THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 31 - A N D R E I Sa panahon ngayon, alam ko na may iilan nang tumatanggap sa relasyon ng magkaparehong karasarian. Iilan. Ibig sabihin, hindi pa buong isang daang porsiyento iyon. Marami pa rin sa kanila ang sarado ang isipan–na ang babae ay para lang sa lalaki. No! Mali sila dahil ang lalaki ay para lang sa lalaki at ang babae, bahala na kayo kung kanino niyo gusto. Pero wala na rin naman akong magagawa. Hindi ko kayang pakiusapan ang lahat na tanggapin ang ganoong klase ng relasyon. At, sandali nga... Bakit ba itong iniisip ko? Mabilis akong bumangon. Umaga na pala. Hindi ko man lang namamalayan ang oras. Halos wala akong tulog. Ang laki nga ng eye bags ng mga mata ko pero hindi pa rin nababawasan ang ganda ko. Ngumiti ako sa salamin at saka ginaya ang m

