Chapter 74 "Bayad po. Diyan lang po sa pangalawang kanto." abot ko ng bayad ko sa kasunod na pasahero. Nakarating ako ng apartment at inilabas ko na ang susi sa bag para makapasok. Naupo ako sa sofa sa may sala at binuksan ang maliit na tv saka ako nagtanggal ng sapatos. Horror ang palabas. Kaya dali-dali akong nagpainit ng tubig para sa cup noodles na hapunan ko. Nasa kalagitnaan na ko ng pagkain ng may kumatok. Halos mapatalon tuloy ako sa gulat. Iyon ba namang hinahabol na ng killer ang bida tapos biglang may kakatok? Sinong hindi magigitla? Nagmamadaling tumayo ako para tingnan kung sino ba ang kumakatok. Sa pagkakaalam ko naman nagbayad na ko sa renta kaya hindi na ko kakatukin ng landlady. Napatda ako ng mapagsino ang kumatok ng buksan ko na ang pinto. "Hi." Natulala ak

