Chapter Four

1705 Words
“Siguro naman ay naniniwala ka na sa akin,” ang komento ni Justin habang nakamasid pa rin kay Christian. Napahinto si Christian sa pagkain at napatingin sa kanya. “Nahihirapan pa rin akong paniwalaan ang mga pinagsasabi mo,” ang komento ni Christian. “Pero lahat ng prediksyon mong mangyayari ngayon ay nagkatotoo. Pati na rin itong mga dal among uannag beses ko lamang nakita. Alam ko ang mga kinakain ko kaya…” Dinampot naman ni Christian ang isa sa mga pakete sa mesa. “Itong-ito nga ang lasa ng paborito kong potato chips.” “So?” ang tanong naman ni Justin sa kanya kahit na alam naman na nito na naniniwala na ang isa. “Oo na,” ang pag-amin naman ni Christian. “Naniniwala na ako sa’yo.” “Mabuti naman,” ang tugon ni Justin sabay ngiti. “Pero may isa pa akong tanong,” ang pahabol naman sa kanya ni Christian. “Okay lang na magtanong?” ang paalam pa nito. “Sige,” ang pagpayag ni Justin. “Ano ba ‘yon?” “Ang sabi mo ay nanggaling ka ng hinaharap,” ang pagsisimula naman ni Christian. “Anak kita sa hinaharap, tama?” Tumango naman si Justin. “Bakit mo ka ng aba ulit bumalik sa nakaraan at bakit gusto mong kami ni Jester ang magkatuluyan?” “Ang alam ko ay nabanggit ko ang tungkol dito kahapon,” ang komento naman ni Justin. “Hindi na ako nagtaka na makakalimutin ka kahit na sa hinaharap.” Napasimangot naman si Christian at tinitigan ng masama si Justin na tumawa naman sa kanyang nasaksihan. “Some things really don’t change,” ang wika ni Justin sa kanyang sarili habang nakangiting nakatingin kay Christian. “Hay naku,” ang saad naman ni Christian. “At nagawa mo pa akong laitin. Ganyan ka bas a akin sa hinaharap? Sinasagot mo ang nanay mo? Paniguradong makakarinig ka ng panenermon galing kay Mama kung nakita niya na ganyan ako kausapin ng anak ko.” “Pasensya na po,” ang sarkastiko namang paghingi ng paumanhin ni Justin. “Napakabata niyo po kasing tignan kaya hindi ko maiwasang kaswal lang na makipag-usap sa inyo.” “Ano ba ‘yan? Kinakalibutan ako,” komento ni Christian. “Huwag mo na akong gamitan ng po. Tsaka na lang.” “Sige po,” ang tugon ng kanyang kausap. “Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Tulad nga ng sinabi ko kahapon, nagbalik ako mula sa hinaharap para pigilan ang nakatakda mong pakikipagkita sa taong hindi nararapat sa’yo at ibahin ang agos ng tadhana.” “Bakit? Ano bang eksaktong nangyari sa hinaharap?” ang sunod na tanong ni Christian. “Nahulog ka lang sa isang taong iniwan ka mag-isa,” ang tugon naman ni Justin. “Magtiwala ka kung sasabihin kong mas nararapat ka sa ibang tao. Magiging isang matagumpay na tao si Jester pero… kapalit noon ay ang hindi niya paghanap ng katuwang sa buhay. Tumanda siyang mag-isa at malungkot. He’s a nice person. I guess her deserves to be happy, too. Deserve mo ring sumaya na kasama siya.” Justin flashed one of the brightest smiles Christina has ever seen. Tila ba nasilaw ito sa ngiting ‘yun. Kumbinsido naman ang binate na isang mabuting taong nagpakita sa kanya. “Christian!” ang pagtawag ng boses sa malayo. Napatingin naman si Christian sa pinagmulan nito, si Mark na linapitan naman ng librarian upang pagalitan sa biglaan nitong pag-iingay. Pinanood niya ang paghingi namanng paumanhin ng kanyang kaibigan. Napailing na lamang siya at hinintay ang paglapit ni Mark. “Alam mo namang nasa loob ka ng library,” ang komento ni Christian. “Tapos sumisigaw ka?” “Sorry na. Ikaw naman kasi,” ang pagsisi ni Mark sa kaibigan. “Seryosa ka? Ako tala may kasalanan at ako pa talaga ang sinisi mo?” “Paanong hindi,” depensa ni mark. “Bigla mo akong iniwan sa ulan. Tapos pumunta ka rito para kumain. Kailan mo pa ako pinagdadamutan, ha?” “Hindi ako pumunta rito para kumain,” ang depensa naman ni Christian. “Nakipagkita ako rito kay—" Napalingon naman siya sa kinauupuan ni Justin ngunit bigla na lang siyang naglaho na tila bai sang bula. “N-nasaan na ‘yon?” ang naguguluhan naman nyang tanong sa klnayamng sarili bago tumayo at tumingin sa paligid upang hanapin ang taong kausap niya kani-kanina lang. “Sino ang tinutukoy mo?” ang nagtatakang tanong ni Mark. “Si Justin,” ang tugon naman ni Christian. “Ah, ‘yong tintukoy mong galing sa hinaharap,” ang saad ni Justin sabay dampot sa isa sa mga pakete ng tsokolate sa mesa. “Tama,” ang pagkumpirma naman ni Christian habang hinahanap pa rin sa paligid si Justin. “Siya nga. Ang tutulong sa akin para makatuluyan ko si Jester.” “Okay ka lang ba?” ang nag-aalala namang tanong sa kanya ng kanyang kaibigan. “Natutulog ka ba? Ang rinig ko kasi nakakaapekto ang sleep deprivation sa utak ng tao. Sinabi ko naman sa’yo na ipahinga mo na muna ang sarili