Prologue
Hello, everyone!
The story you’re about to read is a work of fiction. The characters, events, and situations are products of the author’s imagination and are not intended to reflect real life. Any similarities to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental
Please note that the cover is not final yet, and improvements are still in progress. Stay tuned for the final version!
This is my very first story, and I’m excited to share it with you all! Please note that the cover is not final yet, and improvements are still in progress. Stay tuned for the final version!
-----
“Adi?" Naramdaman kong may humahaplos sa likuran ko. Humarap ako sa kaniya.
"Lola!" Masaya ko itong niyakap. Niyakap niya naman ako pabalik. Hinaplos nito ang buhok ko at saka ako tiningnan sa mata.
"Adi, anak." Nag-aalala man ay tahimik kong hinintay ang susunod na sasabihin niya.
"Anak, pasensiya ka na sa Mommy mo, ah?" Her voice cracks. I saw her tears falling down to her cheeks.
"Pasensiya ka na at narito ka na naman. Pasensiya ka na at sinaktan ka na naman ng Mommy mo." Napahagulgol si Lola sa harap ko. Gumuhit ang sakit sa aking dibdib. Nasasaktan ako dahil siya ang nagsosorry para kay Mommy.
"Okay lang po, Lola. Sanay na po ako." Tipid ang ngiti na ibinigay ko kay Lola. Marahan kong pinunasan ang kaniyang mga luha.
"Wag po kayong mag-alala. Hindi po ako galit kay Mommy. Hindi po ako kailanman nagalit sa trato ni Mommy sa akin." Malungkot akong tumingin sa sahig, ramdam ko ang pag manhid ng aking likuran dahil sa malamig na sahig.
There’s no bed here. Ang malamig na sahig ang siyang tinutulugan ko.
"Kumain ka na. Alam kong gutom ka na." Tinanggal ni Lola ang mga kadena sa kamay ko at saka iniabot sa akin ang lunchbox na may chicken curry at rice sa loob. Marami pa akong gustong itanong kay Lola, katulad ng bakit ganito ang trato sa akin ni Mommy. Pero alam ko namang kahit masagot niya ang tanong ko ay hindi pa rin 'yun magiging sapat.
Nagsimula kong kainin ang mga idinala sa akin ni Lola. Gutom na gutom ako. Paano ba naman, I was locked here sa basement for two days. Two days akong hindi pinakain ni Mommy. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali.
Basta ang alam ko lang ay nagwala siya nang makita niyang binilhan ko siya ng birthday gift. Mommy despises me.
Lagi niya akong sinisigawan. Kapag naman masaya ako, lagi siyang nagagalit. Whenever she's upset because of Daddy, I'm the one who ends up getting hurt.
Nabalik ako sa reyalidad nang nagsalita si Lola.
"Oh, Adi. Bukas ay uuwi na ang Daddy mo. Bukas ay pwede ka nang bumalik sa kwarto mo." Tipid ko itong nginitian. Daddy spoils me. Kung paano ako ituring ni Mommy ay napaka kabaliktaran ng turing sa akin ni Daddy. He spoils me. He gives me all I need. Ibinibigay niya sa akin ang lahat. Kung may award lang sa pagiging good father, si Daddy na ang best father in the world.
"Oh, Adi. Iiwan na kita ha? Hindi alam ng Mommy mo na pinakain kita." Pagpapaalam ni Lola sa akin.
"Sige po, La. Salamat po." Niyakap ko si Lola.
Bago siya umalis ay isinuot niya ulit sa kamay ko ang mga kadena.
My mom really wants to make sure that I won’t escape. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga Lola ang matandang dumalaw sa akin kanina. Si Aling Minerva ay ang pinakamatandang katulong namin dito sa bahay. Siya ang nagpalaki kay Mommy, siya ang kinikilalang nanay ni Mommy kaya "Lola" na rin ang tawag ko sa kaniya. Kwento niya, mabait naman daw si Mommy noon.
Lola Minerva said Mommy used to be lively and full of joy when she was younger. But everything changed the moment I was born. I don’t even know how to feel about that. A part of me feels sorry for Mommy. Maybe I’m the reason her youth was ruined. She said Mommy was only 19 when Dad got her pregnant. Maybe that’s why she resents me so much. Maybe I’m the living reminder of everything she lost.