Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumadampi sa balat ko. Medyo mahapdi na ito, hudyat na tanghali na.
I can’t remember anything from last night.
Oh s**t!
Mabilis kong tinignan ang kabuuan ng katawan ko. Kinapa ko kaagad ang aking katawan.
Okay, okay. Relax, Adi. Buo ka pa, hindi ka nahubaran, hindi ka pinalitan ng damit, may suka ka pa, may—
Wait, what? PUTANGINA I SLEPT WITH MY SUKA?! OMYFUCKINGGOODNESS!
Hindi man lang niya ako binihisan?! I-I mean kahit sana pinunasan man lang yung suka ko.
Patakbo akong pumunta sa bathroom upang ayusin ang sarili ko. Mabuti na lamang at may extrang damit dito sa kwarto. It was new, so I unpacked it.
I saw my face in the mirror.
Shit ka.
Mukha akong ginahasa. Hinawakan ko ang mga pisngi ko na lagi na lamang nasasampal ni Mommy.
Punyetang yan, kakapal na yung mukha ko kaka-sampal niya sa akin eh.
Mabuti na lamag talaga at may lalakeng nag ligtas sa akin. Pero nasaan na kaya siya? Hindi manlang ako nakapag thank you sakaniya.
Mabilis kong in-open ang shower at saka naligo. Matapos, ay nagtungo na ako sa kotse ko at nagmaneho.
Ilang oras din ang minaneho ko. Huminto muna ako sa isang convenience store at bumili ng chocolate. Dairy Milk.
Ito ang comfort food ko eh, lalo pa at may hazelnut ito. Agad na naglaway at kumalam ang sikmura ko nang tignan ko ang chocolate na hawak ko.
Bumili na rin ako ng matcha coffee at isang sandwich.
I don’t wanna upset my stomach, ayokong mag tae wala pang laman ang tiyan ko eh.
Matapos kong bayaran ang mga pinamili ko ay nagtungo na ako sa kotse ko.
Inayos ko ang mga pinamili ko at saka nagsimulang kumain. Habang kumakain, I checked my phone. Naka-ilang missed calls pala si Lola sa akin.
Nakuha ng atensyon ko ang isang mensahe sa telepono ko. It was an unknown number.
"Your father is worried about you, Adi."
I rolled my eyes nang malaman ko kung sino ang nagpadala.
It was Tita Celeste. The mistress of my father.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa iyon ni Tita Celeste at ni Era.
I want to be in denial right now.
Gusto kong humingi ng explanation kung bakit nila nagawa iyon sa akin at kay Mommy,
but I guess, right now, it's best that it never gets answered.
Ayoko nang masaktan pa.
I don’t think I can handle the pain kung sakaling bigyan ako ni Dad ng sagot sa mga tanong ko.
Humugot ako ng malalim na hininga atsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Nang imulat ko ulit ang mga mata ko ay napag desisyunan ko nang i-block ang number niya.
And so, I did.
I blocked her number, ganoon din ang ginawa ko sa number ni Era at Dad.
Gusto ko munang mapag-isa.
Matapos kong maubos ang mga pagkain ko, ay sinimulan kong buksan ang Dairy Milk ko. I stuffed one into my mouth habang nagda-drive.
Habang nagmamaneho, ay tiningnan ko ang orasan. It was already 3 PM.
Hmm, no worries. Malapit na rin naman ako sa bahay, bulong ko sa sarili ko.
Kinalaunan, ay nakarating na rin ako sa bahay. Nasa gate pa lamang ako, ay nakita ko na ang kotse ni Dad.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. May mga pamilyar na boses akong narinig.
They were laughing.
Bakit ang daming gamit?
What are they doing here?
Where’s Mom?
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita ko si Tita Celeste at si Era kasama si Dad na masayang nagtatawanan.
My hands were shaking habang mas lalo akong lumalapit sa kanila.
I can’t breathe.
Ang kapal ng mukha nila.
I looked at them for a moment.
They were laughing, talking like nothing ever happened.
Tita Celeste.
Era.
And... Dad.
The very people I once ran to when Mom made me feel unloved.
The ones who promised they’d never hurt me.
The ones who made me believe I was safe with them.
But look at them now.
Together. Smiling. As if they didn’t just ruin everything.
Just look at how cruel the world can be.
In a single snap,
they became the very people I needed saving from.
Hindi ko namalayan ang sarili kong hawak-hawak na pala ang buhok ni Tita Celeste at Era.
“Stop! Adi, stop it!” Rinig kong awat ni Dad.
What’s happening? Nandidilim ang paningin ko. Para akong makakapatay.
Natigilan ako nang maramdaman kong may itinurok sa akin. Dahilan ng pagkahilo ko.
----
Nagising ako sa lamig.
I saw my dad talking to one of the nurses he hired.
Muli, nanlambot nanaman ako.
I looked at my hands.
Again, nakakadena nanaman ako. But this time? It was my dad’s doing.
Parang dinudurog ng maraming beses ang puso ko.
“H-how can you do this?” Halos pabulong ko na lamang iyon sabihin kay Dad dahil sa panghihina ko.
He looked at me. His gaze was so unfamiliar. This was the first time I saw that look in his eyes.
Walang emotion.
He doesn’t care.
He walked towards me. Bumaba siya para pantayan ang katawan kong nakaupo.
“Listen. Our company is at risk. Palugi na ang kompanya”, sabi nito.
I stared at him, waiting for his next words.
“You have to marry Mr. Hernandez.”
Mr. Hernandez.
Yung matandang m******s na business partner niya. Yung naglalaway tuwing titingin sa akin. Yung hindi ko kayang lapitan, kahit amoy niya lang.
Iyong matandang manyak na amoy efficacent oil.
“Bakit ako?!” Sigaw ko, para na akong iiyak rito sa galit. “Bakit ako ang magsasakripisyo?!” Hindi siya umimik.
Tumingin lang siya sa akin nang malamig, parang hindi siya ang Dad ko. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya.
“You don’t have a choice, Adi,” he said coldly. “You owe me this life. I think it’s only fair you pay me back after everything I’ve done for you.”
“Owe you?! You're the one who destroyed everything, Dad! Baka nga nalugi ang company dahil sa mga luho ng ibang pamilya mo!” I shouted at him.
Umangat siya ng tingin. Nakita ko ang pagtiklop ng kamao nito. Animo ay gusto na niya akong suntukin.
“Gusto mo ng choice?” He asked mockingly.
Napatigil ako nang sapakin niya ako nang pagkalakas-lakas.
Puta. Mas masakit pa sapak niya kaysa kay Mommy. Halos lumipad na kaluluwa ko sa sakit.
I glared at him.
My lips were bleeding.
“I’ll give you a choice. Magpapakasal ka kay Mr. Hernandez o papatayin ko ang Mommy mo?” Natigilan ako sa sinabi niya.
“You can’t, Dad. I know you love Mom.” Pilit ko siyang kinukumbinsi, kahit ang totoo, sarili ko lang ang kinukumbinsi ko.
“For 18 years, Adi. HINDI NIYA MAN LANG AKO NAGAWANG MAHALIN!” Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang panga ko.
“Now, choose.” Mariiin niyang sabi.
Mas siraulo pa siya kaysa kay Mommy. Dapat siya ang may nurses eh, hindi si Mommy.
“That’s for your own good, Adi. If you want your Mom to stay safe.” Binitiwan nito ng padabog ang panga ko.
“I’m kind enough to give you choices. And also... hindi ka na mag-aaral,” habol pa nito.
“What?!” I asked, shocked.
He looked at me again.
“Ano bang silbi ng pag-aaral mo, Adi? You’re good for nothing. Mabuti na lang at maganda ka.”
He smirked.
“Now… you’re going to serve your purpose.. and that’s making Mr. Hernandez happy.”
He turned around and slammed the door on his way out.
Napahawak ako sa panga ko.
Tanginang pamilya 'to, mga siraulo.
I’d rather die kaysa magpakasal sa matandang iyon.
Nakatingin ako sa baba habang tumutulo ang mga luha ko. Ako lang din naman ang makakarinig ng mga sinasabi ko.
