Chapter 89 Nirvanna's POV "Pag-isipan mo Nirvanna. Minahal mo naman ako dati. Bakit hindi mo na lang ako mahalin ulit?" pakiusap ni Nick at lumuhod pa sa harapan ko. Kahit pigilan ko ang pagtulo ng luha ko kusa iyong lumagpak dala ng sama ng loob ko. "M-Mas lalo lang akong namumuhi sa'yo. Ibalik mo na ko kay JC! Wala akong pagsasabihan. Hindi kita isusumbong." pakiusap ko habang pilit na kumakawala sa pagkakatali ko. Nagulat ako ng hawakan niya ko sa magkabilang balikat at yugyugin. "A-Ano ba! Nasasaktan ako!" sigaw ko. "Nick! Wag mong saktan si Nirvanna!" awat ni Nana Karing. "Pag sinabi kong akin ka! Akin ka!" nanlilisik ang mga matang angil niya. Halos mawindang ako sa inaasal niya. Parang hindi na siya ang Nick na nakilala ko dati. Ngayon ko lang nakita ang tila nagwawalang

