THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 32 - A N D R E I Kanina pa ako nauumay sa pinag-uusapan nilang dalawa. Kung puwede nga lang na umalis na lang ay kanina ko pa iyon ginawa. Pero ang shutaccang Sir Henry na ʼto ay hawak ang kamay ko. Hindi napapakali ang puso't isipan ko dahil sa ginagawa niya. Kanina pa niya ito hawak magmula nang pumasok kami rito sa restaurant at sinalubong itong ama niyang pinaglihi sa disappointment. Ewan ko ba, kasi kanina pa 'to salita nang salita. Nakakabobo na ang mga english spokening niya. Tungkol lang naman sa business nila ang pinag-uusapan at narinig ko pa na umalis daw ang isa niyang anak na si Sir Harrison. Kaya heto't pinakikinggan namin lahat ng hinaing niya sa buhay. Nasaan ba ang manager ng restaurant na 'to para mai-stapler niya bunganga nitong ama ni Sir

