Chapter 73 Nirvanna's POV "I will. I'll do what my heart says..." Napapikit ako ng marinig iyon kay JC. Gustong maniwala ng puso ko pero punong-puno na ng pagdududa ang utak ko. Isinisigaw nito na hindi ako dapat magtiwala sa kanya ulit dahil minsan na niya kong niloko at hindi malayong maulit muli. Nakayakap siya sa'kin at pinipigilan akong umaalis. Pinunasan ko ang luha ko at humugot ng malalim na hininga. "JC bitawan mo ko..." mahinahong utos ko. "No! Dito ka lang." "B-Bitawan mo ko. Parang awa mo na!" matigas ng sabi ko. Bahagya siyang kumalas pero tinitigan niya ko sa mata. "Nirvanna wag ka namang ganyan." Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita ang sakit na nakasungaw sa mga mata niya. Bahagya ko siyang itinulak at nagmamadaling tumayo. Hinagip ko ang maleta at ni

