“Christian,” ang pagtawag naman ni Jester sa kanya. “Anong ginagawa mo riyan? Halika at makisabay sa amin.”
“Oo nga naman,” ang pagsang-ayon naman ni Mark; kita sa kanyang mga ngiti ang panunukso niya kay Christian. Lumapit naman siya kay Christian at hinila siya papalapit kay Jester. “Lumilipad na naman ang isipan mo. Ano na naman bang nasa isipan mo?”
“W-wala naman,” ang tugon ni Christian. “Yung nobela lang na nasa gusto kong isulat,” ang pagdadahilan naman ni Christian.
“Nagsusulat ka ng nobela?!” ang gulat at manghang reaksyon naman ni Jester sabay tingin sa kanya. Napatango naman si Christian.
“Isa na sa mga naging pampalipas oras ko ang pagsusulat,” paliwang naman ni Christian. “Kaya nga hindi rin nalalayo ang kinuha kong kurso.”
Napangiti naman si Jester at napatango. “So, tungkol saan naman ‘yung naiisip mong isulat ngayon?” angsunod na tanong ni Jester.
“Uhm, fantasy story na sa Egypt nangyari.”
“Ah, kaya pala nagheram ka ng libro na Egyptian Geography,” komento ni Jester.
“Paano mo nalaman na ganung libro nga nag hineram ni Chistian sa library?” ang nagtatakang tanong ni Mark kay Jester,
“Ah, dalawang beses ko siyang nakita ngayong araw,” paliwanag naman ni Jester. “Nagkita kami sa check-out counter. Hineraman ko siya ng ballpen, naiwan ko kasi ang sa akin. Tapos magkatabi pa kami ng mesa noong lumipat ako ng puwesto. Nakakatuwa ang pagkakataon.”
“Oo nga,eh,” ang pagsang-ayon ni Mark bago tumawa at napatingin kay Christian. “Tila ba itinadhana kayong magkita dalawa… not once, but twice.” Kaagad namang umiwas ng tingin si Christian na tila ba intensyon nga niya na magkita sila ni Jester. May katotohanan naman sa parteng ‘yun dahil lama niyang plinano ni Justin ang lahat. Isang bagay na paulit-ulit na sinasabi ni Christian sa kanyang matalik na kaibigan ngunit hirap pa ring maniwala sa kanya si Mark. “Kung makapaglaro nga naman amg tadhana. Kung ako ‘yan iisipin ko na may stalker ako.”
Napasimangot naman si Christian at tinapunan niya ng masamang tingin si Mark.
“Hindi naman,” ang wika ni Jester. “Magkakilala naman kami ni Christian.”
Napatango na lamang si Mark habang mapanuksong nakangiti pa rin. Kitang-kita naman ito ni Christian sapagkat kilalang-kilala nga niya si Mark. BAsang-basa niya na ang ibig sabihin ng bawat ngiting ipinapakita kanya ng kanyang kaibigan.
Hindi nga nagtagal ay nakarating sila sa tinutukoy ni Jester na kainan. Isa itong simplemh local na restawrant. Masasabi mo ito kaagad sapagkat ang pangalan nito ay hango sa lokal na lengguwahe. Sa kanilang pagpasok sa establishemento ay sinalubong naman sila ng ingay ng mula sa pakikipagkuwentuhan ng mga taong kumakain ngayon doon. Kaagad din nilang naamoy ang pagkain sa loob.
“Mabuti naman at wala pang masyadong tao,” ang wika ni Jester bago nagtungo sa pila ng mga estudyanteng kukuha na rin ng kanilang pananghalian. Kaagad din namang sumunod si Christian at Mark.
“Sana may matira pang masarap na ulam,” ang wika ni Mark habang pilit na sinisilip ang mga nakahain na ulam sa display. Napatingin naman si Christian sa paligid. May sari’t-saring tapiseryang makikita sa loob. Halata rin ang impluwensya ng Country Music sa loob; isang bagay na gustong-gusto ng karamihan ng tao roon. Kaya naman napaisip siya; ganitong uri rin ba ng musika ang gustong pinapakinggan ni Jester? Hindi niya kasi hilig ang ganoong uri ng mga awitin.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang pagkakataon nila upang mamili ng kanilang pagkain. Napatingin naman si Christian sa mga pagkain na naroon; maraming bagay ang gusto niyang kunin ngunit may isang putahe siyang kaagad nakita; ang buttered shrimp na nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya ni Justin.
“Sunod,” ang pagtawag ng kahera.
“Isang budget meal po,” ang wika ni Christian.
“Anong ulam?”
“Yung buttered shrimps po at chapsuey,” tugon naman ni Christian at hinintay ang kanyang in-order. Naupo naman silang tatlo sa isa sa mesa roon. Nagsimula silang kumain at mag-usap.
“Kamusta ka naman?” ang tanong ni Mark kay Jester.
“Okay naman ako,” tugon ni Jester. “Ang dami nga lang pinapagawa sa amin ngayong sem.”
“Sinabi mo pa,” ang pagsang-ayon naman ni Mark. “Kahit s amajor naminn ay ang dami-rami din ng pinapagawa sa amin.”
“Narinig ko nga kay Christian,” ang saad ni Jester sabay tawa. “Yung pinagawa kayo ng sampung tanong mula sa isang stanza ng Sonnet 18.”
“Isa na ‘yun,” ang tumatawang pagkumpirma ni Mark. “Isang tanong pa ngalang, hirap na hirap na akong gumawa, sampu pa kaya. Mabuti nga itong si Christian, eh. Nakagawa ng fifteen questions.”
“Ang galing mo naman, Christian,” ang puri ni Jester sa kanya kaya naman na hindi kaagad nakasagot si Christian.