mo sa kapapanood ng BL Series.” “Salamat, Mark,” ang sarkastikong tugon ni Christian bago nito paikiutin ang kanyang mga mata. “Sapat pa naman ang tulog ko.” “Kung ganun ay…” ang sunod na komento ni Mark. “Na ano?” ang naiinip na tanong ni Christian. “Umamin ka sa akin,” ang pabulong namang saad ni Mark bago napatingin sa paligid. “Gumagamit ka ba ng pinagbabawal na gamot?” Nanlaki naman ang mga mga mata ni Christian. “Ano bang pinagsasabi mo?” ang reaksyon niya. “Kilabutan ka mga sa haka-haka mo. Mark, maniwala ka sa akin. May kausap ako kahapon at kani-kanina lang na lalaking nagngangalang Justin,” pagpupumilit pa rin ni Christian sa pag-asang maniwala na nga sa kanya ng tuluyan ang kanyang kaibigan. “Gutom lang ‘yan,” ang wika ni Mark bago kinuha ang potato chips at binuksan ito. “Ikain mo na lang ‘yan.” Inabot anman niya ang potato chips kay Christian. Kinuha naman niya ito at mabagal na umupo. Napagtanto niyang kahit an anong sabihin niya ay hinding-hindi maniniwala si Mark. Sino ba naman ang maniniwala sa kuwento niya na may isang lalaking naglakbay mula sa hinaharap upang tulungan siyang makatuluyan ang lalaking kanyang matagal nang hinahangaan. “Saan galing ang mga ito?” ang namamanghang tanong ni Mark kay Christian habang nakamasid sa mga pagkain sa mesa. “Ngayon ko lang nakita ang mga ito. Teka… pamiyar ‘yung ibang brand.” “Paanong hindi?” ang tanong naman ni Christian kay Mark sa kanyang isipan. “Galing ang mga ‘yan kay Justin.” Pinili na lamang niyang hindi na magsalita. Ano nga bang punto kung hindi naman siya maniniwala. “Ah, galing ‘yan sa kamag-anak kong galing abroad,” ang pagsisinungaling ni Christian. “In fairness, kasing lasa ng mga snacks na makikita mo rito sa Pilipinas,” wika ni Mark habang tinitikman ang mga binigay sa kanya ni Justin. Napasimangot naman si Christian sa kanyang nasaksihan. “Mark! Sa akin kaya ang mga ‘yan,” ang naiinis na wika ni Christian bago nagpamewang. “Grabe ka naman sa akin. Parang wala naman tayong pinagsamahan,” ang nakabusangot namang tugon ni Mark sa kanya habang hawak-hawak ang isa sa mga chichirya sa mesa. Napabuntong-hinga naman si Christian at napailing na lang. “Oo na,” ang pagsuko ni Christian. “pero sa akin ang iba diyan.” Sinimulan naman ni Christian na ihawalay ang mga chichiryang gusto niya at iniwan ang iba para kay Mark. “Siguro naman ay masaya ka na diyan sa mga itinara ko para sa’yo.” “Oo naman!” ang maligalig na wika ni Mark. “Salamat, bespren!” “Hay naku, mabait ka lang talaga sa akin kapag may pagkain o may kailangan ka,” ang panunukso naman sa kanya ni Mark. “Di bale, sa susunod babawi ako,” ang tugon naman ni Mark. “Kailan?” ang tanong ni Christian. “Kapag umiitim na ang kalapati at pumuti na ang uwak?” “Technically, maynag-eexist na puting uwak,” ang saad naman ni Mark. “Pero napakabihira lang kasi epekto ito ng isang sakit na ang tawag ay albinism. At may bihira ring uri ng mga itim na kalapati—” “Ayan ka na naman sa mga biology lectures mo,” ang protesta naman ni Christian na nagpatawa kay Mark. “My point is… hindi namang imposibleng makabawi ako sa’yo,” ang paliwanag ni Mark. “Yon nga lang ay mukhang bihira ring pagakakataon,” ang muling panunukso ni Mark sa kaibigan. “Hindi naman talaga ako umaasa,” ang sarkastikong tugon ni Christian sabay tawa. “Siya nga pala, tumila na ba ang ulan?” “Oo, kanina pa,” ang tugon naman ni Mark. “Kaya nga ako nakarating dito. Hindi mo man lang ako sinukob sa payong mo kanina.” Napakamot naman si Christian ng ulo. “Pasensya na nagmamadali nga kasi ako.” “Nagmamadaling kumain,” ang wika ni Mark. “Halika na nga,” ang saad ni Christian. “Ayokong makipagtalo sa’yo at uwing-uwi na rin ako.” “Sige na nga. Malapit na ring magsara ang University Library.” Magkasabay nilang kinuha ang kanilang mga backpack at lumabas ng University Library. Natigilan naman ang dalawa nang makita ang kalangitan. Papalubog na ang araw at ang kalangitan ay napinturahan na ng sari’t-saring kulay ng pula, kahel at rosas. “Ang ganda,” ang usal ni Christian habang nakamasid sa kalayuan. Napangiti naman si Mark at napatango bilang pagsang-ayon. Ilang minuto naman silang nanatili roon upang pagmasdan ang paglubog ng araw. “Halika na,” ang yaya ni Mark. “Baka magabihan ka pa sa pag-uwi.” “Okay lang,” ang saad naman ni Christian. “Sabado naman bukas at wala tayong pasok kaya puwede akong umuwi na medyo gabi.” Napatango naman si Mark. Ipinagpatuloy nila ang paglalakad palabas ng University Campus. Humiwalay anamn si Mark patungo sa kanyang boarding house samantalang siya naman ay naghintay ng dadaang jeepney.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD