Chapter 91 Limang susi ang nakuha ko kay Drake. Unang attempt ko sa isang susi hindi bumukas. Ganun din ang nangyari sa pangalawa at pangatlo... "B-Bakit ayaw?!" natatarantang bulalas ko. Nanginginig na ko at halos hindi ko maipasok iyon. "Ahhh!" sigaw ni Drake mula sa loob ng banyo. Halatang sobra siyang nasaktan sa ginawa ko. "Ano'ng nangyayari sa kanya?" natatarantang tanong ni Nana Karing. "Hindi na po importante...nakalas ko na!" tuwang-tuwang sabi ko nang mabuksan ko na ang padlock. Tinanggal ko na ang kadenang nakapulupot sa katawan niya. Hinila ko na siya para manakbo kami palabas. Tinalunton namin ang daan pababa nang hagdan. "B-Bilisan po natin. Baka bumalik sina Magda." Nang makababa kami ay tinakbo namin ang pintuan. Akmang hahawakan ko na iyon pero biglang b

