Chapter 88 "Ano, ha? Siguro naman magtatanda ka na?!" sigaw pa niya at dinuro-duro pa ang noo ko habang pinupunusan ang mukha niyang may laway ko. "Ma! Tama na 'yan." awat ng ulupong na si Drake. "Ito kasi, eh! Masiyadong matapang, wala na namang magagawa!" Sarkastiko akong napatawa. "At ano'ng itinatawa-tawa mo diyan ha?" gigil na sita ng demonyita. "Bakit hindi mo ko pakawalan? Magsampalan tayo! Sisiguruhin kong mukha mo ang mabubura!" "Aba't-" "Ma! Tama na sabi 'yan, eh. Nadedelay ang pakay natin, eh." awat ni Drake at hinawakan ang ina. "Tsk! Sige na ikaw na ang bahala." piglas ni Magda at binuksan ang isang bintana na yari sa capiz. Nagsindi ito ng sigarilyo at makailang beses humithit buga bago muling humarap sa'kin. "Sige na Drake. Pasulatin mo na yan. Baka maghinala pa a