---
Tahimik ang paligid. Tanging tunog ng chains sa kamay ko ang naririnig ko habang pinipilit kong huwag umiyak nang malakas.
Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto sa taas. Mabagal ang mga hakbang pababa ng hagdan. Hindi ito si Dad. Hindi ito mabigat.
“Adi?” mahina at pamilyar na boses.
Si Lola Minerva.
“L-Lola?” halos pabulong kong tawag habang pilit kong tinatago ang mukha ko sa dilim.
“Anak…” Agad siyang lumuhod sa harap ko. Bitbit niya ang isang thermos at maliit na plastic bag.
“Pasensya ka na. Hindi kita agad na puntahan.” Napaluhod siya sa malamig na sahig, walang pakialam kahit basa pa ito ng ambon mula sa labas.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang jacket niya at ibinalot sa balikat ko.
“Dinalhan kita ng mainit na lugaw. Nilagyan ko na rin ng luya at itlog, paborito mo ’di ba?” Pilit siyang ngumiti kahit nangingilid ang luha niya.
Hindi ko na napigilang umiyak.
“Lola… bakit ganito? W-wala naman akong kasalanan,” umiiyak kong sambit.
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo.
“Anak… hindi ikaw ang mali. Hindi kailanman ikaw ang may sala,” garalgal ang boses niya.
“Bakit galit si Daddy? Akala ko ba mahal niya ako?” patuloy akong umiiyak habang nakasubsob sa kanyang balikat.
“Hindi galit ang Daddy mo, anak… pero natatakot siya. Sa pagkatalo. Sa pagkawala. At kapag ang isang tao ay natatalo, minsan… nakakasakit siya ng mga taong dapat niyang pinoprotektahan.”
Napapikit ako. Hindi ko maintindihan.
“Pero Lola… bakit ako? Bakit ako ang kailangang ipakasal? Hindi ko nga po kilala ’yung matanda—”
“Alam ko. Kaya andito ako,” mahinang putol niya sa akin.
“Lola, please… ayoko po. Ayoko magpakasal. Kahit kanino. Lalo na sa ganun.” Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.
Tahimik si Lola Minerva sa loob ng ilang segundo. Umupo siya sa tabi ko at pinatong ang lugaw sa gilid.
Alam kong wala siyang magagawa, pero ang presensya niya palang ay sapat para mapagaan kahit kaunti ang bigat sa dibdib ko.
“May kwento ako sayo, Adi,” bulong niya.
“Tungkol kay Mommy mo. Baka sakaling… mas maintindihan mo siya.”
Tahimik lang akong nakinig.
“Noong kasing edad mo siya, mapangarap ang Mommy mo. Gusto niyang maging doctor. Palabasa, matalino. Pero nung nalaman niyang buntis siya sayo… para siyang gumuho.”
“Hindi siya handa. Bata pa siya, 19 lang. Gusto pa niyang tuparin lahat ng pangarap niya. Pero imbes na pangarap ang natupad… naging multo ang nakaraan.”
“Bakit hindi niya ako kayang mahalin, Lola?” mahina kong tanong.
Sumandal si Lola Minerva sa malamig na pader. Umiling siya.
“Hindi ko alam, anak. Pero ang alam ko, ikaw ang pinakamalakas na batang nakilala ko. Kasi kahit binubunot ang pakpak mo, pilit ka pa ring lumilipad.”
Tahimik akong napatingin sa sahig. Ang lugaw ay hindi ko pa rin hinahawakan.
“Hindi mo kailangang maging martir, Adi. Pero kung gusto mong mabuhay… minsan kailangan mong maging matalino. Hindi dahil mahina ka. Kundi dahil hindi mo sila katulad.”
Napatulo ulit ang luha ko, pero iba na ito. Hindi lang galit, hindi lang sakit—may bahid ng tapang.
Hinaplos niya ang ulo ko. Tumingin ako sa kanya.
“Lola… hindi ko po alam kung makakaya ko pa.”
“Kaya mo, anak. Kakayanin mo. At kapag dumating ang oras na malaya ka na, ikaw na ang pipili ng daan mo.”