“O'siya, sige na at paniguradong kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo.”Bumalik sa pagiging masigla a illng boses ni Lola Gen.
“Sige po, una na po ako.”Paalam ko at nagsimula nang maglakad palabas.
“Stella, ihatid mo muna sa labas si Astrid.” Utos nito sa apo na kanina pa pinapapak ang hinog na langka na bigay ng kapitbahay nila. Tumayo ito habang bitbit ang kinakain.
“Marestella at your service!” Sigaw nito saka mabilis na naglakad palabas ng pinto.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtahak sa makipot na labasan nila nang pumantay siya sa akin ng lakad. Nakita kong wala nang laman ang hawak niyang langka at kasalukuyan na niyang kinikiskis ang mga palad para matanggal ang mga mantsa roon.
Hindi na ako nagitla nang padaskol niyang ipinatong ang siko sa aking balikat. Hindi na ako nag-abala pa na lumingon dahil paniguradong suot niya nanaman ang nakakairitang ngisi, at panigurado ding aasarin niya nanaman ako.
“Beh, alam mo bang kumakalam lagi ang sikmura ko kapag nakikita kita?”
At hindi nga ako nagkamali.
Binigyan ko siya ng nabuburyong tingin dahilan para mas lalong lumapad ang kanyang ngisi.
“Bakit nanaman?”Ipinag-krus ko ang aking mga siko at mas binilisan pa ang lakad.
“Kasi—”
“Kasi para akong shopao?”Putol ko sa akmang sasabihin niya. Lumabi ito at bahagyang niyugyog ako aking balikat gamit ang kanyang braso.
“Parang tanga. Inaaway-away mo na ako ngayon, porke nakatapak na sa langit ih.”Ungot nito na nginiwian ko lamang. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang bruha na'to, baka kanina pa ako nakabasag ng pagmumukha.
“Eh kung ipasundo kaya kita kay San Pedro papuntang langit? Ikaw nalang magpapakain sa manok niya.”Nagulat ako nang imbes na masindak ay mas lumapad pa ang kanyang ngisi.
“Ayoko, isusundo mo rin naman ako bukas sa langit. Tsaka ayokong magpakain ng manok, gusto ko ako yung kakainin.”Kagat-labi niyang turan na sinabayan pa ng malanding kindat. Bakas ang pagkasabik sa kanyang boses.
Nagtindigan ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan, nanlalaki ang mata akong napatingin sa kanya. Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway!
Seryuso ba talaga 'to na tutuloy kami bukas?! Kulang na yata turnilyo nito sa utak eh!
Sinadya kong tumigil sa paglalakad, nagkataon na nasa dulo na pala kami ng labasan.
Awtomatiko rin siyang tumigil sa paglalakad. Halos limang segundo kaming nakatayo sa dulo habang nakatitig sa isa't isa. Todo ngiti lamang siya habang ako ay hindi na maipinta ang mukha.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napameywang. Kumunot ang kanyang noo sa aking ginawa, bakas ang pag-aalala sa kanyang itsura.
“Hoy beh! Bakit? Hindi ka ba natunawan?” Lumapit siya sa akin at idinampi ang likod ng kanyang palad sa aking leeg.
“Normal lang naman ang init mo, ih. May masakit ba sayo?” Bahagya niyang inilayo ang katawan at sinuri-suri ang aking katawan na parang isang doktor.
Napa-'ih' siya nang umirap ako.
“Ikaw yata tong hindi normal eh.” Untag ko sabay busangot.
Sino ba naman ang magpu-pokpok para lang makaranas ng langit?!
Mabilis na nagbago ang kanyang itsura. Ang kaninang masiglang ngiti ay napalitan ng lungkot.
“Sabi ko na nga ba ih...” Maluha-luhang saad niya. Ako naman ngayon ang napakunot ng noo.
Sinasapian nanaman ba ang isang 'to?!
“Na ano?”Takang tanong ko.
“Na may iba ka nang kaibigan!”Nagsimulang manubig ang kayang mga mata. Nilaro-laro niya ang kanyang mga daliri na kadalasan niyang ginagawa kapag nagdadamdam.
Imbes na maawa ay muli ko lamang itong inirapan. Mahina akong napasabunot sa aking sarili.
“Buang! Sige na, tumigil ka na sa kaungasan mo! Maaga pa kita pupuntahan dito bukas, bahala ka kung gusto mong matuhog.” Biglang nagliwanag ang kanyang mukha na abot tenga ang ngiti.
“Promise mo yan ha?”Nguso niya na kumisap-kisap pa ang mga mata.
“Gusto mo bawiin ko?” Pananakot ko. Nagbibiro lang naman talaga ako, ang sarap niya lang kasing paamuin paminsan-minsan. Ganti ko nalang 'to para kay Lola Gen na laging stressed sa kanya.
Umiling siya ng paulit-ulit. Bakas ang takot na baka bawiin ko nga ang sinabi ko.
“Baka kasi umiral nanaman yung inner-budol mo ih.” turan niya na agad ding binawi nang pabiro siyang inambahan.
