Chapter Six

1685 Words
“Pasasalamat dahil?” ang nagtatakang tanong ni Christian. “Para saan?” “Dahil naging mabuti ka sa akin sa hinaharap,” ang paliwanag ni Justin. “At kung sakaling hindi na muli tayong magkita, mayroong bagay na mag-uugnay sa ating dalawa.” Hindi naman naiwasan ni Christian an makaramdam ng kalungkutan sa kanyang narinig. Hindi pa man din sila nagiging malapit ng kanyang magiging anak sa hinaharap ay nakaramdam na siya ng lungkot sa posibilidad na hindi na nga sila muling magkikita. “Pangako,” ang pagsisimula naman ni Christian. “Hahanapin kita sa hinaharap, Hindi ko hahayaan na mag-isa ka lang. Ako, ikaw, at si Jester; magsasama-sama tayong tatlo.” Ngumiti naman si Justin at ngumiti. “Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka.” “Napakasuwerte ko namang magiging magulang sa hinaharap,” ang saad ni Christian. “Napakabuti mong anak.” “M-may gusto ka pa bang bilhin?” ang tanong naman ni Justin. “Bago tayo magkaiyakan dito,” ang biro niya pa. “Wala naman,” ang tugon ni Christian sabay tingin sa paligid. “Nakaugalian ko lang talagang dumaan dito pagkatapos ng klase ko tuwing Biyernes. Hindi ko alam pero ang mga libro at mga stationaries dito; para bang pinapagaan nila ang pakiramdam ko.” “Alam ko,” ang saad naman ni Justin sabay dampot ng isa sa mga libro sa estante at aktong babasahin ang mga salitang nasa likuran nito. “P-paano mo nalaman?” ang nagtataka namang tanong ni Christian sa kanya. “Ah, palagi mong naikwekwento sa akin,” ang tugon naman ni Justin bago ibinalik ang libro.  “Palagi kang… nagkuwekuwento tungkol sa mga panahong nag-aaral ka pa. Binibigyan mo rin ako ng sandamakmak na payo.” “Strict ba ako?’ ang tanong ni Christian. Nagsimula anamns iloang maglakad paikot ng book store. “Uhm, hindi naman. Binibigyan mo ako ng kalayaang gawin ang mga bagay na gusto ko,” ang tugon ni Justin. “Pero nagiging halimaw ka kung pag-aaral na ang pinag-uusapan,” tukso ni Jiustin sabay tawa. Napasimangot naman si Christian. Kapwa naman sila natigilan nang may makita si Christian sa isa sa mga display stand doon, isang set ng mga makukulay na panulat. Hindi anman maiwasan ni Justin ang mapangiti. Batid niyang isa sa mga bagay an ginagawa ni Christian ay ang mangolekta ng ganoon. “Ang ganda,” ang saad ni Christian habang nakatitig pa rin sa mga panulat. Napailing naamn siya nang matauhan bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Ilang minuto pa nga ang kanilang ginugol sa pagtingin ng mga kung anu-ano sa llob ng book store. Linggo-linggong ginagawa ni Christian ang bagay na ito ngunit hindi naman siya nagsasawa sa paulit-ulit na ginagawa. “Kailangan ko nang umuwi,” ang saad naman ni Christian. “Puwede ba akong sumama?” ang paalam naman ni Justin. “Ha?!” ang gulat na reaksyon ni Christian. “Bakit?” “Gusto ko lang makita ang bahay niyo,” ang tugon ng isa. “Hindi puwede,” ang pagtanggi ni Christian. “Ano na lang sasabihin ng nanay ko kapag inuwi kita?”  “Puwede mo naman akong ipakilala bilang isang kaibigan o kaklase. At may gagawin tayong proyekto.” Natigilan naman si Christian dahil hindin niya naisip ‘yon at may punto naman si Justin. “Hindi mo ba kailangang bumalik sa hinaharap?” ang pag-uusisa niya. “Puwede naman akong manatili rito ng ilan pang oras.” “Sige, ikaw ang bahala,” pagsuko ni Christian. “Halika na.” “Saan ka pupunta?” “Anong saan ako pupunta? Uuwi na.” “H-hindi pa nababayaran ‘yan,” tugon naman ni Justin sabay turo sa librong hawak ni Christian. “Oo nga pala!” bulalas naman ng isa bago inabot kay Justin ang libro. Nagtungo naman silang dalawa sa cashier. Nagulat naman si Christian nang makitang ipinatong din ni Justin ang isang set ng panulat na minataan ni kani-kanina lamang. “Isa pang regalo para sa’yo,” ang nakangiting saad ni Justin. “Ha? Para saan naman?” “To spoil you for the last time,” ang wika naman ni Justin sa kanyang isipan. “Hayaan mo na lang ako. Heto.” Nag-aalangan man ay kinuha ni Christian ang paperbag na lulan ang pinamili ni Christian. “Habang papunta tayo sa paradahan mo ay bakit hindi tayo bumili ng paborito ni Ma—lola na kutsinta.” “Magandang ideya!” ang maligalig an pagpayag ni Christian. “Paniguradong matutuwa ‘yun. Nakakatuwa naman na may isang tao na nakakakilala sa’yo. Ganito pala ang pakiramdam, para akong may personal assistant. Siya nga pala, maraming salamat dito,” pasasalamat niya sabay pakita sa hawak niyang paper bag. Ngumiti naman si Justin sabay tango. Nang makabili silang dalawa ng kakaning ibibigay nila sa ina ni Christian ay nagtungo sila sa paradahan. “Hala, medyo mahaba ang pila,” usal ni Christian nang makita nga ang mahabang pila sa terminal ng jeep. ‘Magagabihan na talaga ako.” Napatingin naman siya sa kasama niya nakamasid din sa ibang tao. “Justin,” ang pagtawag niya rito. “Hmm?” ang