“Ah, hindi naman,” sa wakas ay tugon niya. “Hindi lang talaga nag-iisip si Mark.”
Natawa naman si Jester bilang reaksyon samantalang nanlaki ang mga mata ni Mark mula sa kanyang narinig. “Grabe ka sa akin, Christian!” ang reklamo ni Mark. “
“Ayan ka na naman, mali ang iniisip mo,” ang paglilinaw ni Christian. “Ang ibig kong sabaihin ay tamad ka lang talagang mag-isip kaya nga kinuha mo ‘yung extra kong tanong.”
“Oo na,” ang pagsuko naman ni Mark. “Ikaw talaga, kahit kailan hindi moa ko sinuportahan.”
“Ay, wow!” ang reaksyon naman ni Christian. “Look who’s talking.”
Kapwa naman natawa si Mark at Jester. “Napakamalapit niyo talaga sa isa’t-isa, ano?” ang retorikal na tanong ni Jester sa kanila.
“Kami malapit sa isa’t-isa?!” ang sabay namang reaksyon ni Mark at Christian sabay tingin sa isa’t-isa.
“Baka kung ano ang isipin mo, ha?” ang wika naman ni Mark. “Magkaibigan lang kami ni Christian. Wala lang talaga akong choice kung hindi ang sumama sa kanya.”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” ang tanong naman ni Christian sa kanya.
“Sinasamahan lang kita kasi matalino ka at mapagbigay,” ang komento naman ni Mark.
“Huh?” ang muling reaksyon ni Christian. “Matapos ng ilang taon tayong magkasama; ganyan ang maririnig ko mula sa’yo?!”
Natawa naman si Mark. “Ito ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko siya magugustuhan,” ang saad naman niya kay Jester. “Napakareklamador.”
Napasimangot namang tuluyan si Christian. “Friendship over na tayo, Mark. Huwag na huwag kang makakaheram sa akin ng kung anu-ano. At huwag mo na ring maiisip na manghiram sa akin ng mga homework na nakakalimutan mong gawin. Huwag ka ring makakahingi sa akin ng pagkain. “
“Ikaw naman, friend,” ang biglaang paglalambing ni Mark sa kanya. “Hindi ka na mabiro. May gusto ka bang kainin? Libre ko.”
Natawa naman si Jester samantalang nagbalik ang ngiti sa kanyang mga labi. “Gusto ko ng ice cream,” ang tugon naman ni Christian.
“Ube!” ang pagpayag naman ni Mark sabay turo sa kanya.
“Nakakinggit naman na may kaibigan kang malapit sa block niyo,” ang komento naman ni Jester.
“Wala ka bang malapit na kaibigan sa block niyo?” ang tanong naman ni Christian sa kanya.
“Uhm, meron naman pero hindi kasing lapit niyong dalawa,” ang komento ni Jester. “Sa sobrang lapit niyo sa isa’t-isa ay para bang magka—”
“Jester, utang na loob. Huwag mo nang ituloy,” ang pagpigil ni Mark sa kanya. “Parang kapatid lang ang turing ko kay Christian. No more, no less.”
“Ako rin, napilitan din naman akong makipagkaibigan sa kanya,” ang dagdag naman ni Christian. “Parati kasi siyang dikit ng dikit sa akin. Lakas makalinta, Parasite ka, besh?”
Napansin naman ni Jester na kanina pa nagbabalat si Christian ng kinakain niyong sugpo. “Christian, tulungan na kita.”
‘Hindi na kailangan,” ang pagtanggi naman ni Christian. “Kaya ko na.”
“Hindi,” ang pagpupumilit naman ni Jester bago siya tulungan sa kanyang ginagawa.
“A-ah, salamat.” Napatingin naman si Christian kay Mark na mapanukso na namang ngumiti sa kanya. Hindi na rin naman naiwasan ni Christian ang mapangiti.
“NABUSOG ako!” ang masayang wika ni Mark pagkalabas nila ng kainan. “Mula ngayon, dito na tayo kumain ng pananghalian.”
“Kung okay lang sa inyo, sasabay ako paminsan-minsan.”
“Okay na okay!” ang tugon naman ni Mark. “Halina sa Marketing. Bumili na tayo ng ice cream.”
“Ah, kayo na lang muna,” ang wika naman ni Jester. “Sa Engineering building pa kasi yung susunod kong klase.”
“Sige,” ang pagpayag naman ng dalawa. Nagpaalam naman si Jester sa dalawa bago naglakad palayo. Napatingin naman si Mark kay Christian. “Hindi talaga ako makapaniwala na coincidencve lang ang dalawang beses niyong pagkikita. Christian, umamin ka nga sa akin. Stalker ka ni Jester, no?! Alam ko namang may gusto ko sa kanya pero grabe ang pagiging stalker, ha?”
“Hoy, hindi ako stalker,” ang argyumento naman ni Christian. “At sa tingin mo, paano ko naman magagawa ‘yun? Eh, ang layo-layo niya sa akin. Hindi ko rin alam kung saan siya papunta o kung anong ginagawa niya.”
“Som ipagpipilitan mo na naman sa akin ‘yung dahilan mo na may anak ka mula sa hinaharap at tinutulungan kang maging malapit kay Jester?” ang retorikal namang tanong ni Mark sa kanyang kaibigan. Sinalubong naman siya ng katahimikan at tanging tunog lamang ng dumadaan na sasakyan ang kanyang sunod na narinig. Tumawid naman si Christian ng kalsada na siya namang kaagad sumunod si Mark. “So, totoo nga talaga!”
“Matagal ko nang sinabi sa’yo ‘yan,” komento naman ni Christian. “Dalian mo na habang may oras pa tayong kumain bago ang susunod nating klase.”