Chapter 87 Nirvanna's POV "Masaya ko ikakasal ka na. May makakasama ka na. Kahit mawala ako mapapanatag na rin ako dahil may mag-aalaga na sa'yo." sabi ni Nana Karing habang pasakay kami ng bridal car patungong simbahan. This is it. It's my wedding day. Excited na kong maging Mrs. Fortaleza ni JC! "Nana Karing naman. Bakit kung magsalita kayo parang nagpapaalam na kayo?" "Naku hindi na rin naman ako bumabata. Baka anumang oras, eh kunin na ako ni Lord." "Ay! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Kinikilabutan po ako, eh. Basta matagal pa tayong magsasama. Ayaw niyo bang makita yung magiging future baby namin ni JC?" "Siyempre gusto. Oh siya sige, wag mo nang intindihan ang sinabi ko. Halika na baka mainip na ang groom mo." "Oo nga po. Kagabi pa 'yon atat, eh." natatawang sabi ko.