reaksyon ng isa sabay tingin sa kanya. Napasulyap naman si Christian sa suot na relo ni Justin, ang relong ginagamit ni Justin upang maglakbay sa pagitan ng mga panahon. “Puwede ba nating gamitan ‘yan para makauwi agad?” “Ma—Chris—Mom.” Kahit siya ay nalilito na kung ano ba dapat ang kanyang itatawag sa taong pinuntuhan niya. “Christian na lang,” ang wika naman ng taong kausap niya. “Utang na loob, hwuwag mo akong tawaging Mom, baka may makarinig sa’yo at ano pang isipin nila.” “Sige,” ang simpleng pagpayag ni Justin. “Ano na nga ba ulit ang sasabihin ko?” “Yong tungkol sa relo,” ang pagpapa-alala ni Christian. “Oo nga pala. Ginagamit ko ito sa paglakbay sa iba’t-ibang panahon,” ang pagsisimula ni   Justin. “Hindi ko maaaring gamitin ito sa pagpunta sa ibang lugar sa parehong oras. Walang function na ganoon ang relong ito. May ibang relo para roon.” “T-talaga?!” ang namamangha namang reaksyon ni Christian sa kanyang narinig. “Oo. Magiging mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya sa hinaharap kaya naman hindi na rin ganun kahirap ang mga bagay na halos imposible ngayon.” Napatango naman si Christian. Nanghihinayang siya na hindi puwedeng gamitin ang relo ni Justin sa gusto niyang mangyari. “Mukhang wala tayong ibang magagawa kundi ang pumila ng matagal-tagal.” “Bakit hindi mo simulang basahin ang librong ibinigay ko sa’yo?” ang suhestyon naman ni Justin. “Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Christian. “Eh, paano ka? Anong gagawin mo habang naghihintay tayo?” “Hmm,” ang reaksyon naman ni Justin. Napaisip siya. “Gusto kong makinig ng mga awitin sa phone mo.” “Sigurado ka?” tanong naman pabalik ni Christian. “Paniguradong naluma na ang mga kantang suo ngayon sa panahon mo.” “Ayos lang,” saad ni Justin. “May mga kanta namang gusto ko ring mapakinggan.” “Osiya, ikaw ang bahala,” ang saad naman ni Christian bago inabot kay Justin ang kanyang phone. Nagsimula namang magbasa si Christian samantalang si Justin naman ay kinalikot ang phone ni Christian. Ilang minuto ang ginugol nila sa kanilang pagpapalipas ng oras habang hinihintay na makasakay sila sa jeep. “Sunod,” ang anunsyo ng barker; napalingon naman si Christian. Sila na nga ang susunod na sasakay. Tinapik niya si Justin na napatingin naman sa kanya at napatango. Sumunod naman ito sa kanya. “Ilan?” ang tanong ng barker. “Dalawa pong estudyante,” sagot ni Christian sabay abot ng bente. Magkasunod naman silang sumakay sa jeep nang makuha naman ni Christian ang sukli sa ibinayad na bente.  Sa jeep naman ay ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang sinimulang gawin. Na-hook si Christian sa kanyang binabasang nobela patungkol sa isang kaluluwang palipat-lipat ng katawan bawat araw na nahulog ang loob sa isa sa mga nakadaupang-palad niya habang nasa isa sa mga katawan ng iba.   “Manong, para po sa tabi!” ang malakas na saad ng isa sa mga pasahero. Natigilan naman si Christian nang tapikin ni Justin ang kanyang balikat. “Narito na tayo,” wika naman nito sa kanya. Napatingin naman si Christian sa labas ng bintana at nakita ang pamilyar na landmark kung saan siya bumababa, isang sari-sari store. “Narito na nga tayo,” ang pagkumpirma ni Christian bago mabilisang inayos ang kanyang gamit at bumaba ng jeep. Napatingin naman si Justin sa paligid. May kakaibang ngiting naka-ukit sa kanyang mga labi. “Tara na,” ang pagtawag ni Christian. Sinundan naman siya ni Justin papasok sa isang apartment complex. Pumasok sila ng isang pulang gate paakyat nang malagpasan ang sari-sari store na nasa mismong gusali. Nasa pangalawang palapag ang unit kung saan rumerenta si Christian at ang kanyang inang hiwalay na sa kanyang ama. Kumatok naman si Christian nang matapat sa isang pinto. Hindi naman nagtagal ay nagbukas ito. “Christian, nakarating ka na pala,” ang wika ng isang malamig na boses ng isang babae, ang ina niya. “May ginawa lang na project, Ma,” ang pagrarason ni Christian. “Siyanag pala, may kasama po ako. Justin, pasok ka.” Magkasunod namang pumasok ang dalawa. “Good evening po,” ang pagbati ni Justin ang makita ang nanay ni Christian. “Pasensya na po kung pumunta ako rito nang walang pasabi. Maya kailanagn po kasi kaming gawing proyekto,” kaagad niyang paghingi ng pasensya at pagdadahilan. Napatitig naman sa kanya ang ina ni Christian ng ilang segundo. “Ah, ganun ba?” sa wakas ay ang reaksyon niya. “Walang problema. Nakakatuwa nga at nag-uwi si Christian ng kaibigan. Madalang niya kasi itong gawin. Ano nga ulit ang pangalan mo? “Justin po,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “Ma, pupunta na muna kami sa kuwarto ko nang makapagbihis kami,” ang saad ni Christian bago hinila si Justin papasok sa isang silid malapit sa kanilang kinalalagyan  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD