Chapter Five

1598 Words
Tinitigan niya ang bawat jeep na napapadaan. Ang lahat naman ay patungo sa Baguio City ngunit isang ruta lang naman ang kailangan niyang sakyan. Habang hinihintay ang tamang jeep ay napatingin siya sa paligid. Napalingon siya nang makarinig ng isang pamilyar na boses. “Bukas ulit, bro!” ang wika ng tinig. At kilalang-kilala niya kung kanino ito. Awmatiko namang napangiti si Christian. Tila ba nasa isa siyang pelikula kung saan bigla na lamang naging slow motion ang paligid niya. Nakatitig lang naman si Christian kay Jester habang naglalakad ito at nakkikipagharutan sa mga kaibigan nito. Katatapos din siguro ng klase niya kaya naman nahuli rin ito sa pag-uwi. Dalawang taon. Ganito pa katagal ang naging paghanga ni Christian kay Jester. Ngunit paano nga ba nagsimula ang naging paghanga niya sa binata? Dalawang taon na ang nakalilipas nang dumaan si Christian sa College of Arts and Sciences nang minsan ay patungo ito sa una nitong klase sa gusaling ‘yun. May tarpaulin na nakasabit sa harapan ng gusali kaya natigilan siya at napatingin. Listahan ito ng mga kasali sa isang pageant na in-organisa ng koleyong ‘yun bilang paghahanda sa nalalapit na University Intramurals. Sa okasyong ‘yun ay kinakailangang magpadala ng bawat koleyo ng dalawang representante sa Mister and Miss Benguet State University. Sa bawat pangalan na nakaroon ay nakalagay din ang mga larawan ng mga estudyanteng maglalaban-laban sa pageant. Isang mukha ang nakaagaw sa kanyang mga mata kaya anman napatingin din ito sa pangalang nakalagay sa ibaba ng larawan; Jester Song Bautista. Napaka-simple ng kanyang pangalan; it sounds weird pero may kakaiba rin itong dating na hindi niya maipaliwanag. This Jester guy has really expressive eyes. Though he looks awkward sa larawan niya, makikita pa rin ang kagandahang lalaki nito. Nang makontento siya sa pagtingin ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa entrance ng College of Arts and Sciences. Papasok na siya na ngunit bigla namang lumabas ang taong tinititigan niya kani-kanina lang sa tarpaulin. Yes, it’s Jester. Natigilan naman ito at napangiti nang makita siya. Nagsimula pa itong kumaway. “K-kilala niya ako?” ang tanong ni Christian sa kanyang sarili. Iaangat na sana niya ang kanyang kamay upang kumaway pabalik ngunit may tinig na tumawag kay Jester. Madalian naman niyang binaba ang kanyang kamay. May estudyanteng linagpasan siya at kaagad na nilapitan si Jester. Muntikan na siyang mapahiya pero dalawang bagay ang tumatak sa kanya, ang nakakasilaw na ngiti ni Jester, at ang kanyang mga mata. Simula ng araw na ‘yun ay tila ba pinaglaruan na sila ng tadhana. Sa bawat lugar na naroon si Christian ay nakikita niya rin si Jester tulad na lamang kapag nagpupunta ito sa Canteen sa College of Home Economics. O kaya naman magpupunta ito sa Library para gumawa ng kung anu-ano o magpalipas ng oras. Napakalawak ng kanilang Pamantasan kaya naman ang palaging pagpapakita ni Jester kay Christian ay isang bagay na halos imposible. Mas lalo pa itong humanga sa kanya nang mapanood nga sa Mister and Miss Benguet State University at nanalo sa pageant na ‘yun. Jester is a living embodiment of being perfect. At bakit hindi? May itsura, matalino, talentado, at aktibo rin sa sports. Dumating naman ang pagkakataon na sa wakas ay nagkausap silang dalawa. Sa isang minor subject ay naging magkaklase silang dalawa at doon nan ga tuluyang nahulog ang loob ni Christian. Hindi man sila palaging nag-uusap ay masasabi ni Christian na marami ngang magagandang katangian si Jester. “Uy, ikaw pala,” ang saad ng isang boses na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napatingin siya sa mukha ni Jester. “Pauwi ka na?” “H-ha?” ang nauutal namang reaksyon ni Christian. Narinig niya ang tanong ni Jester ngunit tila ‘yon lang ang salitang kaya niyang sambitin ngayong kaharap niya ngayon si Jester. Napangiti naman ang isa. “Tinatanong ko kung pauwi ka na,” ang nakangiti naman niyang pag-uulit. “Ah, oo,” ang tugon naman ni Christian sabay kamot ng ulo. “Naghihintay lang ako ng jeep.” “Sa Bokawkan ako sasakay,” ang saad ni Jester tungkol sa ruta nng jeep na kailangan niyang sakyan. “Ikaw ba? Aling jeep ang sasakyan mo?” “Sa Bokawkan din,” ang sagot ni Christian. “Ayan. Tamang-tama, may parating,” ang wika ni Jester habang nakaabang sa paparating na Jeep. Napatingin naman si Christian sa nakalagay na maliit na sign board sa bintana, Bokawkan nga ang nakalagay. Pinara naman ito ni Jester. “Halika na.” Magkasunod namang sumakay ang dalawa sa jeep. Hindi mapakali si Christian sapagkat katabi niya ngayon sa loob ng jeep si Jester. Napailing siya bago buksan ang kanyang bag at hinanap ng kanyang wallet. “Dito