CHAPTER TWO

1491 Words
Pag gising ko, agad kong naramdaman ang sakit ng likuran ko. Marahil ay dahil ito sa pagtulog ko rito sa basement. Inalis ko ang kadena sa aking kamay at saka nagtungo sa aking kwarto upang magbanyo. Malapit lang naman ang kwarto ko rito sa basement. Si Mommy ang nag-request noon kay Daddy. Siguro para pagtakpan ang mga ginagawa niya sa akin. Alas-kuwatro na ng hapon. Siguro dahil sa pagod ko kaya nakatulog ako nang ganito katagal. Matapos kong maligo, dumiretso ako sa dining table. Gutom na gutom na ako. Kumuha lamang ako ng isang hotdog at agad itong kinagat. Pagkatapos ay nagsalin ako ng gatas sa aking baso. Iinumin ko na sana ito nang marinig ko ang boses ni Mommy. As usual, nagwawala na naman siya sa kwarto niya. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang nagtungo sa hagdanan. Nasa hagdanan pa lang ako nang marinig ko ang nurse ni Mommy na sumisigaw. Nanlamig ang mga kamay ko nang makita kong nagmamadali ang mga nurse pababa. Shit. Her face is bleeding. Patakbo akong nagtungo sa kwarto ni Mommy. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Para itong sasabog sa sobrang kaba. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang malakas na sampal sa pisngi ko. Fuck. Pisngi ko na naman. “Hayop kang babae ka. You and your cheating father. You ruined my life!” galit na galit na sigaw niya. Hindi ko na alintana ang sakit ng pisngi ko o ang mga masasakit na salitang ibinabato niya. Pero… “M-Mom… what are you talking about?” nanginginig ang tuhod ko habang nakatayo sa harap niya. “You heard me. Your father didn’t just ruin my life. He cheated on me.” Tawang-tawa siya habang umiiyak. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Napahawak ako sa dibdib ko. I… I can’t breathe. “Mom… please, stop. Hindi ko alam ang sinasabi mo,” nanginginig ang boses ko. Bigla niyang hinagis ang baso sa akin. Mabilis akong umiwas. Tumama sa pader ang baso at nagkapira-piraso sa sahig. “Ano bang alam mo?!” sigaw niya habang humahagulgol. “Ipinagkait niya sa akin ang magandang buhay. Ipinagkait ninyong lahat sa akin ang buhay ko!” humahagulgol na sigaw niya sa akin. Bawat salita niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. “M-Mom,” halos bulong ang lumabas sa bibig ko. Umiling siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Do you know what’s more funny?” tinitigan niya ako bago siya muling magsalita. "You." Saglit lang siyang tumitig sa mga mata ko. Her amber eyes was filled with pain, sorrow, and empathy. "I pity you, Adaire." malamig na sabi niya sa akin. “Habang naghihintay ka rito sa Daddy mo, naroon siya sa best friend mo,” may panunuya sa bawat salitang binibitawan niya. Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit. Takot. Hiya. Lahat nagsama-sama sa dibdib ko. Tita Celeste? Ang mabait na Mommy ni Era? Siya ang kabit ni Daddy? Napaatras ako at napasandal sa malamig na pader ng hallway. Ayoko na. Ayoko nang marinig ang iba pa. Takot ako... Natatakot ako. Pero kailangan kong makasigurado. Kailangan kong harapin si Tita Celeste. Nanghihina man ako ay tumayo ako. I am going to her house. Aalamin ko kung totoo ang mga sinasabi ni Mom. Kaya ba nagwawala si Mom dahil kay Dad and his mistress? Agad kong sinulong ang malakas na ulan. I didn’t mind the rain or the droplets soaking my skin. The cold air, the shivers down my spine—they didn’t bother me. Nothing did, not anymore. The only thing that mattered was knowing if everything Mom said... was true. Habang naglalakad ako sa basang kalsada, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga susunod ko pang maririnig. Pero kailangan. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Basang-basa pa rin ako habang naglalakad papunta sa bahay nila Era. I didn't stop. I kept going, even as the cold made my body shake uncontrollably. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I kept walking. Hanggang sa napansin ko ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa dulo ng kalsada. Pamilyar ito. Pamilyar na pamilyar. Sasakyan iyon ni Daddy. Napahinto ako. Hindi ako nagkamali. Sa loob ng sasakyan, aninag ko ang dalawang anino. Isang lalaki at isang babae. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko para mas makita nang malinaw. At doon ko nakita. Si Daddy. Nasa driver’s seat. Nakangiti habang hinahaplos ang mukha ng babaeng nasa tabi niya. At ang babaeng iyon, walang iba kundi si Tita Celeste. Kitang-kita ko nang maglapit ang mga mukha nila. Kitang-kita ko nang maghalikan sila. Parang may sumabog na kung ano sa loob ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw. Nakatayo lang ako roon habang pinagmamasdan ang pagtataksil na akala ko noon ay hallucinations lang ni Mommy. Mom wasn’t hallucinating. Totoo ang mga nakita niya. Totoo pala. Totoo lahat. Napaatras ako. Halos madulas ako sa putikan pero hindi ko na alintana. I gather myself at lumapit sa kanila. I saw how shock my Dad and tita Celeste was. “So, ito yung business trip Dad?!" Tumawa ako nang mapakla. "Business trip...” Pag-uulit ko. I feel like laughing—'cause wow, of all people... my best friend’s mom? Seriously? Hinawakan ni tita Celeste ang braso ko ngunit mabilis ko itong inalis. “tangina… tangina tita.” Halos hindi na ako makapag salita ng maayos sa sakit. “A-adi..” nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. “so you knew… putangina alam mo pero hindi ka manlang nag sabi?!” hindi ko namalayan na hablot hablot kona pala ang buhok ng bestfriend ko.. ang anak ng kabit ng tatay ko. Na tumba ako nang may malakas na pwersa ang nag tulak sa akin sa putikan. It was Dad. Tinitigan ko ito. Nakita ko ang pag ka bigla sa mukha niya. How ironic. Ni hindi niya nga ako ma ipagtanggol kay Mommy. Pero i-iyong anak ng kabit niya.... Tumawa ako nang mapakla. "How could you do this, Dad?" my voice cracks, trembling with disbelief. "Of all people… bakit sila pa? Bakit kayo pa?!" I scream, my voice breaking between anger and heartbreak. "T-tangina naman, Era. K-kaibigan kita eh... Kaibigan kita, pero bakit?!" I scream at her, but only Dad answers, his voice cold and sharp. "Enough!" he snaps, eyes blazing with frustration. "Why?! Bakit, Dad?!" I shout back, my voice is shaking with rage and pain. "Alam ko, mali 'to," he says, voice quieter now but heavy with guilt, "Pero hindi mo alam ang pinagdadaanan ko. Hindi ko sinasadya na masaktan kayo." "Hindi mo sinasadya? seriously, Dad? How could you do this? Why? Just why?!" My words come out raw, desperate for an explanation. He looks away, unable to meet my eyes, and the silence that follows is louder than any scream. I shook my head in disappointment. I fix myself and wipes my tears. I left them. I can hear my dad calling my name, but i didn't bother to turn back. Sobrang sakit. Pakiramdam ko, nag-iisa ako sa mundo. Niloko nila ako. Niloko nila si Mommy. Bakit? Bakit kailangan nila itong gawin? Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi. Hindi ko na rin maalala kung paano ko nabuksan ang pinto ng bahay namin. Basta ang alam ko, nang makita ko si Mommy na nakaupo sa sala, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa harapan niya. “Mom…” hikbi ko. “T-totoo lahat… nakita ko sila…” Tinitigan lamang niya ako at saka nag tungo sa kwarto niya. She left me here. Crying.. Pumunta ako at bumalik sa basement. Ikinadena ko ang sarili ko dito, dito ako matutulog. Mas gusto ko pang hindi na lang lumabas. Hindi ko na kayang harapin ang mundo sa taas. Hindi ko alintana ang higpit ng mga kadena sa aking mga kamay. Hindi ko na rin alintana kung anong klase ng lugar ito. Akala ko, ito na ang pinakamalupit na sakit na mararanasan ko. Pero mali ako. Hindi pa pala. Dad always spoils me with everything. Lahat ng gusto ko, ibinibigay niya. Pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako sa pamamagitan ng mga bagay, ng mga regalo, ng mga pag-aalaga. Pero hindi ko alam, hindi ko inisip na isang araw, yung pagmamahal na iyon… yun pala ang magiging dahilan ng pinakamalupit na sakit sa aking puso. Yes, he doesn’t hurt me physically. But who would’ve thought that the pain he caused would be more devastating than what Mom ever did to me? Tinitigan ko ang mga sugat mula sa higpit ng kadena sa aking mga kamay. Nakita ko ang konting dugo mula sa sugat ko. Physical pain can heal over time. But what about the pain inside me? When will that heal? When will the torment finally end? How long will I carry this burden? When will the wounds in my heart stop bleeding?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD