CHAPTER ONE

1009 Words
"Putangina naman, Alejandro! Lahat na nga kinuha mo sa akin, eh!" Narinig kong sigaw ni Mommy. "You ruined me… You and your f*****g daughter destroyed everything I could've been." Mommy’s voice cracked between sobs and screams as she hurled the words at Daddy. Habang pinapakinggan ko ang mga salitang binibitiwan ni Mommy ay parang napupunit at nag pipiraso ang puso ko. "Hon, please. Calm down. You’re just hallucinating things," pilit na pagpapakalma sa kanya ni Dad. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit sila nagtatalo, ngunit nag-aalala ako kay Mommy. She seems furious. "M-Mom, Dad..." Nanginginig man, tiningnan ko sila pareho. "W-Wag na po kayong mag-away." Isa-isang bumagsak ang mga luha ko sa pisngi ko nang sabihin ko iyon. I know... I know I'm being selfish right now, but I don't want to see my family fall apart. Tiningnan ako ni Mommy. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit, galit at lungkot. Nabigla ako nang puntahan niya ako at bigyan ng malakas na sampal, dahilan ng pagkasalampak ko sa sahig. “It's all your fault! Because of you, my life has been miserable! You ruined everything!” I was stunned by her words—a sharp pain shot through my chest at what she said. With frustration, Mommy grabbed my hair tightly. Hindi ko na nagawa pang umiwas dahil sa bilis ng pangyayari. I was still stunned at her words. Namanhid ako sa mga sinabi niya. Ang mga nurses, kasama na si Dad, ay inaawat siya. Ako naman ay para lang estatwa rito. Hindi gumagalaw, hindi ko man lang masabi na nasasaktan ako. Hindi ko masabi dahil hindi ko naman alam kung saan ang masakit — kung iyong paghila niya ng buhok ko, 'yung pagsampal niya, o baka naman ang puso ko. Lahat sa akin masakit. Hindi ko alam kung paano mag-react. I wanna be brave. Ayokong makita ako ni Mommy na umiiyak. But… I can’t help it. All I did was to cry. My hands were trembling. Ngayon ko lang nakita si Mom na parang desidido akong patayin. Ganoon na ba ako kasamang anak? Ano bang nagawa kong masama kay Mommy? Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Nararamdaman ko ang paglayo at pagtigil ng sakit sa anit ko. Marahil ay nahila at naawat na nila si Mommy. Namanhid ang ulo ko. Iniangat ko ang tingin ko nang maramdaman kong may humahaplos sa mukha at ulo ko. It was Dad. "I’m sorry, baby. I couldn’t protect you," malungkot na sabi sa akin ni Dad. "D-Dad?" My voice cracked as I stared at his face. Nakikita ko ang awa sa mga mata ni Daddy. Ayokong makita ang mga matang 'yon. I don’t wanna be pitied by others. Ayokong nakikitang naaawa sila sa akin. “All my life, I kept hoping that if I just loved her enough, she’d love me too. I tried, Dad. I did. I was patient, I was kind—I never gave up on her. But she never even tried. Why? Why does she hate me so much when all I ever wanted was her love?” Dad was left staring blankly at me after I said those words. I could see that even he was hurt by what I said. I kept my eyes on Dad, hoping for an answer, maybe a reaction. Pero ang binigay niya sa'kin ay katahimikan. And that silence screamed everything he couldn't say. Napangiti ako ng mapait. Pinilit kong makatayo kahit na nanghihina ang mga paa ko. "I-I’m going to school na po," I wiped my tears and forced a smile at him. ----- "Hay nako, are you okay?" Hawak-hawak ni Era ang tuhod ko habang ginagamot ang sugat ko. "Y-Yeah." Pilit akong ngumiti sa bestfriend ko. Ang totoo, sobrang sakit ng katawan ko. "I know you, Adi. Alam kong hindi ka okay." Bumuntong-hininga siya at tumayo. Umupo siya sa tabi ko. "Come here," Hinawakan niya ang balikat ko at marahan niya akong ipinaharap sakaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Niyakap niya ako, and it feels so warm. For the moment, I felt safe. "I’m always here, Adi. If you need someone, I’m always here. You’re not alone. Be strong, Adi." My heart melts at what she said. "T-Thank you for being with me through the most difficult times," seryoso kong sabi sa kanya. Oo, kulang ako sa pagmamahal ng nanay ko, pero siya at ang Mommy niya, sila ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi ko kailanman naranasan kay Mommy. Inabutan ako ni Era ng chocolate. Alam niya na comfort food ko ito. Kahit gaano kabigat ang problema ko, nawawala 'yon tuwing kumakain ako ng chocolate. ----- Maaga natapos ang klase namin kanina. Umaga lang naman ang pasok namin. Buong lecture, nakatulala lang ako sa likod. Hindi rin agad nagamot ang mga galos ko kasi dumating na ang teacher namin. Ayoko ring maistorbo ang klase dahil lang sa sugat ko. Everyone here at school looks at me like I’m a princess. Dad owns this school. Ang buong akala nila, prinsesa ang turing sa akin ng mga magulang ko. Kaya sigurado ako na kapag nakita nila ako na may galos, maguguluhan at magkakagulo sila. Ayokong mangyari 'yon. "Let’s go?" Aya sa akin ni Era. Inaya niya kasi akong mag-mall, at ngayon lang kami parehong may free time kaya ngayon na lang kami pupunta. Magse-celebrate na rin. It was my 18th birthday today. Pumunta kami sa makeup stores, kumain na rin kami, at saka pumunta sa arcade. Natapos ang araw namin ni Era nang masaya at magkasama. Masaya ako dahil nakasama ko ang bestfriend ko. Marami kaming nakuha na plushie sa arcade games kanina. Ang isa, iniuwi ko. Pag-uwi, ang buong bahay ay tahimik. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ramdam ko sa bahay na ito ang lungkot. Parang walang pamilyang nakatira rito. Inilagay ko sa kwarto ko ang mga bitbit ko, at saka ako nagtungo sa basement at doon ulit natulog. I don’t know why pero mas gusto ko na rito matulog kaysa sa kwarto ko. Siguro dahil dito na ako nasanay simula pagkabata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD