni Justin at hinanap ang bansang kanyang binanggit. “Wala naman akong inilagay na marka sa bansang sinabi mo. Isa pa, hindi ko rin maalala kung bakit gusto kong puntahan ‘yon.”
“Hindi ba’t pangarap mong makapunta sa Cambodia?” ang tanong naman ni Justin pabalik. “Para mabisita ang Ankor Wat?”
“Tama ka,” ang pagkumpirma naman niya bago tinignan ang marking nakalagay sa bansang ‘yun. Gusto niyang mapuntahana ang mga lumang lugar tulad ng Ankor Wat sa Cambodia, Machu Pichu sa Peru at ang Colosseum sa Italy. Interisado siya sa kasaysayan ng mga lugar na ito.
“Bago ka nakapunta sa Cambodia ay una mong pinuntahan ang Vietnam kahit wala naman talaga sa plano mo,” ang natatawang paliwanag ni Justin.
“Bakit naman?”
“Nakakakita ka kasi ng sale ng flight tickets papunta roon,” ang tugon ni Justin. “Being that kuripot you are, kinuha mo ‘yung pagkakataon. Magkatabi lang naman ang Cambodia at Vietnam kaya pinuntahan mo na rin. Pagkatapos mong pumunta ng Cambodia ay nagtungo ka rin ng Thailand.”
“Sunod-sunod?” ang nagtataka at namamanghang tanong ni Christian. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga naririnig. Tumango naman si Christian bago ibinalik ang globo sa mesa. “Hindi ko maisip ang gastusin niyan.”
Napangiti naman si Justin. “Well, you were really strict with your budget and time management. Ilang buwan mo ring pinaghandaan ang Indo-China tour mo. You worked hard for it naman.”
Nakakatuwang malaman na nangyari ang mga ‘yan. Ipinagpatuloy naman ni Justin ang pagsuri sa mga bagay na nakapatong sa study area ni Christian. May mga manual at librong tungkol sa kinukuha niyang kurso. Makikita rina ng ilang libro patungkol sa mitolohiya at ilang nobela. Sa pinakadulo ng mahabang study table ay may mga nakalagay na malilit na lalagyan ng pintura. Hilig din kasi ni Christian ang magpinta, bagay na alam naman ni Justin dahil hanggang sa hinaharap ay dala-dala ni Christian ang kanyang pagmamahal sa pagpipinta at sa kahit na anong uri ng sining.
“Justin,” ang pagtawag naman ni Christian sa kanya ngunit tila ba napakalalim ng iniisip nito kaya hindi siya napansin. “Justin,” ang muli niyang pagtawag.
“Kinakausap mo ba ako?” ang tanong naman ni Justin nang matauhan siya.
“Oo,” ang tugon ni Christian. “Gusto ko lang malaman kung yayaman ba ko sa future.”
“Mukha ba akong manghuhula?” ang tukso naman ng lalaking kausap niya.
“Ay,” ang reaksyon naman ni Christian, tanda ng kanyang pagkadismaya. Kaagad namang napakunot ang kanyang noon ang may mapagtanto. “Galing ka kaya sa hinaharap. Hindi ba dapat alam mo na agad ang sagot?”
“Alam ko pero hindi ko sasabihin,” ang komento naman ni Justin. “It’s up to you to discover.”
“Killjoy,” ang komnento ni Christian sabay tupi ng kanyang mga kamay. “Sandali. Maghahanap nga pal ako ng damit na maipapaheram sa’yo,” paalam naman nito bago nagtungo sa aparador at naghanap ng damit. “Heto,” ang wika niya bago may hinugot at inabot kay Justin. “Medyo malaki sa akin ang pantulog na ‘yan. Sa tingin ko naman ay magkakasya sa’yo.”
“Salamat,” ang pasasalamat naman ni Justin bago ito kinuha. Papalabas naman ito ng silid.
“Saan ka pupunta?” ang tanong naman ni Christian.
“Sa banyo,” ang tugon naman ni Justin. “Doon na lang ako magbibihis.”
“Ha? Dito na,” ang bilin naman ng isa. “Magtataka si Mama na alam mo agad ang pasikot-sikot sa bahay namin. Matanong pa naman ‘yon.”
“Sa bagay,” ang pagpayag naman ni Justin. Tumalikod naman si Christian at hinayaang makapagbihis ang kanyang bisita. Kahit na baa lam niyang galing ito sa hinaharap ay kakaiba pa rin sa pakiramdam na may ibang tao sa kanyang silid.
“Sabihan mo na lang ako kapag natapos ka nang magbihis,” ang bilin naman ni Christian habang nakatitig sa isang poster na nakapaskil sa isa sa mga pader ng kanyang silid. Isa itong poster ng knayang paboritong Korean male Idol group. Palagi niyang pinapakinggan ang kanilang awitin na hindi naman niya napagsasawaan.
“Tapos na akong magbihis,” ang saad naman ni Justin. “Kaya naman napatingin sa kanya si Christian. “Gusto mo na rin bang magpalit ng damit?’
“Mamaya-maya siguro,” ang wika naman ni Christian. “Gusto ko pang magpahinga ng kahit saglit lang. Nakakapagod ang araw na ito.”
“Sige,” ang nakangiti namang tugon ni Justin. Kapwa naman sila natigilan nang may kumatok sa pinto. Kaagad namang tumayo si Christian at binuksan ang pinto. Tumambad naman sa kanilang dalawa ang kanyang ina.
“Nakaganda na ang hapunan,” ang wika ng kanyang ina. “Kumain na muna kayo bago niyo simulant ang proyektong kailangan niyong gawin.”
“Sige po,” sagot naman ni Christian. “Justin, mauna ka na. Magbibihis na lang din muna ako.”
Tumango naman si Justin at sumunod sa kanyang magiging lola sa hinaharap. “Anon ga pala ang pangalan mo?” tanong sa kanya ng in ani Christian.
“Justin po,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
“Justin?”
“Uhmm, Valdez po,” ang tugon naamnn niya.
“Justin Valdez,” ang pag-uulit naman ng matanda. “Maupo ka na. Pasensya ka na at ito lang anag nakayanan. Hindi kasi nagpasabi si Christian.”
“Wala pong problema,” ang tugon ni Justin. “Pasensya na rin po at wala rin pong pasabi ang pagpunta ko rito ngayong gabi.”
“Walang kaso sa akin ‘yan. Basta sa pag-aaral ni Christian ay palagi akong nakasuporta. Taga saan ka nga pala? Dito lang din ba sa Baguio?”
“Opo,” ang tugon naman ni Justin.
“Saan banda?” ang sunod naman na tanong ni Marites, ang ina ni Christian.
“Sa San Luis po.”
“San Luis!” ang bulalas ni Marites. “Kaano-ano mo sila Isadora Valdez na taga-San Luis din?”
“Hindi ko po siya kakilala,” ang tugon namn ni Justin. “Hindi po kasi ako masyadong naglalabas ng bahay kaya naman wala rin po akong masyadong kakilala maliban na lamang sa aking pamilya.”
“Ganun ba? Kapareho mo ang anak ko. Madalang na nasisinagan ng araw. Palagi ko na ngang tinutukso na baka maging bampira na siya kapag hindi pa siya lumabas,” kuwento pa ni Marites. Nakangiti namang nakikinig sa kanya si Justin. Masaya ang binata dahil muli niyang narinig ang tinig ng babaeng kausap niya ngayon. Sa hinaharap kasi ay wala na ito at binawian na ng buhay dahil sa isang sakit. Nakikinig siya upang masulit ang pagkakataong marinig ang tinig ng maghalagang babae sa kanyang harapan kahit na hindi naman niya talag pinagtutounan ng pansin kung anong sinsabi niya. “Palagi kasing bahay-eskwela ang routine ni Christian. Nagpapasalamat ako walang ginagawang kahit na anong kalakohan ang aking anak pero nag-aalala rin ako na baka wala siyang kaibigan.”
“Huwag po kayong mag-alala,” ang wika ni Justin. “Madalas nga pong tahimik lang si Christian pero wala naman pong problema sa kanya ang pakikipaghalubilo. May ilang kaibigan din po siya sa pinapasukan namin.”
“Mabuti naman kung ganun,” ang wika ni Marites, tila ba naalisan siya ng pinapasan nang marinig ‘yon mula kay Justin. “Pero Justin, maaari bang makahingi ako ng pabor?”
“Wala pong problema,” ang tugon niya. “Ano po ba ‘yon?”
“Pakibantay-batayan mo na lang ang anak ko.”
Tumango naman si Justin. Isa ‘yon sa dahilan ng pagtungo ni Justin sa nakaraan, upang bantayan si Christian at masiguradong makakatuyan niya si Jester. Ito ang kanyang misyon.
“Anong pinag-uusapan niyo?” ang tanong ni Christian na ngayon ay nakapagpalit na. Naupo naman siya sa tabi ni Justin. “Ma, baka ako an naman ang ginawa niyong topic ng tsimisan niyo.”
“Grabe ka sa akin,” ang komento naman ni Marites, “Sinasabi ko lang naman kay Justin an wala kang masyadong kaibigan na pinapakilala. Osiya, kuamian na tayo.” Sa hudyat naman ni Marites ay sinimulan na nga nila ang pagsasalo-salo. “Justin, tagasaan nga pala ang mga magulang mo?”
“Tubong Tarlac po sila,” ang tugon naman ni Justin habang sinsalinan ang nakahandang mangkok ng sinigang sa miso.
“Nakapunta na ako roon minsan,” ang saad ni Marites. “Sa palaisdaan ba ‘yun? Basta maganda. Naalal ko may restawrant pa ngang makikita roon.”
“Opo, mayroon nga,” pagkumpirma ni Justin.
“Ano anmng ginagawa ng mga magulang mo?”
“Isa pong lawyer ang aking tatay samantalang isang doktor naman po ang nanay ko.”
Kapwa naman namangha sila Christian at Marites. Kaagad na napaisip si Christian. Magiging anak niya sa hinaharap. Ibig sabihin ba nito ay magiging siyang doktor? “Paano mangyayari ‘yun?” tanong niya sa kanyang isipan. Napakalayo naman kasi ng kursong kanyang kinukuha sa naging career niya sa hinaharap.
Marami pang naging katanungan si Marites kay Justin habang kumakain sila. Game na game din namang sumagot si Justin sa lahat ng kanyang katanungan. Kahit paano ay may natutunan din naman si Christian sa kanyang magiging anak sa hinaharap.
Pagkatapos naman ng kanilang hapunan at kuwentuhan ay nagtungo sila Christian at Justin sa silid.
“So, anong proyekto ang gagawin natin?” ang tanong naman ni Justin.
“Oo nga pala,” ang reaksyon ni Christian bago napa-isip. “Wala akong maisip.”
“May mga assignments ka bang kailangang gawin?” ang sunod namang tanong sa kanya ni Justin.
“Meron pero kaya namang tapusin agad,” ang tugon naman ni Christian.
“Kung ganoon ay tuturuan na lang kita.”
“Ng alin?”
“College Algebra,” ang sagot ni Justin. “Hindi ba ‘yon ang kahinaan mo?”
“Kailangan ba talaga?” ang reklamo ni Christian. “Iniisip ko pa lang ay nahihilo na agad ako.”
“Huwag ka nang magreklamo,” ang komento ni Justin bago nagpamewang. “Gusto mo bang mapagilatan ni Mama Marites? Paniguradong mapapagalitan tayo kapag nakita niyang wala pala tayong ginagawa.”
Napabuntong-hininga naman si Christian. “Gagawin ko na lang ang mga assignment na binigay sa akin ng mga Professor ko,” komento niya bago kinuhan ang kanyang bag sa gilid ng mga study table. Binuksan naman niya ‘yun at inilabas ang mga laman nito kabilang na ang mga pagkaing binigay ni Justin sa kanya kanina sa University Library.
“Ikaw? Anong balak mong gawin?” ang tanong naman ni Christian nang maihanda ang mga gagamitin niya sa kanyang pag-aaral. “Baka gusto mong gawin ang iba?”
“Kaya mo na ‘yan,” ang tugon naman ni Justin bago kumuha ng libro at hinila ang isa pang upuan at naupo roon. Nakita naman ni Christian na sinumulan ni Justin ang pagbabsa ng isa sa mythology books niya.
“Kahit na hindi ako nagsilang sa’yo,” ang pagsisimula naman ni Christian. “Mabuti naman at nahilig ka rin sa mythology.”
Napangiti naman si Justin. Marami kang tinuro sa akin tungkol dito,” ang paliwanag naman ni Justin.
“Naalala ko nga pala ‘yung sinabi mo kanina,” ang saad ni Christian.
“Tungkol saan?” ang tanong naman niya pabalik. Hindi niya kasi alam kung anong tinutukoy ni Christian.
“Yung tungkol sa mga magulang mo,” ang paliwanag naman ni Christian. “Totoo ba na magiging doktor ako sa hiharap?”
Natigilan naman si Justin na tila ba may napagtanto. “Uhm, Oo, magpapatuloy ka kasi sa pag-aaral.”
“Ganun ba? Parang hindi naman ako,” ang wika ni Christian. “Sa totoo lang ay tinatamad din akong mag-aral pero kailangan kong pagbutihin ang lahat ng ginagawa ko para kay Mama. Ayokong madismayado siya sa akin lalo na’t nag-iisa niya rin lang akong anak.”
“Naiintindihan ko,” ang tugon ni Justin. ‘Kaya nga hindi ka rin nagkulang sa pagpapaalala sa akin tungkol sa pag-aaral.” Ngumiti naman si Christian. “Pero sa ngayon ay huwag mo na muna akong daladalan at simulan mo na ang mga gawain mo.” Napasimangot naman si Christian sa kanyang narinig.
Wala namang ibang nagawa si Christian kundi ang sundin si Justin.
“Siyanga pala,” ang pagbasag ni Christian sa katahimikan habang nagsusulat siya ng isang sanaysay. Napatingin naman siya kay Justin na talaga namang nakatutok sa kanyang binabasa. “Justin?” ang pagtawag niya sa kanya. “Justin!”
“Yes, ma—” natigilan naman si Justin sa kanyang sasabihin at napatitig sa kanya. “Mama. Bakit po?”
“Mama ka diyan!” ang reaksyon naman ni Christian. “Hindi ba pinagsabihan na kita na huwag mo akong tawaging ganyan?”
“Pasensya na,” ang paghingi naman ng paumanhin ni Justin. “Nakaligtaan ko na nasa nakaraan nga pala ako. Anon ga pala ulit yung sinasabi mo?”
“May gusto lang akong itanong,” tugon naman ni Christian.
“Tungkol saan naman?”
“Itatanong ko lang kung anong balak mong gawin,” ang tanong ni Christian. “Kung paano mo gagawin na magkatuluyan kami ni Jester.”
“Masyado pang maaga para tanungin mo ang tungkol sa bagay na ‘yan,” komento ni Justin. “Pero para madsagot ko ang tanong mo, heto.” Pinakita naman ni Justin ang suot niyang relos. “Huwag kang mag-alala. Sasabihan kita kung anong dapat gawin sa tamang oras at sa tamang panahon.”
Hindi naman na tumugon si Christian at napatango na lamang. Kaagad naman niyang naalaala ang mga pagkaing binigay sa kanya ni Justin. Dumampot naman siya ng isa at binuksan ang pakete ng paborito niyang potato chips bago bumalik sa kanyang pagsusulat. Pinagmasdan naman siya ni Justin habang abala itong nagsusulat at kumakain. Natigilan naman si Christian nang maramdaman niya ang pagtitig ng taong kasama niya.
Napalingon naman siya sa direksyon ni Justin. “Ah, pasensya na,” ang paghingi naman niya ng paumanhin. Dinampot naman niya ang pakete ng potato chops at inalok ito kay Justin. Itinulak naman ‘yun ni Justin papalapit kay Christian.
“Hindi na,” ang pagtanggi naman niya. “Paborito mo ‘yan.”
“Paborito ka nga ito,” ang pagkumpirma ko naman. “Pero huwag klang mag-alala. Masasabi ko na itong brand na ito ngayon ay hindi nagbago kahit sa hinaharap. Marami naman akong mabibilhan nito.
“Sa bagay,” ang tugon ni Justin bago tuluyang kinuha ang pakete at kumuha ng ilang piraso bago pinagpatuloy ang pagbabasa tungkol sa alamat ng bulaklak ng mirasol.
Isang kuwento ng pag-ibig na matapat at handang magbigay.
Napangiti naman siya at napasulyap kay Christian.
Ilang oras pa ang kanialng ginugol sa kanilang mga gawain.
“Natapos din,” ang bulalas ni Christian nang matapos siya sa kanyang ginagawa. “Justin, gusto mo bang manood ng movie?”
“Anong movie naman?” ang tanong naman ni Justin pabalik.
“Gusto ko ng horror!” ang excited namang wika ni Christian.