Pasimple namang napatingin si Christian at Justin sa isa’t-isa. Kaagad namang umiwas ng mga mata si Christian aty t tuluyan nan gang lumabas ng banyo. Hindi naman nagtagal ay humabol sa kanya si Mark. “Christian,” ang patawag nito, Binagalan naman niya ang paglalakad at hinintay si Mark. “Magkakilala kayo?” ang anong naman niya. Napakunot naman ng noo si Christian. “Sinong tinutukoy mo?” ang tanong naman pabalik ni Christian. “Yung lalaki kaninan sa restroom,” ang tugon naman ni Mark. “Ha? Hindi,” ang tugon naman ni Christian. “Bakit?” “Ah, akala ko kasi kakilala mo,” ang saad ni Mark. “Mali lanmg siguro ang pagkakita ko kanina, ang akala ko ay nag-uusap kayong dalawa. At tsaka, parang pamilyar yung lalaki sa banyo. Parang nakita ko na siya somewhere pero di ko maalala.” “Sigurado

