Chapter 94 James Carlo's POV "A-Ano ba 'to? Lokohan? Wag ka namang ganyan Nirvanna. Ang tagal kitang hinanap. Tapos ganito?" kunot noong sabi ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. I think it's a blessing in disguise na ako ang pumunta rito sa orphanage at hindi si Gian. Kaya siguro nagpilit kumawala sa'kin si Ngasab dahil nararamdaman niyang nandito si Nirvanna. Nakakamangha na natatandaan pa rin niya si Nirvanna kahit ilang buwan niya itong hindi nakita at nakasama. "Hindi ako ang Nirvanna na tinutukoy mo. Helga ang pangalan ko." pag-uulit niya kaya naman nabitawan ko siya. Napansin kong tila tagusan ang tingin niya sa'kin kahit na magkaharap kami. Blangko ang bukas ng mga mata niya. Parang hindi niya ko nakikita? "Kilala mo ba siya?" ta

