Chapter 93 "Helga." tawag ng isang tinig. Hindi ko alam kung dapat nga ba akong lumingon. Nakatanaw ako sa kawalan pero walang hanggang kadiliman naman ang nakikita ko. Nang hawakan niya ang balikat ko ay saka lang ako napalingon. "Bakit mo ako tinatawag na Helga? Helga Esperanza?" blangko ang ekspresiyon na tanong ko. Iyon kasi ang ibinigay niyang pangalan nang patingnan niya ako sa isang doctor. "Helga it means blessed. Esperanza iyon ang maiden name ng Mama ko nung dalaga pa siya. Kaso lang wala na siya, hindi naman siguro siya magagalit kung ipapagamit ko muna sa'yo. Esperanza it also means hope. Since hindi mo masabi sa'kin ang pangalan mo iyon na lang ang naisip ko. Pansamantala lang naman yon hangga't hindi mo pa matandaan ang pangalan mo. Maswerte ka kasi

