Chapter 90 Nirvanna's POV "Hoy!" tawag ko sa hudyo kong step brother na nakatayo lang at kampanteng nakasandal sa hambal ng pintuan. Talagang bantay sarado kaming dalawa ni Nana Karing. Salitan lang sila sa pagbabantay nung lalakeng bisugo na kasabwat nila. "Ano?" kunot-noong aniya matapos ibuga ang usok na mula sa sigarilyong tangan niya. "Nasaan ba si Nick? Kahapon pa niya kami hindi pinupuntahan, ah?" "Malay ko. Bakit miss mo na siya?" Umirap lang ako at hindi na sumagot. Ang totoo nagtataka lang talaga ko. Nitong nakaraan araw-araw niya kami kung puntahan. Baka nilamon na ng lupa dahil sa itim ng budhi? Nilapitan ako ni Drake matapos niyang pitikin ang upos ng sigarilyo sa sahig. Napakabalahura talaga ng lalakeng ito! Kung saan-saan na lang tinatapon yung kalat niya.