“Ikaw nga 'tong budol eh.”banat ko. Palihim akong napangisi nang tumango-tango siya na para bang inaamin ang bintang ko. Hindi makapalag ah!
Takot HAHA!
“Sige na, uwi na ako ah? Wag mong pasakitin ang ulo ni Lola Gen, kundi makakatikim ka sakin.” Banta ko habang naglalakad ng paatras.
Muli nanaman siyang tumango ng ilang beses na animo'y isang maamong tupa.
“Makakaasa ka! Ingat!”Masaya niyang tugon habang naka-saludo.
Tuluyan ako tumalikod at naglakad palayo. Itinaas ko ang aking kamay bilang paalam. Sa tuwing may nakakakita sa amin ng ganito ay sinasabihan kami na para kaming ewan, pero binabalewala namin iyon dahil simula pagkabata ay may sarili na kaming mundo. Mundong walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Nang lumingon ako sa dulo ng labasan ay naglalakad na siya pabalik sa bahay habang tumatalon-talon pa.
Isip bata kung kumilos ang tignan, pero daig pa ang matanda kung makapag-isip ng kalokohan.
Hayy. Bakit ko nga ba naging kaibigan yun?
Binilisan ko ang paglalakad nang may ngiti sa labi. Kaunti lang ang mga dumaraan tao, karamihan ay nakakasalubong ko habang ang iba naman ay pareho ng direksyong tinatahak ko.
Halos puro busina at matulin na pagpapatakbo ng mga sasakyan ang maririnig na ingay. Kung sabagay, tanghali na at tirik na tirik ang araw.
Kahit paano ay maganda naman ang araw ko ngayon.
Nasa kalagitnaan ako ng payapang paglalakad nang may marinig akong malakas na ingay sa di kalayuan. Nilingon ko ang mga taong dumaraan din, at sa tingin ko ay napukaw din ang atensyon nila dahil tulad ko ay nakatingin din ang mga ito sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay. Dalawang boses ang naririnig ko, at sigurado akong boses ng galit na lalaki at naghihinagpis na iyak ng bata ang mga boses na yun.
Mas binilisan ko ang paglalakad, at habang papalapit ako ay palakas ng palakas ang ang mga tinig.
At nang lumiko ako ay awtomatiko akong tumigil sa paghakbang nang makita ko sa may gilid ng kalsada ang isang lalaking walang awang pinapalo ang isang batang lalaki na umiiyak at nagmamakaawang tumigil ito sa tuwing tumatama ang malakas na hampas ng baston sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Nakataas ang dalawang kamay nito na para bang nais pigilan ang bawat paghampas ng baston.
Sa tingin ko ay nasa edad lima pataas pa lamang ito, at ang makita ang mga pasa at mga sugat na kulay magkahalong pula at itim na halos lumukob sa buong katawan nito ay ang siyang mas nagpadurog sa aking puso.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako nang makita kong nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa akin habang patuloy parin sa pagpalo samantalang nakatingin din sa akin ang batang lalaki na para bang nanghihingi ng tulong, hindi na ito umiiyak ngunit bakas sa mukha ang kagustuhang sumigaw dahil sa matinding sakit, ang mga mata nito ay tila sumisigaw ng pagmamakaawa, lungkot at pagtitiis. Kasabay niyon ay ang paninikip ng aking dibdib at pamumuo ng mainit na likido sa aking mga mata dahilan upang bahagyang manlabo ang aking paningin.
“T-tama na po Papa! Masakit po! Hindi ko na po uulitin yun, mag-iingat na po ako sa susunod pangako po Papa! Ayoko na po!”
“Tumahimik ka at huwag mo akong matawag-tawag na papa dahil hindi kita anak! P*t@ng!na mo!”
Bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa malakas ng busina ng sasakyan sa may bandang likuran. Napagtanto ko na kanina pa pala ako nakatayo malapit sa gitnang bahagi ng kalsada. Napakurap ako ng dalawang beses nang makitang wala na ang batang lalaki at ang lalaking pumapalo rito kanina. Gaano na ba ako katagal na nakatayo dito?
Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na pagbusina sa aking likuran at nagpatuloy na sa paglalakad, sinigurado kong nasa pinaka-gilid na ako ng kalsada dahil sadyang medyo makipot na ang bahagi ng kalsadang 'to kaya mahihirapang dumaan ang mga malalaking sasakyan lalo na kung may tao ding dumaraan.
Ngunit muli akong napatigil dahil sa muling pagpakawala ng malakas at mahabang busina ng kung sino mang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon. Pagpapatuloy na ulit sana ako nang muli nanaman itong bumusina kaya hindi ko napigilan ang sariling harapin ang pinanggagalingan nito.
Lumabas mula sa loob ng mamahaling sasakyan ang isang babaeng halos kasing-tangkad ko lang din kung hindi lamang dahil sa sapatos nitong mataas ang takong. Sumisigaw ng karangyaan ang tindig at itsura nito, lalo na sa suot na pulang damit na hapit na hapit sa katawan nito.
Bago pa man ito makapagsalita ay inunahan ko na.
“Ano ba'ng problema mo?” Diretso kong tanong gamit ang kalmado ngunit galit na tono. Ipinag-krus ko ang aking mga braso.
Agad na umalma ang mukha nito dahil sa aking ginawa na para bang inapakan ko ang kanyang pagkatao.
“You were f*cking standing there for a goddamn eternity! How dare you to ask me what my f*ucking problem is?!” Galit na sigaw nito. Sobrang tinis ng boses nito sa puntong halos mapatakip ako sa aking magkabilang tenga. Ewan pero wala akong ibang narinig kundi puro 'f*ucking'.
Napairap ako sa kawalan dahil sa walang kakwenta-kwentang sinabi nito.
“Kumalma ka Miss, mamaya ay maputulan ka ng ugat sa leeg dahil sa kakasigaw mo at ako pa ang sisihin mo. Una sa lahat, pasensya na kung naabala ko ang pagmamaneho mo dahil nakaharang ako sa daan. Pangalawa, bakit busina ka parin ng busina kahit nasa pinaka-gilid na nga ako? Pangatlo, bakit hindi ka nalang bumalik sa loob ng sasakyan mo at magmaneho papunta sa kung saang lupalop mo man gustong mapadpad imbes na magsigaw-sigaw diyan na parang baliw at sayangin ang oras mo? Ganoon ba ka-espesyal ang tingin mo sakin para paglaanan mo pa ako ng oras gayung kanina lang eh para kang tanga kung maka-busina?”Mahabang litanya ko habang naiinip na nakatingin rito. Bumakas ang mas matinding galit sa itsura nito dahil sa huling kong sinabi.
Kalmado lamang akong tingnan samantalang siya ay halos sumabog na sa galit. Kulang nalang ay umusok ang kanyang magkabilang tenga katulad ng mga napapanood ko sa mga anime movies na kinababaliwan noon ni Stella.
“How dare you! Kilala mo ba ako?! Ha?! Kilalanin mo muna kung sinong binabangga mo!” Muling sigaw nito habang tinuturo-turo ako. Kailan ba 'to titigil sa kakasigaw?
“Hindi kita kilala, at una't-una ay hindi ako interesado sa pagkatao mo.” Inip kong sagot. Kunti nalang talaga, kapag hindi pa 'to tumigil ay talagang mapipilitan akong busalan ang bibig ng babaeng 'to at sapilitang ipasok sa loob ng sasakyan niyan! Anong oras na, marami pa akong gagawin sa bahay!
“Ha!” Madrama nitong bulalas habang maarteng nakahawak sa kanyang dibdib.
“Hindi mo ba ako kilala?! Do you even know that I am one of the most well-known model in the world! And aside from that, my family owns six five-star hotels in Makati and Manila!”Pagyayabang nito habang ikinukumpas ang mga kamay. Puno ng kumpyansa at yabang ang kanyang boses na animo'y hawak niya na ang mundo. Aaminin ko,
“At katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi ko alam at mas lalong wala akong pakialam.”Matapang kong tugon. Nagulat siya sa sinabi ko kaya sandali itong natahimik habang nakatitig lamang sa akin. Ngunit naroon parin ang galit na itsura at nakataas na kilay.
Walang pasabi akong tumalikod at nagsimulang humakbang palayo, nanatili paring naka-krus ang aking nga siko.
“How dare you turn your back against the Goddess of beauty, you b***h!”
Aphrodite ikaw ba yan?!
“Makikita mo! Bibilhin ko ang lugar na'to and I'm gonna make sure na mapapalayas ka dito! That's a sure bet! b***h!”Naging mas malakas at matinis ang boses nito ngunit hindi ko ito alintana, nagpatuloy lamang ako sa paglalakad na para bang walang pakialam sa mundo.
Hay, mga mayayaman nga naman. Akala yata nila ay kaya nilang makuha lahat sa pera.
“Get inside the car now, Eloiza.”Boses lalaki ang narinig ko at sa tantiya ko ay nanggaling iyon sa loob ng sasakyan. Malamig ngunit brusko ang tinig nito, makatindig balahibo ang tono ng pagkakasabi nito.
Eloiza. Yun ang pangalan niya.
Gayunpaman ay hindi ako nag-abalang lingunin muli ang kanilang direksyon. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad ngunit ngayon ay nakasilid na sa aking magkabilang bulsa ang aking dalawang kamay.
Narinig ko ang padabog na pagsarado ng pinto ng kotse kaya alam kong nakasakay na ngayon ang ipokritang yun.
Hanggang sa dumaan ang kanilang sasaktan sa tabi ko ay hindi parin ako nag-abalang tapunan sila ng tingin. Kahit na hindi ko nakikita ang loob ng sasakyan ay ramdam ko parin ang masamang titig ng babaeng iyon
Pero W.A.L.A A.K.O.N.G P.A.K.I.A.L.A.M.