na,” ang saad naman ni Jester habang nakangiting ipinakita sa kanya ang hawak niyang bente pesos. “A-ah, salamat,” ang nauutal pa ring wika ni Christian. Halos sumpain niya ang kanyang sarili sa biglaang pagbaluktot ng kanyang dila. Isang bagay na nagaganap lamang kapag nasa harapan niya si Jester. Nagkatitigan naman ang dalawa nang iabot sa kanya ni Jester ang kanilang pamasahe sa jeep. Ibinagay naman ni Christian ang bente pesos sa katabi nito. “Bente?” ang tanong ng jeepney driver nang makuha ito. “Manong, dalawang Baguio,” malakas namang tugon ni Jester. “Estudyante.” Hindi naman na hinintay ni Jester ang sukli. Sakto lang ang kanyang binayad dahil sampung piso bawat estudyante ang singil sa kanilang pinagsakyan. Ibinaling naman niya ang kanyang tingin kay Christian. “Anon a nga ulit ang pangalan mo?” tanong nito. “Pasensya na hindi ko kasi maalala. Christopher, hindi ba?” “Christian,” ang pagtatama naman ng isa. “Ah. Malapit na rin,” ang tumatawang reaksyon ni Jester. “Anyway, ako nga pala si Jester. Baka hindi moa ko naaalala pero naging magkaklase tayo sa isa sa mga minor subjects dati.” “Naaalala kita,” ang kumpirma naman ni Christian sabay ngiti. Napatango naman si Jester bago nagsuot ng headphones at nakinig ng musika sa kanyang hawak na smart phone. Ginaya naman ni Christian ang kasama at pasimpleng ngumiti dahil sa tinatagao niyang saya ngayon. Hindi lang niya nakita ngayong araw si Jester, nakausap na nga niya ito, nakatabi niya sa jeep at nanalibfre pa ng pamasahe. Para siyang naka-jackpot ngayong araw. Habang nakikinig ng musika sa kanyang smart phone ay naalala niya ang nabanggit ni Justin patungkol kay Jester. Ayon sa kanya ay tatandang mag-isa at mlungkot si Jester. Ang tanong niya sa kanyang sarili ay bakit? At paano nangyari ‘yon? Napakaperpekto ni Jester kaya anamn hindi niya maintindihan ang nakatakdang maganap sa hinaharap. Marahil ay tama nga si Justin… na deserve ni Jester na maging masaya sa hinaharap. Pagkalipas ng halos kalahating oras ng pagsakay ng Jeep ay nakarating na sila sa mismong babaan ng mga pasahero, sa tapat ng Baguio City Hall at katabi ng Rizal Park. Magkasunod naman silang bumaba. “Ingat ka sa pag-uwi, Christian,” ang bilin naman ni Jester sa kanya bago kumaway at naglakad palayo. “I-ikaw din,” ang tugon naman ni Christian at nagsimulang kumaway. Pinagmasdan niya si Jester hanggang sa mawala na nga ito sa kanyang paningin. Nagsimula namn siyang maglakad patungo sa kabilang direksyon. Ilang minuto ng paglalakad pa bago siya makarating sa paradahan ng jeepney na maghahatid sa kanya sa mismong tirahan niya. Natigilan naman ito nang makita ang malapit na book store. Nakaugalian na nitong bisitahin ito at magtingin ng mga libro o stationary kahit na wala naman siyang balak bilhin. Pumasok siya sa book store na ‘yun at dumeretso sa mga libro. Isa-isa niyang tinignan ang mga titulo ng mga librong naka-display. Paminsan-minsan ay manghihila siya ng isa sa mga libro at babasahin ang mga nakalagay sa likuran nito. “Sigurado akong magugustuhan mo ito,” ang komento naman ng isang tinig bnago hinila ang isang libro mula sa estante. Napatingin naman si Christian. “J-Justin,” bulalas naman nito sa biglaang pagsulpot ng kanyang anak sa hinaharap. “Hi, Mom,” ang pagbati naman sa kanya ni Justin. Ipinakita naman niya ang book cover ng hawak niyang libro. “Alam kong mahilig ka sa drama kaya magugustuhan mo ito.” Napatingin naman si Christian. Isa itong libro ng manunulat na si John Green na nagkaaroon ng pelikula. Hindi pa ito napanood ni Christian at lalaong hindi niya pa nababasa ang orihinal na libro nito. “Bakit ka nawala kanina? Para akong tanga na hinahanap ka sa harapan ni Mark,” ang reklamo ni Christian. “Pasensya na pero mas makabubuti kung ang pagkikita at pag-uusap natin ay mananatiling sekreto.” “Bakit naman?” ang naguguluhang tanong ni Christian. “Dahil ‘yun ang makakabuti sa ating dalawa sa hinaharap,” ang seryoso namang sagot ni Justin. Napakibitbalikat naman ang isa at muling ibinaling ang tingin sa librong kanyang jhawaak. “Magkano ba ‘yan?” ang pag-iiba ni Christian sa usapan sabay kuha ng libro sa kamay ni Justin. Tinignan niya ang price tag na nakadikit dito. “Masyadong mahal,” ang komento niya sabay balik ng libro sa estante. Kaagad namang kinuha ‘yun ni Justin. “Ako na ang bibili nito para sa’yo,” alok nito. “Talaga?” ang tanong ni Christian kasabay ng pagliwanag ng kanyang mga mata sa naging alok ni Justin. “Pero nakakahiya.” “Isipin mo na lang na regalo ko ito bilang pasasalamat,” ang wika ni Justin. “Pasasalamat dahil?” ang nagtatakang tanong ni Christian. “Para saan?” “Dahil naging mabuti ka sa akin sa hinaharap.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD